⚖️ CHAPTER XVIII ⚖️

1.2K 44 2
                                    


Zoei's POV

Patuloy lang sa panonood sa akin si Tatcher na kumain. Ano bang trip talaga nito?

"How's your first day?" he finally asked a question.

Pinunasan ko naman ang bibig ko  with a tissue bago ako nagsalita.

"Good. You have nice and hardworking employees. Bibisita ako mamaya sa Legal Dept. to meet the team. I bet the Davao construction is taking them a lot of time. Why did you chose a place like that? Maraming tao ang maaapektuhan."

He just shrugged. "I like the place. It has a nice scenery and it would be a perfect spot for a new hotel. I have plans for those people who will be affected- actually my project will give the locals an opportunity to have a job. There's also a proposal to pay those whose homes will be affected and to relocate them. Marami lang talagang legal papers to pursue it. Hindi naman ako nababahala cause you're here."

Hindi ko alam kung bat tiwala to sa akin. Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Habang ngumunguya ay may naririnig akong ingay sa labas.

"Ano ba! Papasukin mo ako! You said Marcus is there! I don't care who is he talking to right now! I need to see him kaya get out of the way!" Napakalas naman ng boses ng babaeng to.

"Pero Ma'am Stephanie, bilin po ng presidente na wag siyang istorbohin for this one. He is currently talking to Atty. Tan, discussing important matters po" rinig kong sagot ni Lily.

Napatayo naman ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto at naibalibag ito ng pagkalakas lakas. Iniluwa nito ang isang babae na super revealing ang suot- sa bar ba punta nito?

Galit ka girl? Pati pinto sinisira?

She's beautiful yet that annoyed face is ruining that beauty. Ang maldita ng awra nito. Pagkakita niya kay Tatcher ay mabilis pa sa alas kwatrong pumulupot ito sa lalaki. Ni hindi man lang niya pinansin ang presensya ko.

Ahas ka lang girl? Wagas kung makalingkis.

"Babe! I miss you so much!" malanding sabi niya and then kissed Tatcher on his cheek.

I rolled my eyes at them. Hello, andito pa ako.  Dito pa talaga sa office ko? Kainis.

"Steph, why are you here?" tanong naman ni Tatcher sa babae.

Steph pala pangalan ng isang to. Ilang babae ba meron ang hudas na to at pati sa office ko, hindi pinalampas?

Lalo naman niyang niyakap si Tatcher. "Babe naman. Diba sabi ko naman sa'yo last time, sasamahan mo akong magshopping? I even told dad to remind you."

Hindi naman sumagot si Tatcher. Ano siya, bodyguard mo?

Sa wakas ay napansin na ako ng babae. Tumaas ang kilay niya nang makita ako.

"Who is she?" mataray na tanong niya kay Tatcher.

"She's Atty. Tan. One of the top lawyers in the country. She's the new head of our Legal Department" he answered.

Tinignan naman ako ni Steph mula ulo hanggang paa.

Isang mapang-insultong ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Oh, I haven't heard about her."

Wow naman sis. Nahiya naman ako sayo.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya at inilahad ang kamay ko. "I'm Zoei Seraphine Tan, it's nice to meet you Miss Steph."

Tinignan niya lang ang kamay ko. "It's Stephanie not Steph for you." sagot niya sa akin at binaling agad ang tingin kay Tatcher.

Nakakaimbiyerna ang babaeng to. Ang sarap tusukin ng chopsticks ung mata.

Be Mine, AttorneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon