# Truth

561 17 15
                                    

May pinost po akong picture ng mga drawings ko. Tingnan nito lang kung gusto nito.

-----------

Di ba sabi nila anumang sabihin ng mga anak sa kanilang mga magulang ay pinaniwalaan ka nila. Ma try nga....

----------

Nakadapa lang ako sa kama. Wala akong magawa, eh.

*Bubble pop*

Message tone ko iyan. Kinuha ko ang phone ko. Gm lang pala. Idinelete ko na...nakakapagod magbasa ng walang kwenta.

Wala akong magawa ngayong araw... Hindi naman ako mahilig sa mga computer games. Nakakatamad naman magbasa... Hmmm... Ano kaya kung... *tiing*, alam ko na!

Lumabas muna ako ng kwarto ko. Nakita ko si mama naghihiwa ng mga gulay... Lumapit ako sa kanya...

" Ma..."

" Hmmm..."

" May sasabihin po ako sa inyo..."

" Ano?"

" Ma... Ano... Huwag po kayong mabibigla..." Naku patay pag nabigla to si mama...either papatayin ako nito gamit ang hawak niyang kutsilyo o aatakihin.

" Ano nga iyon?" Sabi niya habang naghihiwa parin ng gulay.

" Ma... Ano kasi... Uhmm... Bu-bu-bunt-tis po ako... Huhuhuhu" May matching tears pa. Hinintay ko kung ano ang reaksyon ni mama.

" Ahh ganoon ba. Huwag kang mag-alala anak, malapit ng maluto yung sinaing kong kanin..." Kalmado niyang sabi.

Toinks! Ba't ganoon... Akala ko paniniwalaan ka agad ng mga magulang mo pag may aaminin ka... Waaaaah!!!!

#KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon