Chapter I

3.6K 56 0
                                    

Zoei's POV

"Attorney tulungan niyo naman na ako. Ayawko na talaga. Sawa na ako kakaintindi sa asawa ko. Kahapon lang nag-uwi siya ng babae sa mismong bahay namin.Please attorney." Nagmamakaawang umiiyak si Mrs. Dela Cruz sa harap ko.

"Misis, mahabang proseso ang annulment. Hindi ito basta basta. Kailangan sigurado ka sa desisyong ito. At kailangan din niyang pumayag dito."

Ang sakit ng ulo ko. Bat ba  maraming clients ang pumunta ngayong araw for annulment. Season ba to for annulment?

"Attorney please help me para mapapayag ang asawa ko. Alam kong kaya mo siyang mapapayag. Magbabayad ako kahit magkano. Just please attorney, save me from this mess". She really looks miserable at this moment.  Panong nagagawa ng mga lalaking ipagpalit ang ganitong klaseng babae- she's beautiful and has a good heart. Full time housewife. Hindi ba talaga sila makuntento?

"I'll try my best Maam Francine. For now, kailangan mo munang isipin ang sarili mo. Take a vacation or so para magkaroon ka ng peace of mind. I'll meet your husband to discuss the details about this thing" sabi ko.

Tuluyan siyang tumigil sa pag iyak at ngumiti ng pilit. "Thank you attorney. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin kaya lumapit ako sayo. I know that you can help me. I'll just send additional information to you later. Sana mapapayag mo siya".

"I'll really try my best maam" . I don't want to make promises to my clients.

"Sige una na ako attorney. See you next time" .Inayos niya ang kanyang sarili at tuluyang umalis sa office ko.

Hinilot ko ang sentido ko. Gosh, I need to take a break.These past few days, di na ako nakakatulog ng maayos with so many cases na hinahandle ko. Dumagdag pa tong annulment ni Mrs Dela Cruz. Her and her husband's family are so influencial- isa sila sa sikat na pamilya sa bansa because of their shipping lines. Naririning ko na noon na playboy si Mr Dela Cruz, but I really did not expect na hanggang sa makapangasawa siya ay hindi pa rin nito mapigilan ang lumandi. Boys and their wealth. Sabagay, arranged marriage. Pero kita ko naman na Francine loves her husband, sadly he doesn't love her back.

Habang inaayos ko ang mga papeles sa table, biglang bumukas ang pintuan at niluwa ang isa sa mga pinakamakulit na taong nakilala ko.

"Mylabs I'm here". Sabi niya ng may malaking ngiti sa labi.

"Bat ka na naman nandito Zamora? Nangiistorbo ka. Alis nga". sabi ko habang tinitignan siya ng matalim. Baka lalo pang lumala ang sakit ng ulo ko nito.

"Nasasaktan mo ang damdamin ko mylabs ahh. Makikikain lang naman ako dito. Tsaka may dala naman akong coffee" lumapit siya sa akin at nilapag sa mesa ang dala niya.

"Namimihasa ka na Zamora. Restaurant ba tong office ko, ha? Ang yaman yaman mo tas nakikikain ka lang dito" sabi ko.

"Mylabs masarap luto mo. Tsaka di mo ba ako namiss? Tatlong araw mo ring di nakita ang gwapo kong mukha" sagot niya sa akin.

Gwapo tong si Zamora pero nakakasawa na siyang kasama sa totoo lang. Nagkakilala kami nung college at hanggang sa law school di na ako tinantanan ng tukmol na to. He's currently managing their family business- perks of an only child. Tho he's a lawyer, pinili niyang imanage ang company nila dahil hindi na rin kaya ng father niya.

Nilabas ko na ang mga pagkain. Swerte nga tong tukmol na to at kumpleto ang gamit ko dito sa office. May maliit na kusina at kwarto kasi ako rito. May ref na rin. Dito na ako mostly natutulog. Sa sobrang busy ko di na ako nakakauwi sa amin.

Habang kumakain biglang nagsalita ang tukmol "Mylabs nameet ko nga pala sa Cebu ung crush mo. Ganda ng kasamang chics" habang tinitignan ako ng nakakaloko.

Tinignan ko siya ng masama. "Mananahimik ka o babawiin ko yang pagkain mo? Mamili ka Zamora." Iniinis talaga ako nito.

Bigla niyang kinuha ang plato niya at lumayo sa akin habang tumatawa." Hahaha. Grabe talaga to. Buti nga nagkukwento pa ako sayo. Iba talaga epekto ni Williams sayo"

A/N: Please support this story. First time ko pong gumawa ng romance story. More on cases po tayo. I will try my best para maging mas accurate ang story na to with our due process here in the Philippines. Enjoy reading po. Pasensya na if there are errors especifically grammatical ones.

Be Mine, AttorneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon