Chapter III

1.9K 47 1
                                    

A/N: Hello po mga readers. Badly need your comments right now. Medyo nastress po kasi ako these past few days and I am finding a motivation to keep on writing. Enjoy reading 🙂. And also don't forget to vote. Love you all ❤️

EIGHT YEARS AGO
(Third Person's POV)

"Hoy Zamora bilisan mo. Malelate na tayo ehh. Ang dami mo kasing kinain. Isang oras lang ang lunch. Papagalitan na naman tayo ni prof nito." sabi ni Zoei sa kasama niyang si Zven Zamora habang nagmamadaling maglakad. Hawak hawak niya ang tatlong makakapal na libro. Schedule nila for review subject ngayon. Both are graduating with the course Bachelor of Science in Accountancy.

"Mylabs sorry na. Hindi ko namalayan ung oras" sagot naman ng binata.

Lakad takbo ang ginawa ng dalawa lalo na't second floor pa ang klase nila. Liliko na sana sila ng may makasalubong si Zoei at natumba ang dalaga. Hindi na niya napansin na may tao siyang makakasalubong. Nagkalat ang mga libro at papel na hawak niya.

Malas. Saad niya sa kanyang isipan. Masakit ang pwet niya dahil sa pagbagsak niya.

Inangat niya ang kanyang paningin ng biglang nagsalita ang taong nabunggo niya. "Look at where you are heading miss." saad ng isang binata.

Natigilan si Zoei. Tila ba hindi niya maialis ang paningin niya sa mukha ng binata. The man has a very striking feature- pointed nose, chiselled jaw and deep blue eyes. Pamuti rin ito at halata na may lahi ang binata.  What the heck is this gorgeous man doing in this school? isip niya. "Ang pogi" hindi napigilan ni Zoei na mabanggit ang nasa kanyang isipan habang nakatingin pa rin sa lalaki.

Kumunot ang noo ng binata nang marinig ang sinabi ng dalaga. "Tsk. Women." Tinignan lang niya ito at tuluyang umalis.

"Mylabs ano pang ginagawa mo? Tumayo ka na diyan. Pinagtitinginan ka na diyan ohh" natauhan ang dalaga sa sinabi ni Zven.

Doon lang napansin ni Zoei na maraming tao ang nakatingin sa kanya dahil sa nangyari. Tumayo siya at pinagpag ang suot niyang jeans. Bastos din un. Ni di man lang ako tinulungang tumayo. Gwapo nga pero ang sama naman ng ugali.

Pinulot naman ni Zven ang mga libro at papel na nagkalat sa sahig. Nang matapos ay naglakad ulit sila para pumunta sa kanilang klase.

Habang naglalakad ay narinig ni Zoei ang sinabi ng isang estudyante "Hindi lang nahiya. Sinadya siguro para magpapansin kay Marcus".

Kung di lang ako late papatulan ko to isip ni Zoei. "Alam mo mylabs nakakatampo ka. Nung una tayong nagkita, ni di mo man lang pinuri ang kagwapuhan ko pero pag si Williams pogi agad. Ang unfair. Patas lang naman kami when it comes to looks ahh " reklamo ng kasama niya.

"Alam mo Zamora, kasalanan mo lahat to kaya wag kang magrereklamo" inis na sambit niya sa kaibigan.

-------------------------------
PRESENT

Zoei's POV

"Maam Francine, you need to at least listen to your husband's explanation. I can't even work properly dahil lagi siyang nakabuntot sa akin at hindi ata ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi sa kanya kung nasaan ka" sabi ko sa kausap ko sa phone.

Nasa isang coffee shop ako ngayon, reading my case files nang biglang tumawag si Maam Francine. Hindi ko na napigilang sabihin sa kanya ang hinaing ko tungkol sa asawa niya.

"Hayy sige na nga. Kung di lang dahil sayo attorney, di ako magpapakita ulit sa hudas na yon. Tsaka wag mo na akong tawaging Maam, Francine na lang. Friends na dapat tayo dahil nasabi ko naman na ata lahat ng problema ko sa asawa ko sayo. Hihihi" sagot naman niya sa akin.

Be Mine, AttorneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon