⚖️ CHAPTER XVI ⚖️

1.2K 41 4
                                    

Third Person's POV

Rinig na rinig ang tunog ng stilletos na suot ni Zoei sa buong courtroom.  People inside are mesmerized with the defense lawyer's beauty, body and confidence. She seems like a different person when in court with those eyes full of determination.

"Buknoy, pwede mo bang isalaysay sa amin ang nangyari noong gabing pinatay si Mang Kanor?" tanong ni Zoei sa batang nasa witness stand.

The kid looked a bit scared. His eyes scanned the entire courtroom. Maraming tao ang nanonood- naghihintay kung ano nga bang magiging hatol kay David. This is also televised. Kaya Zoei doesn't blame this kid kung medyo natatakot siya. Having him in the witness stand is a double edge sword.

Whispers started to emerge when the kid did not start to speak. Zoei looked at the kid with a reassuring smile. Sa loob loob ni Zoei ay medyo kinakabahan din siya. It's her first time to have such a young witness in her career- a five year old kid.  

Huminga ng malalim si Buknoy at sa munti niyang tinig ay inilahad sa korte ang lahat ng nakita niya nang gabing iyon.

FLASHBACK (Sept. 08, 20xx)

Nagmamadaling maglakad si David habang hawak ang kanyang cellphone na bigay pa ng boss niya sa karinderyang pinagtratrabahuan nito- touchscreen ito na napagsawaan na ng anak ng boss niya.

Hindi niya maitago ang sayang nararamdaman ng magtext si Beth sa kanya. Pinapapunta nito ang binata sa bahay nila. Habang naglalakad ay nakasalubong niya si Buknoy- ang batang kaibigan na may hawak hawak pang coke.

"Oh pare, san ang punta mo? Gabi na ahh.  Di ka pa ba uuwi? Mamaya mapagtripan ka na naman ng mga tambay diyan sa daan" the kid asked.

"Bu-buknoy, nag-nagte-text sa a-kin s-si Beth. Pu-punta ako ba-bahay n-nila" David answered with full of excitemement.

Natawa naman ng bahagya ang bata. "Ikaw talaga pareng David, basta si aling Beth ang nagsabi, punta ka agad. Crush mo no?"

Napakamot naman ng batok si David dahil nahihiya sa sinabi ng bata. Matagal na siyang may gusto kay Beth pero di niya magawang umamin dahil may asawa na ito.

"Samahan na kita. Mamaya mapagtripan ka na naman ng mga lasing diyan" Buknoy said while sipping the plastic of coke in his hands.

Sabay silang naglakad patungo sa bahay ni Beth. May mga lasing pang nakatambay sa tindahan na malapit- naglalaro ang mga ito ng tongits.

Nang makarating ay ipinahawak ni David ang cellphone niya sa bata. Binuksan nila ang gate ng bahay at tumuloy.

"Pare, dito muna ako sa pinto. Ubusin ko lang to. Sunod ako agad." Buknoy said referring to the coke that he is drinking.

The kid noticed a pair of slippers on the doorstep. "Kanino to? Wala namang ganitong tsinelas si Mang Kanor, hindi rin naman to kay pareng David, lalong lalo na at hindi kay Aling Beth dahil sobrang laki" he wondered with confusion.

Nang makarinig siya ng sigaw ay dali dali siyang pumasok sa loob ng bahay. Nakita niyang inaawat ni David si Mang Kanor na may hawak na kutsilyo- gusto nitong saksakin ang asawa. Dahil sa takot ay nagtago si Buknoy sa sulok.

Dahil sa pag-aagawan ng kutsilyo ay hindi sinasadyang nasaksak ni David si Mang Kanor. Bumaon ito sa kanyang tiyan.

Nabitawan ni David ang kutsilyo dahil sa gulat. Tinignan niya ang sarili niyang mga kamay na may bahid ng dugo. Hindi na nakapag isip ng tama si David at dali dali itong tumakbo palabas.

Be Mine, AttorneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon