⚖️ CHAPTER XX ⚖️

1.3K 56 7
                                    


Zoei's POV

Nandito ako ngayon sa bahay. Day off ni manang kaya hindi ko maiwan si Markian. Hindi ko rin naman siya pwedeng isama sa WGC that's why I decided to take a leave. It's a great opportunity na rin bond with my kid.

I'm busy preparing our lunch when he suddenly asked me a question.

"Mimi, why are my eyes blue? Yours are brown. " he asked while sitting and looking at a hand mirror.

Napatigil naman ako sa pagluluto. Ito ung tanong na iniiwas iwasan ko. The truth is, I'm scared that this day will come- the day that he will ask something related to his father.

Pinatay ko ang niluluto kong kaldereta sabay punas sa mga kamay ko. Dinaluhan ko si Markian sa dining table and sat beside him.

I touched his face. "You got your eyes from your father, baby ko."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot kay Markain. I just told him the truth. Saan pa ba niya mamamana kundi sa taong iyon hindi ba?

I really don't know how to explain things to him. He is too young for it. Too young to be able to understand the situation clearly. I'll explain things paglaki niya, but not now. Hindi pa ako handa.

He looked at me with those innocent blue eyes. "Really?" he suddenly became sad. "I hate my eyes then. I want them to be like yours mimi."

I hugged him and kissed the top of his head. "Don't say that baby ko. I love every inch of you because you are the greatest blessing God has given me. When I am looking at your eyes, I become at peace. They are like the ocean and the sky- definitely beautiful. Those eyes are what completes you baby. Kaya don't be sad, okay? Don't hate something that God has given you."

He hugged me back using his little hands- my sweet little guy. Hindi ko siya masisisi- any child will be curious if they can see that something different.

Humiwalay ako sa yakap niya at kinurot ang mga pinsgi niya. "Kain na tayo kulit para makainom ka na ng gamot."

He suddenly giggled. "Mimi be sure that it's delicious. The last time that you cooked for me, the food is too salty."

Tumayo ako and crossed my arms. Ito talagang batang to. Nung nakaraan kasing nagluto ako, it's a disaster. Sobrang alat ng luto ko and we ended up ordering fast food.

"Nagpaturo na po ako kay manang, mahal na prinsipe. Hahaha. Hindi na po mauulit iyon."

Seeing him laugh melts my heart. But I'm still worried dahil hindi habangbuhay, maitatago ko iyon sa kanya.


Baby ko, kapag dumating sana 'yong araw na malaman mo ang totoo, don't hate yourself. Mimi will always love you.


-----------------------------------------


"Attorney, paano naman kami ng anak ko? Hindi ako papayag na mapunta na lang basta basta sa bastardang iyan ang yaman ng asawa ko! Hindi pwede! Ilang taon akong naghirap para alagaan ang matandang iyon tapos ito lang ang makukuha ko?! Hindi ako papayag!" dinuro duro niya ang dalagang nasa harapan niya.

Ang hirap talagang kausapin nitong si Mrs. Tomiya. Namatay kasi ang asawa niya due to cancer.

Mr. Hiroki Tomiya is a Japanese business man. I'm his personal lawyer. Bago siya mamatay ay binago niya ang last will and testament niya. Napag-alaman kasi niyang hindi niya tunay na anak ang anak ng misis niya. Kaya naman ibinigay niya mostly ng assets niya sa anak niya sa una niyang asawa.

Be Mine, AttorneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon