⚖️ CHAPTER XI ⚖️

1.3K 49 2
                                    


EIGHT YEARS AGO

Zoei's POV

"Hoy Zoei, balita ko nakabanggaan mo daw si Marcus Williams nung isang araw. Bongga ka frend. Ang pogi no? Kung ako yon,niyakap ko na siya ng bonggang bongga" Crisza said with dreamy eyes. Iba rin to.

Nasa cafeteria kami ngayon at itong si Crisza, ang bilis makasagap ng chismis. Biruin niyo, nalaman niya ang nangyari ehh nasa ibang department siya. At ang layo ng building nila sa amin.

"Ahh wag mo ngang ginagaya si Zoei sayo" sabat ni Zamora. "Palibhasa kasi pag ikaw nakakakita ng gwapo kulang na lang ihagis mo yang sarili mo sa kanila. Tsk. Malala ka" dagdag niya with a grumpy face.

Binato naman siya ni Crisza ng fries. "Wag ka ngang nakikisabat sa usapan namin panget. GIRLS TALK TO. Babae ka ba? Kung binabae ka edi welcome ka sa usapan namin" she said with a sarcastic tone.

"Ikaw babae ka nung isang araw ka pa. Wag ka ngang sumasama sa amin, crazy woman" Zamora rolled his eyes at Crisza.

"Si Zoei ang ipinunta ko dito hindi ikaw kaya feel free to leave. Hindi ko nga magets kung bat ka naging kaibigan ng BEST FRIEND KO" she really is annoyed.

Umiling ako at tuluyan silang inawat. "Awat na. Para talaga kayong aso't pusa. You're arguing over small things. Can't we have a peaceful lunch just once?"

Tuluyan silang natahimik. After several minutes ay biglang nagbulungan ang mga tao sa cafeteria. Anong meron? Lumaki ang mga mata ni Crisza.

"Oh my gosh Zoei speaking of the hot devil, andito siya" kinikilig niyang sabi sabay nguso sa isang direksiyon.

When I looked around, I saw him. May kasama siyang mga lalaki who I think are his friends. Our eyes met at para ba akong nahihipnotismo- those beautiful blue eyes are breathtaking. He has this mysterious and poweful aura around him. Are they really this famous para magkaroon pa ng commotion dito sa cafeteria?

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. I was so amused by his features that I forget my friends who are staring at me meaningfully.

"What?" I asked.

Crisza shrieked. "Oh my gosh! Are you interested in him? You could have seen the look in your face frend! This is the first time na nagka interes ka sa lalaki. Achievement girl! Dalaga ka na!" sabay sapak sa balikat ko. Ito talaga pag nagsasalita nauuna ung sapak.

"Loka ka talaga frend. Bat naman ako magkakainteres diyan? Ni hindi nga ako tinulungang tumayo nung nagkabanggaan kami ehh." nakabusangot kong sagot sa kanya.

"Anong hindi. Wag ka nga Zoei ha, kilala na kita mula bata pa tayo. Never pa kitang nakitang ganyan. Ni hindi mo nga maialis yang tingin mo ehh. Tsaka your face looks so red"

Hindi ko na lang sinagot si Crisza. Baliw talaga to. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko not minding those whispers around me.

Nagulat na lang ako nang biglang may lumapit sa amin na estudyante at inabot ang isang box ng chocolates. "May nagpapabigay po" he said and hurriedly left.

I looked at the box chocolates and read the note attached to it. It says:

Guess you love sweets by looking at what you are eating. Here's a box of chocolates for you. I'm sorry for being a jerk the other day.- TMW

"TMW? Who the heck is that?" I said with a confused face. In fairness, ang ganda ng penmanship.

Sinapak naman agad ako ni Crisza sa balikat. Nakakarami na to ahh. "OH MY GASH TALAGA FREND. Halata naman kung sino yan. TMW stands for Tatcher Marcus Williams! Oh em gee talaga. Ikaw na. Ang haba ng hair mo. Pati si Marcus nabighani ata sa ganda mo!"

My heart skipped a bit to what she said.

------------------------------

PRESENT

"Mimi I want ice cream. Bili tayo plishh?" nakangusong sabi ni Markian.

I pinched his cheeks. Nagpapacute na naman ang isang to. Natutunan ata kay Zamora. "Ikaw talaga baby. Saglit lang ha, tatapusin lang to ni mimi tapos lalabas tayo para bumili ng gusto mo."

He nodded in approval. Nandito siya ngayon sa office ko. Wala kasi si Manang Tess dahil umuwi sa probinsya nila at may aasikasuhin. Hindi ko naman maiwan ang trabaho ko kaya isinama ko na siya rito. Hindi naman siya nabobore dahil dinala namin ang lahat ng laruan at books niya.

"Mimi, I have a question pala" asked by the cutie beside me.

Binalingan ko naman siya ng tingin. "Hmmm. What is it?"

"What is pornhub? Nakita ko kasi sa phone ni Paps Pogi mimi ung website na un." he innocently asked.

Muntik na akong mahulog sa upuan ko. What the heck?! I WILL DEFINITELY KILL ZAMORA THIS TIME. Mas lalo ata akong nastress.

Hinawakan ko ang mukha niya. "Baby, that site is strictly for adults. Kids are not allowed to visit such site. Next time, wag mong papakialaman ang cellphone ng Paps Pogi mo ha? It's not yours, therefore you should not touch it especially if he did not give you the permission to do so. Understand?" pangaral ko sa kanya.

"Yes mimi. Markian's sorry. I will apologize to Paps Pogi for what I did" he cutely said.

Itinext ko agad si Zamora. Bwisit un. Kung ano anong nalalaman ng anak ko pag kasama siya.

To:Tukmol

What the heck Zamora?! My child is freakin asking me if what is pornhub! Nakita daw niya sa phone mo! Pwede bang next time ilayo mo naman yang phone mo sa anak ko? Tsaka uso ang incognito. Lantaran talaga?

Biglang bumukas ang pintuan ng office ko at iniluwa ang isang baliw na babae.

"Frenddddd! I'm back!!!" she said with a very loud voice.

"Crisza Rielle Aragon, can you please lower down your voice?" I asked her.

Tumayo naman si Markian at tumakbo papunta sa kanya para yakapin siya. "Tita ganda you're here!"

Binuhat naman ni Crisza ang anak ko."Oh my gosh. My very poging inaanak! Maraming pasalubong sayo ang Tita Ganda" sabi niya sabay halik sa pisngi ni Markian.

Umupo naman sila at binuksan ang mga dala ni Crisza. She is a doctor and a model. Her family owns the biggest hospital in the country. May mga hospitals din sila overseas. The Aragon family is famous sa larangan ng medicine. Nagpunta siyang ibang bansa para sa photoshoot ng isang luxury brand.

She bought him three different toys, a bag full of chocolates and an Ipad. Isa rin to. Sobra kung makaspoil sa anak ko.

"Frend, Markian does not need an Ipad" sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba frend. Three months ko ring di nakita ang inaanak ko. Pagbigyan mo na lang ako. Tsaka early gift ko na rin to for his upcoming birthday" she answered.

I just sighed in defeat. Ano pa nga bang magagawa ko pag ang babaeng to ang nagbigay?

Ilang sandali pa ay bumukas ulit ang pintuhan ng office ko. Isang nagmamadaling tukmol ang bumungad sa amin. Sasapakin ko na talaga to.

"Mylabs, sorry-" natigilan siya ng makita si Crisza.

"Allowed pala ang mga panget dito sa office mo, Zoei? Hindi ako aware." Crisza said with sarcasm.

Ngumisi naman si Zamora and crossed his arms. "Nakapasok ka nga ehh. Edi meaning allowed" he playfully answered.

Nainis naman si Crisza sa sinabi ni tukmol at binato niya ito ng throw pillow.

Oh God. Here we go again with these two.

--------------------------

(Markian in the multimedia above)

VOTE. COMMENT AND SHARE THIS STORY TO YOUR FRIENDS ♥️

Be Mine, AttorneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon