Zoei's POVI rest my head on the sofa after Tatcher attended his phone call. Ang tanga mo talaga Zoei. Nagpadala ka na naman. Mapang akit kasi yang si Tatcher, nakakainis. Parang chocolate ung labi niya, nakakaadict.
Namula ang mukha ko nang maalala ko ang ginawa niya sa akin kanina. Bwisit talaga. Kung makakain ng labi akala mo naman mauubusan.
Minutes passed pero hindi pa siya bumabalik. Unti unting bumibigat ang mga talukap ng mata ko. I'm really tired- physically and emotionally. This soft sofa did not help at all. Hindi ko na napigilan and I doze off to sleep.
Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin at nilapag ako sa malambot na kama.
When I woke up the next day, bumungad sa akin ang isang unfamiliar na kwarto. But this scent is utterly familiar.
Where the hell am I?
Lumaki ang mga mata ko nang marealize kong nasa condo pa rin ako ni Tatcher. My god Zoei, you slept in his condo and on his bed! Tatcher's scent is all over the place.
I saw a note on the table beside the bed.
Attorney, I prepared breakfast for you. Eat before you leave. I did not bother to wake you up since you look so tired. Can you please not overwork yourself next time? Nauna na ako since I have meetings to attend. Regarding your schedule, I expect you at my company next monday.
P.S. Don't worry, I slept at the room next door. Also, I did not do anything naughty to you when you are asleep. If ever I want to do something with you, I want you feel the pleasure awake.
Namula naman ako sa last sentence niya. Ano ka siniswerte? Wala ng mangyayaring something between us (which I already said the last time we met pero bumigay pa rin ako). Promise , pipigilan ko na ang sarli ko next time.
I arranged the bed and head towards the dining area. I saw a plate of pancakes and bacon. Siya ba ang nagluto ng lahat ng ito? Pretty impressive. The food he prepared was delicious and heartwarming.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso agad ako sa office para maligo at magpalit.
-----------------------------------------
I slammed my hand at the table out of frustration.
"David naman, tinanong na kita noon kung may ibang nakakita ba sayo nung gabing nangyari ang krimen o kaya naman mahalagang impormasyon na makakatulong sa kaso mo. You lied to me! Sabi mo wala! Bakit hindi mo binanggit sa akin si Buknoy? Gusto mo ba talagang mapawalang sala o gusto mo na lang mabulok dito sa kulungan?"
Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay mga kliyenteng sinungaling. Kailangan mong sabihin sa lawyer mo ang mga mahahalagang detalye para matulungan ka niya sa kaso mo.
Nag-iwas naman siya sa akin ng tingin. "Pa-pas-sensya na a-attorne-y. A-ayaw ko l-ang ka-kasing mas-sali si-siya dito. Ba-bata lang s-siya."
"Alam kong bata pa si Buknoy and having him as a witness is quite traumatic. Pero David, siya ang makakatulong sa atin. Kinausap ko na siya at willing siyang maging witness sa kaso mo. Natatakot ka siguro na baka mas lalo siyang matrauma sa gagawing pagtatanong sa kanya sa korte, pero he is a brave kid. He is so determined to help you."
Nanatili siyang tahimik pero kita ko pa rin ang worry sa mga mata niya.
"David, Buknoy is our last straw. He is our last hope. His testimony will help us. We can win this with him. Pero hindi guaranteed na pag ginamit natin siya ay mapapawalang sala ka na. We can lose this one even when he is on the witness stand. But at least, we fight back. Hindi tayo susuko sa kaso mo."
I haven't lost yet in court. And I dont want this to be my first.
Never in my dreams will I let an innocent man be in jail for a crime he did not commit.
------------------------------------------------
"Diba sinabi ko na sa'yo na hindi ka pwedeng magpagod?! Markian tumitigas na ang ulo mo. You're not listening to me anymore! Just wait till I get home." Nanginginig ako ngayon sa galit.
I'm scolding him over the phone. Tinawagan ako kanina ni Manang Tess at nagsumbong na hindi raw paawat si Markian sa pakikipaghabulan sa kalaro niya na kapitbahay namin. Okay lang naman sana kung hindi ganon katagal pero nakipaghabulan siya to the point na hindi na siya makahinga! Ilang beses na siyang sinabihan at pinahinto ni manang pero hindi nakikinig ang bata.
Hindi siya nagsalita pero naririnig ko ang mahinang hikbi niya. Ipinasa niya kay manang ang phone. "Tama na at baka hindi ko ito mapatigil sa pag-iyak."
Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko. I'm just frustrated right now. I know that I am not a perfect mother. But sometimes, kailangan ko ring pagalitan si Markian. This is for his own good.
"Sorry manang. Hindi ko lang mapigilan. Alam niyang hindi siya pwedeng magpagod. I can't afford to lose him! Siya na lang ang meron ako."
Markian was born with a weak heart. He nearly did not survive because of it. That's why I'm very mad. When he gets old enough, he needs to undergo a heart transplant. Kaya ayaw ko siyang magpagod because it can be a reason para mapaaga ang operation. That will be so dangerous since may posibilidad na hindi ito makaya ng katawan niya.
After the call, I just sat on my chair and close my eyes. My problems are getting out of hand lately. Sumasakit ang ulo ko kakaisip. Minsan, I blame myself for Markian's attitude. Hindi ko kasi siya nababantayan palagi. I don't give him the attention that he needed.
Sa gitna ng mag iisip ko ay biglang bumukas ang pinto ng office ko. Bumungad ang nakabusangot na Zamora. Bastos talaga to, hindi marunong kumatok. He looks so frustrated.
"Ano na namang problema mo pornhub boy? Aba, wag mong dagdagan ang mga iniisip ko at mauupakan kita."
"Mylabs ung kaibigan mo kasi ehh! Kainis!"
---------------------------------------------
Short update. Pasensya na po at natagalan. Medyo busy sa work.
Please don't forget to VOTE, COMMENT AND SHARE ❤️
BINABASA MO ANG
Be Mine, Attorney
RomanceAttorney Zoie Seraphine Tan is the queen of the court. She won every case she handled. Everything is under her control until she met the great Marcus Tatcher Williams. She never lose in court but will she lose in love?