CHAPTER 52

14.6K 615 55
                                    

Chapter 52: Where is she?

Zinnon

"Z, OH INOM tayo!" sigaw ni Owen at hinagisan ako ng beer. Nasalo ko ito at agad na binuksan.

"Hindi pa ba gising si Rue? Nagugutom na ako, e," Cielo said while tapping his stomach.

"Sabi ni Z sabay-sabay tayong kakain! Ulol!" sigaw ni Rin.

"Gutom na rin ako!" reklamo ni Brent.

"Z, puntahan mo na si Rue. Gutom na ako!"

"Oo nga Z."

I sighed. Mga patay gutom talaga ang mga ulol na 'to. Hinanap ko ang phone at t-in-ext si Rue. I don't know if she's already awake. I texted her but minutes had passed, still no response. Tulog pa siguro 'yon.

"Dude," sabi ni Hiro at hinawakan ako sa balikat. "Lakad tayo?" aya nito at tinuro ang dalampasigan.

I just nodded saka na pinagpagpag ang shorts at sumunod sa kaniya.

"Bromanace na naman 'yan!"

"Hiro at Zinnon talaga ang lovetema natin, e!"

"Hahahaha Ziro loveteam!"

"F*ck you!"

"F*ck you!"

Sabay na singhal namin ni Hiro. They just laughed at us. Napailing na lang kami ni Hiro at naglakad na.

Ininom ko ang beer saka napatingin sa malayo habang naglalakad.

"Z, I think. . . I think I saw Paige a while ago but. . . I'm not sure of it."

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. There's a sudden feeling of uneasiness inside me. Nanlamig ako bigla sa hindi malamang dahilan. D*mn.

"Rue." Nabitawan ko ang bote ng beer na hawak at mabilis na tumakbo papunta sa hotel room na pinaglagyan ko sa kanya.

"Oy, Z, hinay-hinay lang! Parang sabik na sabik ka naman kay Rue!"

"Iba talaga kapag may jowa!"

Sh*t! Sh*t! Sh*t! No, please. Sana mali ang naiisip ko.

Bawat hakbang ko ay bumabaon sa buhangin ang mga paa ko. Hindi ko na pinansin ang mga kantyawan nilang lahat.

All I want is Rue, I want to see her. I hope she's okay.

Habol-habol ang hiningang napahinto ako sa pagtakbo nang mapansin ang isang bagay na umiilaw sa hindi kalayuan. Malapit ito sa hotel at nasa madilum na parte kaya agaw pansin ito. Tumakbo ulit ako para lapitan 'yon at pinulot.

"D*mn it!" I cussed.

This phone belongs to Rue. Nabasa ko ang text ko kanina sa kaniya bago kami mag-usap ni Hiro. Mukhang papunta siya sa 'min habang nagte-text ito. I've read her unfinished text.

To: Z pangit <3
Ha? E kakakain ko lang, diba sa 'yo galing 'yon? May pa

"F*ck," usal ko. Sinuntok ko ang malapit na puno at agad na ginulo ang buhok. Napahawak ako nang mahigpit sa phone niya.

"Hey, what's wrong Z?" Napatingin ako kay Hiro na hingal na hingal. Nakatukod ang kamay nito sa tuhod niya at kunot noong nakatingin sa 'kin.  "Bigla-bigla ka na lang nang-iiwan. What happened?" Napadako ang mata nito sa phone na hawak ko. Realization hit him instantly. Knowing Hiro, I know he can read between the lines. He's an observer.

Alam kong may hint na siya no'ng iniwan ko siya ro'n. He's Hiro after all.

"Nawawala si Rue?!" Nanlalaking mata niya.

After he said those words, agad na nagsilapitan ang iba.

"Narinig ko ang pangalan ni Rue. Anong nangyari?"

"Bakit ka sumisigaw Hiro?"

"Na saan ba si Rue?"

Sunod-sunod na tanong nilang lahat.

"I'll go check for Rue," Gavin said in a serious tone.

The atmosphere filled with uneasiness. Napatahimik sila sandali. Hinihintay ang pagbabalik ni Gavin. Kahit ako, t*ngina, kinakabahan ako para kay Rue. But first, I need to calm myself down. Walang maitutulong ang pagiging praning sa mga oras na 'to.

Agad namang nakabalik si Gavin.

"She's not there. May nakita rin akong pinagkainan niya, Z. Together with this letter," Gavin said and handed me a piece of paper with a strange penmanship.

'I love you.'

My forehead creased. Who the hell gave this to her? I never wrote this letter. Ganito na ba kapangit ang penmanship ko? F*ck.

"Naks! May pa gano'n pang alam si Z!"

"Sabi mo sabay-sabay tayong lahat? Ang daya ah!"

"Will you all shut your f*cking mouth up? Hindi kayo nakaktulong!" Singhal ni Gavin sa kanilang lahat.

"This is not your penmanship dude." Hiro commented. "Who the hell did this?"

"Where's Owen?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil napansin kong wala ang isang 'yon dito.

Nagsilingunan ang bawat isa sa kanilang mga katabi.

"Umihi lang do'n sa may niyog!" Tumatawang sabi ni Cyril.

"Gago kanina pa 'yon ah?" Wika ni Rin.

Natahimik si Cyril sa sinabi ni Rin gano'n din kami.

"We need to find him," I commanded.

Nagsimula kaming maghanap. D*mn. Bakit hindi ko napansin kanina na  wala na pala ang isa sa 'min? And Rue is missing, great! Tsk! You're a worthless boyfriend Z! D*mn you.

Ginulo ko ang buhok ng hindi mahanap si Owen. Mas lalo akong kinakain ng kaba sa bawat pagtakbo ng oras. Kinuha ko ulit sa bulsa ang phone na naiwan ni Rue at binuksan 'yon.

I know this is not the right time para kiligin pero hindi ko mapigilan. Lockscreen niya ang picture naming dalawa at wallpaper niya ang kuha ko sa kanya habang nakabusangot. Palihim akong napangiti pero agad ko 'yong pinigilan. P*ta! Ang bakla ko naman. Mabilis kong naitago ang phone niya sa bulsa nang tumakbo sila papalapit sa 'kin.

"Z wala siya ro'n,"

"Doon din sa dalampasigan, walang bakas."

"Umihi lang ang gago nawala na!"

"P*ta ka Owen. Saan ka na ba?!"

"Mga tol, habang naghahanap kami kanina ay nakita ko 'to." Inabot niya kay Gavin ang isang maliit na brown envelope.

Nagsinghapan ang mga nakakita nang mabuksan 'yon ni Gavin. Binigay ni Gavin ang envelope kay Hiro at sinilip nami kung ano ang nasa loob no'n. My fist balled instantly. F*ck it.

"Dude." Kuha ni Hiro sa atensyon ko.

"I know Hiro. I know." Hindi ko na sila pinansin at agad na nag-dial ng isang numero na alam kong makakatulong sa 'min ngayon.

It's 12 in the midnight. I know he's awake. Hindi natutulog ng maaga ang gagong 'yon.

"Answer it. D*mn you!" I cussed. I dialed again his phone number. "Finally! A*sshole. Mabuti naman at naisipan mong sagutin ang tawag ko!"

"Woah! Ikaw na nga ang nang-iistorbo sa dis-oras ng gabi, ikaw pa itong galit."

"F*ck you Eziel!" Napatawa siya sa sinabi ko. I paused and cleared my throat. "I need help," seryosong sabi ko. Doon na siya napatigil sa pagtawa sa kabilang linya.

"Anytime. What is it, bro?" seryosong sabi nito.








A S T A R F R O M A B O V E

Me and the Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon