Chapter 57: Here they come
Rue
NANLAKI ang mata ko nang agawin si Cazzy ang hawak na baril ni Paige. Nag-aagawan na sila ngayon.
"Argh! Pakialamera ka talagang babae ka! Bitch!" sigaw ni Paige habang pilit na binabawi ang baril.
"Ang usapan natin ay mapapasa 'kin si Eziel kapag nakuha ko siya, wala sa usapan na papatayin mo pala ang kapatid niya! Boba!" Sigaw pabalik ni Cazzy.
"You bitch! Manahimik ka!" Sinampal niya si Cazzy. Patuloy pa rin sila sa pag-aagawan ng baril.
"How dare you! Malandi ka ha!" Bumawi ng sampal si Cazzy kay Paige. Nabitawan rin nila sa wakas ang baril at tumalsik sa gawi namin ni Owen.
Natumba silang dalawa ay nagsabunutan. Dati naiinis ako kay Cazzy, ngayon hindi na. Parang gusto kong i-cheer pa na mas sabunutan niya ang ahas na 'yon para makalbo. Bagay 'yan sa mga malalanding katulad ni Paige.
"Tara na Rue," sabi ni Owen at hinila ako.
"Pero—"
"Kailangan kitang malabas dito," diterminadong anito.
Wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa kanya habang paika-ika. Tang na juice naman! Ang sakit na talaga ng paa ko. Dahil hindi ako makasabay sa paglalakad niya ay napatigil ito. Sinalubong ako nito nang pangungunot ng noo. Napatingin siya sa paa ko na namamaga na ng husto.
"T*ngina! Bakit hindi mo sinabi?" inis niyang sabi.
"Hindi ka naman nagtanong!" singhal ko at napairap. Napasunod ang mata ko nang maupo ito. "Oh? Na pa'no ka?"
"Rue naman, e! Basta."
"Ano? Hoy!"
Hinila niya ako kaya napasampa ako sa likod niya. Tumayo na siya at inayos ang posisyon ko sa likod niya. Naka-piggy back ride na ako ngayon kay Owen. Inumpisahan niya nang maglakad pero may nasalubong kaming mga kalaban.
Agad nila kaming inatake pero tanging pag-ilag lang ang ginagawa ni Owen dahil sa 'kin. Bigla siyang napaatras ng matamaan nang suntok ang tyan niya. Napaubo siya dahil doon.
Alam kong nahihirapan siya pero hindi lang niya iyon pinapakita. Bakit ba kasi namali ang pagbagsak ko kanina? Naging pabigat tulog ako sa kanya.
"Owen ibaba mo 'ko," utos ko.
"Hindi pwede!"
"Okay lang ako! Owen ano ba?! Ibaba mo na ako kung hindi ako talaga ang susuntok sa 'yo!" Banta ko.
"Tsk! Basta sa likod ka lang!" Napipilitan aniya habang binababa ako.
Napapakagat labi na lang ako nang tumapak sa sahig ang mga paa ko. Rue you need to endure that pain! Napahawak na lang ako sa pader para kahit paano ay masuportahan nito ang pagtayo ko.
Patuloy lang sa pagpoprotekta sa 'kin si Owen hanggang sa mapatumba niya ang mga kalaban. Nilingon ako nito at ngumiti.
"Sabi ko sa 'yo ako ang bahala, e." Ngumisi siya. Nailing ko na lang ang ulo. Kinuha nito ang isa kong kamat at nilagay 'yon sa balilat niya 'saka ako inalalayang maglakad.
Pababa na kami at laking gulat na lang namin na ang daming tauhan ni Arman ang napatumba na. Hinanap ng mata ko si Z, nag-aalala kung may sugat ba ito o ano. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang gwapong-gwapo pa rin ito at walang kahit na anong bangas sa mukha. May sinusuntok siyang malaking tao na halos ayaw na niyang tigilan ito.
"Dude, tama na." Pigil sa kanya ni Hiro. Doon natigil si Z kakasuntok sa taong 'yon.
"F*ck you Arman! Mabulok ka sa kulungan!" Aniya sa walang malay na kalaban.
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Novela Juvenil(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...