Chapter 26 Concert

274 19 0
                                    

Your POV

Araw na ng concert nila Josh and we're preparing.

"Y/N! Yung make up mo pa anu bayan" Napaface palm nalang si Olivia tapos inayos yung make up ko.

"Ayan much better!" Pumapalakpak na sabi ni Olivia.

Im wearing a light blue off shoulder with a denim jacket and a white skater skirt habang si Olivia light green na off shoulder and black skater skirt pero walang denim na jacket.

"Ang ganda natin!" Hiyaw ko kay Olivia.

"Ang galing kasi nung pumili nung damit" Nagflip ng hair si Olivia.

"Ode ikaw na" Tumatawa kong sabi.

Josh's POV

Nakabihis na kami and malapit na kami magstart. Habang nasa backstage dinig na dinig si yung mga hiyawan ng mga fans.

Bumukas na yung pintuan. Sobrang liwanag ang daming tao. I smiled kasi eto na yung pangarap namin, natupad na.

"Get in the zone! Break!" We started talking. Im so happy pero malungkot din at the same time, wala kasi si Y/N.

We started dancing, singing and so the audience I can see na sobrang nageenjoy sila some of them crying sa sobrang tuwa.

Your POV

"Bakit traffic!! Nakakainis! Halos isang oras na tayong nandito!" Hiyaw ko.

"Kaya nga eh! Tara na babain na natin baka tapos na yung concert!" Hiyaw ni Olivia tapos hinatak ako.

Tumakbo kami ng sobrang bilis para lang kahit papano may mapanood kami or mapanood sila. Nagsimula akong magalala kasi baka hindi matuloy yung surprise ko kay Josh. Baka mamaya naka alis na pala sila.

"Kuya.... Papasukin.. Mo... Kami" Hingal kong sabi sa guard.

"Ticket?" Hinanap ko yung ticket ko sa bag nanlaki mata ko kasi naiwan ko ata sa sasakyan.

"Eto" Pinakita ni Olivia yung dalawang ticket agad namang kaming pinapasok nung guard.

"Nasayo lang pala yung ticket" Hingal ko pading sabi.

Nasa loob na kami and sobrang dami ng tao na medyo malungkot.

"Tapos na ba?" Tanong ko sa isang babaeng umiiyak na nasa harap ko.

"Oo grabe-" Napahinto sya bigla sa pagiyak nanlaki mata nya.

"Oh my Gosh!! IKAW SI Y/N DIBA!?!!" Hiyaw nya. Tinakpan ko agad yung tenga ko. Mas malakas pa ata yung boses nung babae na to kesa sa mic at speaker na gamit nila Josh.

"Uhh Y/N?" Tawag ni Olivia. Tinignan ko sya. Tinignan ko naman agad kung saan nakatingin si Olivia.

Isang napakalaking tv... Pero muka ko yung nakalagay. Tumibok ng mabilis yung puso ko... Hindi ko alam yung gagawin ko.

Josh's POV

Nagpapaalam na kami sa fans namin kaso biglang may humiyaw tapos nagbulungan agad yung mga audience. Yung camera naman agad tumutok sa crowd nakatingin naman kami sa tv kasi hindi namin makita.

"Si Y/N yon diba?" Tanong ni Justin na nakangiti.

Nakatingin lang ako sa tv tapos binaling yung ulo ko kung nasaan si Y/N. Akala ko ba hindi makakapunta si Y/N? I took a step. Yung mga fans naman umurong para malapitan ko si Y/N. Tinitigan lang nya akohabang yung mga fans tumitili.

"Surprise?" Patanong na sabi ni Y/N pero nakangiti.

Your POV

"Surprise?" Patanong at kinakabahan kong sabi kay Josh. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit hindi sya nakangiti? Galit ba sya sakin? Pano kun- nahinto ako sa pagiisip ko dahil niyakap ako bigla ni Josh. Napangiti ako.

"Anong surprise. Ikaw dapat isusurprise ko eh" Sabi ni Josh ng medyo malungkot. What isusurprise ako ni Josh?

"Tsaka akala ko ba hindi kayo makakapunta" Tanong ni Josh habang tinitignan kami parehas ni Olivia.

"Well bukas pa birthday ni mama" Nakangiti kong sabi kay Josh. Ngumiti naman sya bumalik tapos kiniss ako. I melted into the kiss. I can feel him smile habang yung mga fans nagtitilian.

"Okay okay hate to end the show but we have to" Sabi ni Tatang agad namang nalungkot yung mga A'tin.

Olivia's POV

Nasa dressing room na kami nakaupo lang ako sa isang gilid. Bakit wala si yani.

"Oli? Ays ka lang?" Tanong ni Jah tapos naupo sa tabi ko. Tinignan ko lang sya tapos ngumiti.

"Yup"

"Wehh hindi halata" Sabi ni Jah habang umiinom ng tubig. Okay Olivia.. Malay mo busy lang si Yani.. Ugghh wag na tanungin mo nalang yung kapatid nya.

"Uh Jah? Asan si kuya mo?" Binaling ko yung muka ko sakanya. Parang kinakabahan sya.

"Uh eh busy oo busy sya ih busy" Paulit ulit sinabi ni Jah yung busy. Hmmm.

Bigla namang may pumasok sa dressing room and ayon si Yani. Agad ko naman syang niyakap.

"Asan ka?" Tanong ko sakanya yakap yakap parin sya.

"Eto sa harap mo" Binigyan ko sya ng irap tapos kiniss naman nya yung noo ko.

Josh's POV

Hmm sayang naman dapat pala nagready na din ako para sa surprise ko. Pero ayos lang next time nalang.

Your POV

Napansin kong nakangiti si Josh.

"Bakit ka nakangiti?" Tanong ko kay Josh.

"Ah wala masaya lang ako kasi nandito ka kaso hindi nyo nasimulan yung performance namin" Nakangiting sabi ni Josh tapos niyakap ako. I hug him back.

"I love you" Mahina kong sabi.

"Hm?" Tanong ni Josh.

"Wala" Nakangiti kong sabi nginitian naman nya ako pabalik.

>~<
A/N: HELLO! So eto na yung next chapter. So ganon padin yung internet namin nagpuputol putol padin. Pero kapag naman nagkakaron nagmamadali akong ipublish yung chapter. So ano nagustuhan nyo ba? Hahaha. Ano kaya yung surprise ni Josh?

Salamin || Josh Cullen x Reader || SB19 ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon