Chapter 23: Demolition team ver. 2.0
Rue
"RUE! Sumabay ka sa 'kin. Threze Rue!" tawag ni Kuya Eziel mula sa kusina.
Hindi ko siya pinansin at inayos ang bag. Dali-dali akong naglakad papunta sa labas ng bahay para hindi niya ako maabutan.
Masama pa rin ang loob ko sa kanya at kina mom and dad. Feeling ko pinagkakampihan nila akong lahat. Sariling bahay namin 'to pero parang hindi ako welcome sa inasta nila kagabi. Nang dahil sa inis ay nasipa ko ang bote na nadaan at nabasag 'yon dahil tumama sa bato.
Basag! Kagaya ko. . .
Nilingon ko ang gate ng bahay at napatulala, kalaunan ay napabuntong hininga ng walang makitang lumabas. Laylay ang mga balikat kong ipinagpatuloy ang paglalakad. Pero napangiti na lang ako bigla ng maalala ang mga kalokohan ng mga bubuyog!
Worst Section, kayo na lang talaga ang kasiyahan ko.
Napailing nalang ako at may ngiting naglakad. Ginamit ko ang shortcut na alam ko para mas mapadali at mapabilis ang pagdating ko sa Hades Academy.
May mga iskinita akong nadadaanan, minsan ang panghi pa. Tang na juice!
Dalawang liko na lang ay mararating ko na ang HA pero napatigil ako ng may makasalubong na unidentified walking object.
You heard me right. UWO! I can't differentiate what they are. They're all like an animals. Hayop! Iba't-ibang uri. Nagtatawanan pa sila. Iba!
Napatigil sila sa paglalakad ng makita ako sa daraanan nila. "Miss, tumabi ka kung ayaw mong mamatay!"
Inirapan ko ang mukhang butanding na magsabi no'n. Lakas ah? Bakit may naligaw na sea creature sa iskinitang 'to?
"Diba 'yan 'yung kaklase ni Zinnon?"
"Oo nga!"
"Boss nakachamba tayo ah!"
Zinnon? Kilala nila? Pagkakakataon nga naman. Tsk! Malamng kaaway na naman nila 'to. Palagi na lang akong nadadamay
"Hindi ko 'yan kilala!" Maang-maangan ko. Walang takot akong lumakad papunta sa kanila, malalagpasan ko na sana pero bwisit may humawak pa sa braso ko.
Mukhang 'di tatalab 'to ah! D*mn it! Hindi ko kakayaning makalaban silang lahat. Bukod sa ang lalaki nila kumpara sa naengkwentro namin nina Gavin, ay ang dami nila!
"Huwag ka ng magsinungaling miss. Kilala naming lahat ang nasa paligid ng walang hiyang Zinnon na 'yan!" Galit na sabi ng humawak sa 'kin. Siguro ay boss nila 'to. Siya lang ang maraming tattoo at parang sunod-sunuran ang iba sa kanya.
"Ha? W-who's Zinnon? Teka...ayon siya oh!" Sigaw ko at tinuro ang pinanggalingan ko.
Tumalab kang tang*nang diskarte ka!
Laking tuwa ko at at kumagat sila. Busit! Gasgas na 'yang linyang 'yan pero marami pa ring nauuto. Marupok!
Mabilis kong hinugot ang braso mula sa pagkakahawak niya. "Ito ang bagay sa mga uto-uto!" Sabay sipa ko sa ibong inaalagaan niya sa gitna ng mga hita.
"Argggggh! P*tangina! Habulin niyo mga walang utak! Magbabayad kang babae ka!" Namilipit na sigaw ng boss nilang as if may utak.
"Try harder f*cking a*sshole!" Ngumisi ako at mas binilisan ang takbo.
Tingnan natin kung mahahabol niyo ako. Malapit na ako sa HA kaya laking pasasalamat ko ng makitang huminto na sila sa hindi kalayuan.
"Lagot tayo kay boss nito!"
![](https://img.wattpad.com/cover/236081607-288-k717797.jpg)
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Teen Fiction(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...