Chapter 31: Dead
Rue"ANO pang hinihintay ni'yo mga bobo! Sugod! Patayin niyo sila!" sigaw ni Arllu at kusa namang nagsisunod ang mga alagad niya. Mukhang nagalit, 'ata sa sinabi ni Z sa kanya.
Truth really hurts ika nga!
Pinalibutan nilang lahat ang section namin. Nilabas nila ang kani-kanilang mga kutsilyong dala at itinutok iyon papunta sa target nilang kalabanin.
My eyes widened ng muntik ng matamaan si Hiro but he managed to dodge it. Nakahinga ako ng maluwag dahil do'n.
Salag, sipa, suntok lang ang pinaggagawa nila at halos hindi na iyon masabayan ng ilan sa mga kalaban nila. Habang hindi nakatingin ang langyang may hawak sa 'kin na nagngangalang Raymond ay tagumpay kong nakalas na ng tuluyan ang tali sa 'kin.
Thanks to this knife!
Hawak pa rin ako sa buhok ng unggoy na 'to. Naghahanap lang talaga ako ng tyempo para makaganti sa kanya. Nakatali pa rin ang mga paa ko pero wala siyang kamuwang-muwang na nakalas ko na ang tali sa kamay ko. Napakabobong alagad!
"Hindi ni'yo man lang mapuruhan mga gago! Sayang ang binayad ko sa inyo!" galit na sigaw sa kanila ni Arllu.
"Bobo kasi ang leader kaya bobo rin ang alagad!" asik ko kaya bigla siyang napasugod sa direksyon ko.
"Rue, just shut up, will you?!" galit na ani Z at binalibag ang kalaban.
Bakit siya pa itong galit? I just rolled my eyes at hindi siya pinansin.
"Anong sabi mong walang hiyang babae ka?!" Mabilis niya akong nilapitan at akmang susuntukin.
Hindi mo na 'yan magagawa sa 'kin tanga!
Sinalo ko ang kamao niya at sinuntok siya sa mukha. Parang gusto kong mangbasag ng mukha ngayon! Nakakagana! Tang na juice!
"Surprise?" Ngumisi ako dahil hindi sila makapaniwalang nakawala ako. I raised my both hands and shrugged my shoulders. Mabilis akong naupo sa punatatalian ko kanina. I immediately untied the rope na nasa paa ko habang nnakatulala pa rin sila. Mga bobo nga talaga!
Tumayo na ulit ako at pinagpagpag ko dalawang kamay matapos kong makalas ang tali sa paa. Biglang akong nahilo pero hindi ko 'yon ipinahalata sa dalawang 'to. F*ck the both of them!
I managed to balance my body and give them a wicked smile. Lakas mag-acting hinang-hina naman!"Hunghang! Wala ka talagang kwenta Raymond! Hulihin mo!" sigaw ni Arllu sa kaniya.
Inambahan ako ng suntok ni Raymond pero nailagan ko iyon. I punched his face at tinuhod siya. Bagsak!
"You'll pay for what you've done to me." Tinuro ko ang ulo kong dumudugo pa rin.
I can manage the pain. Sanay na ako diyan. Psh! Ako pa ba?
Napaatras siya bigla at hindi makapaniwalang napabagsak ko 'yon. Isa pa nga lang ang napabagsak ko takot na takot agad. Paano pa kayang lahat ng 'to? Ang yabang ko! Hayaan na!
Pwede namang magmayabang kung may ibubuga ka, ' no! Hindi kagaya ng isang 'to. Bobo na nga, mayabang pa at wala naman sa gawa. Utos lang ng nang utos. Tanga!
![](https://img.wattpad.com/cover/236081607-288-k717797.jpg)
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Jugendliteratur(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...