CHAPTER 47

16.7K 715 68
                                    

Eto na po :) Salamat sa paghihintay.

Shoutout nga pala kay @FellJaneGajigan ♡

-

Chapter 47: Tayo na

Rue

"FINALLY, you're here," sabi ni Z sa 'kin at tumayo at inalalayan akong maupo. Ngumiti ako sa kanya.

Matapos ang ilang minutong pakikipagtalo sa sarili sa cr ay naisipan ko ring lumabas.

"Salamat," sabi ko at naupo na. Napatitig ako sa iba't-ibang pagkaing nakahain sa mesa. Itsura pa lang mukhang masarap na. Parang akong nalalaway na aso ngayon. Teka wala pala akong pambayad d'yan.

Narinig kong tumawa si Z kaya napatigil ako sa kakatingin ng pagkaing nakahain.

"Go on babe, kumain ka na. I know you're starving. Don't mind the people, ako lang ang isipin mo." Ngumisi siya sa 'kin.

Ikaw naman talaga iniisip ko ah? Ay syems. Maghunos dili ka d'yan Rue baka siya 'yong makain mo. Sinunod ko ang sinabi niya kaya nagsimula na akong kumain.

"Ang sarap!" Bulalas ko. Agad akong napatakip sa bibig ng makitang nakatingin ang ibang tao sa gawi ko. Nakakahiya! Baka sabihin nilang ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar which is true naman.

Nagpigil siya ng tawa. "'Yan 'yong kanina ko pa hinihintay."

"Ha?" Taka kong tanong. Anong kanina pa? 'Yong kahihiyan na 'to? Aba!

"It's not what you think babe. I mean...kanina ko pa hinihintay ang walang hiyang Rue, 'yong walang pake sa paligid basta lang magawa kung ano 'yong gusto niya. I love that side of you babe." Anito kaya pinamulahan ako ng mukha. "Kanina ka pa kasi parang isang dalagang Pilipina kung kumilos, ang pangit mo," dagdag pa niya.

Umusok bigla ang ilong ko sa sinabi niya. Ako pangit? Hindi kaya!

"Hindi ako dalagang Pilipina! Hindi rin ako pangit! Maganda ako!" Singhal ko.

Napatayo pa ako kaya nagsitunugan ang mga kubyertos. Napapikit ako bigla at bahagyang sinilip ang ibang costumer na nasa restaurant. Nakatingin sila sa 'kin at nagbubulung-bulongan. Siguro sinasabi nila na nakakahiya akong kasama dahil gwapo 'tong kasama ko at mayaman tapos ako parang tanga. Napaupo ulit ako at nakasimangot na tiningnan si Z.

"Dahil binatang Pilipino ka?" Tatawa-tawang sabi ni Z sa 'kin. Lumukot ng husto ang mukha ko. Nakakaasar 'to ah! "'Yan. 'Yan ang gusto kong Rue," anito habang tatango-tango ang ulo.

"Ah gano'n? Ito 'yong gusto mo?" Pinalagutok ko 'yong kamao ko. Nanggigigil ako kay Z.

"Busog ka na babe. Lakas na ng energy mo ulit oh... I love you," pahayag niya. Nakita ko pang natigioan siya bugla at ngumisi na naman.

Napaamang ako sa huling sinabi ni Z. A-ano raw? Wait paano ko ba sasagutin ang I love you niya? Napaiwas ako ng tingin. My face reddened in front of him. I don't know what to do. Pero napatingin ulit ako sa kanya nang makita itong tumatawa. Na-conscious na naman tuloy ako sa sarili ko.

Parang nabasa naman ni Z ang nasa isip ko sa mga oras na 'yon kaya nagsalota siya. "You don't need to answer it babe. Gaya ng ng sabi ko, makakapaghintay ako." Then he winked.

Tumayo siya bigla kaya nagataka ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Lalabas dahip ikaw ang magbabayad nito," seryoso niyang sabi.

"Ha? Gago ka ba? Anong ibabayad ko rito? Punyeta ka Z!"

"Chill babe, I'm just kidding." Bigla siyang humagalpak sa tawa.

Me and the Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon