Chapter 21: Feelings
Rue
"OH salo!"
"Gago!"
"Aray ano ba!"
"Tumahimik nga kayo! Natutulog si Rue sa kabilang kwarto!"
Napakunot ang noo ko sa mga naririnig. Tang na juice!
"Ano ba! Natutulog ang tao, e!" sigaw ko pero patuloy pa rin sila sa pag-iingay kaya napadilat na ako. "P*tangina!" inis kong sigaw ulit namg inulat ang mga mata at sumalubong sa mukha ko ang taong nakamaskara ng nakatatakot sa gilid ko.
"Ay, sorry! Sinukat ko lang, Rue. Nagulat ba kita?" ani Cielo at pumunta sa gawi ko ng may pag-aalala.
"Hindi obvious, 'no? Nag-vocalization lang talaga ako! Hindi ako natakot," sarkastiko kong sagot at bumangon.
"Walang duda okay ka na nga!" Tumawa siya at inalalayan ako pero pinigilan ko.
Nilibot ko ang paningin. Kunot-noo kong sinuri ang loob ng kuwarto. Ano 'to? Nasa clinic ako?
"Wala ka sa clinic, Rue, kung 'yon ang iniisip mo," paliwanag ni Cielo.
"Ha? Eh na saan ako?" Taka ko siyang nilingon.
"Nasa lumang building natin!" Tumawa siya.
Anong nakakatawa?
"Ginagago mo ba ako, Cielo? E puro basag at luma na lahat ng nasa building na 'to eh! Room nga natin mukha ng hindi room. Eto pa kaya?" Tumayo ako at nilapitan ang kabinet na nakita. Puti lahat, as in. In fairness ang linis dito.
"Nasa lumang building nga tayo, Rue." Tumawa na naman siya. "Tingnan mo pa sa labas,"
Kompleto ang lahat para sa panggagamot ng minor injury. Wow! Galing. Sinunod ko siya at totoo nga ang sinasabi niya.
Eto pala 'yong room na may tabla. Akala ko hunted room 'to, bwisit! Maling akala! Parang tanga!
Sinilip ko sila sa nasag na bintana. 'Yung mga baliw naglalaro ng hagisan ng bola sa dance room at nagtatawanan.
Merong mga damplis at galos 'yong iba, pero patuloy pa rin sa paglalaro. Kani-kanina lang parang hindi makatayo ang mga 'to, ah?
"Rue!"
"Okay ka na?"
"Baliw ka talaga kahit kailan!"
"Ayos ka na ba?"
Sunod-sunod nilang sabi, pinaulanan nila ako ng mga tanong at hindi ko alam kung paaano sagutin 'yon isa-isa.
"Teka nga. . . teka nga!" Pigil ko sa kanila. "Okay na ako! Kita ni'yo na ngang nakatayo eh!" Natatawa kong sabi sa kanila at pumasok sa malapad na silid na 'to.
"Dating ballet room ito kung 'yan ang iniisip mo," biglang sulpot ni Cielo.
"May lahi ka bang manghuhula ha Cielo?" taka tanong ko.
Halos lahat kasi ng itatanong o tanong na nasa isip ko inuunahan at sinasagot niya na.
"Wala ah! Obvious kasi sa maganda mong mukha," hindi ko inasahan ang sinabi niya sa huli kaya napanganga ako at hindi mapigilang mamula.
Enebe!
Napatawa siya at wala sa sariling kinurot ang pisngi ko. "Ang cute-cute mo talaga, Rue!"
"A-aray! Ma-mashaket!" Daing ko at napahawak sa pisngi ko.
Bwisit ka Cielo! Masakit pa rin ang sampal ng mga hinayupak na star section na 'yon!
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Ficção Adolescente(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...