Chapter 2: Annoyed
Rue
NAPAUBO ako sa alikabok na malayang lumilipad pagkatapos kong buksan ang pinto ng storage room. Kinapa ko ang pader at naramdamang may switch do'n at saka ko lamang naaninag ang lahat ng nasa loob.
Storage room na parang basurahan. Nilibot ko ang tingin at naghanap nang pwede pang maupuang silya. Halos lahat kasi ay sira-sira na, parang hinampas talaga sa isang bagay o 'di kaya giniba ng sadya.
“Seriously?" I hissed as I rolled my eyes. Bakit ko ginagawa 'to in the first place? Bakit ako napasunod na pumunta ako rito. Nagpapadyak ako sa inis at naging dahilan iyon para mas lalong nagliparan ang mga alikabok sa sahig.
Napamasahe ako sa ulo dahil hindi ako makapaniwalang napasunod ako ng walanghiyang 'yon.
Greatest nightmare? Wow! Parang great taste white! Ano siya? Kape?
Pinagsisipa ko ang mga nadaraanang kahoy kaya lumipad ito sa kung saan-saan. Nakakainis! Parang gusto kong namapak ng tao ngayon.
Sorry lo, ngayon lang ito. Promise ko sa 'yo na magiging mabait ako sa susunod na mga araw. Just this day, lo.
“Wala namang maayos na upuan dito!” reklamo ko ng wala talagang mahanap na upuan.
Nalibot ko na 'ata ang buong storage room kahahanap pero wala. Bakit parang feeling ko pinagtitripan lang ako ng mga lalaking 'yon? Tang na juice na 'yan.
Pinihit ko ang katawan at iniwan ang mga sirang upuan, handa nang bumalik sa room namin. Naglakad na ako pabalik sa pintuan ngunit hindi ko namang inasahang magsasara iyon. Ayon na, e! Aabutin ko na lang.
Pipihitin ko na sana ang doorknob pero bigla 'tong sumarado at nakaarinig ng pag-click,nangangahulugang na-lock na siya mula sa labas.
Nanlaki ang mata ko sa nakita. Pinihit kong muli ang doorknob, umaasa na sana ay mabuksan ko pa. But all my efforts are wasted.
Sinilip ko ang maliit na siwang na nasa pagitan ng pinto at pader. May mga lalaking nag-aapiran sa labas at nakangisi!
Naningkit ang mga mata ko nang makumpirmang mga kaklase ko iyon. Nagtatawanan pa sila! So happy na kayo niyan? Kasiyahan ninyo 'to?
They've planned all of this!
“Hoy! Tang*na ninyo, palabasin ni'yo ako rito! Hoy!” I shouted at the top of my lungs. Pinagsisipa ko ang pinto at kinalampag ng paulit-ulit ngunit wala pa ring nangyari. Tila tuwang-tuwa pa sila dahil nag-e-eskandalo na ako rito. “Sa oras na makalabas talaga ako rito, tingnan lang natin! Tang*na ninyong lahat!”
Na saan na 'yong motto kong do good,be good ngayon? Nasira ng dahil sa mga bubuyog na 'to! Nasira na lang basta-basta! Magbabayad sila!
“Sinong tinakot mo?”
“Umalis ka sa section namin kung ayaw mong maganyan!”
“Hindi ka welcome rito kaya mabuting umalis ka na lang o lumipat ka na lang ng ibang section!”
“Huwag dito!”
Napasigaw ako ng biglang may malakas na tunog akong narinig. Pumunta ako sa gilid dahil parang binabato nila ang pinto ng storage room na ito.
Napatayo lang ako ng wala nang marinig sa labas. Tahimik na, umalis na 'ata silang lahat. Bumalik na ako ro'n sa pinto at sinilip ulit ang labas. Ni isang bakas ay wala ng natira.
They're gone!
Nakasilip lang ako, nag-aabang ng kung sinong dadaan para mahingan ng tulong but minutes have passed, no one was there. Saang lumalop ba ang storage room na ito at hindi abot ng ibang estudyante?
![](https://img.wattpad.com/cover/236081607-288-k717797.jpg)
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Ficção Adolescente(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...