⚖️ CHAPTER X ⚖️

1.3K 39 4
                                    

"Please tell this court what exactly happened that day Beth" I could see the fear in her eyes as I walk towards her at the witness stand. I need to win this. I'm doing a cross examination right now with the victim's wife who is a witness of the prosecution.

Kailangan kong mapawalang sala ang kliyente ko. This is a very difficult case to handle because the evidences are pointing to my client. And also, the judge for this case is very intimidating- the great Judge Cortez.

She started to shake in fear. "Bandang alas 8 po ata ng gabi nang magsimulang magalit ang asawa ko. Hindi ko kasi naluto ng maayos ang ulam namin nang gabing iyon. Sinampal niya po ako ng malakas" Pinagpatuloy niya ang kanyang sinasabi at tuluyan nang umiyak.

"Kinuha niya ang platong nasa lamesa at ibinato niya sa akin. Natamaan po ang ulo ko at dumugo. Di pa po siya nakuntento ay binugbog niya po ako. Pinagsusuntok niya po ang mukha at katawan ko. Ganon na po ako naabutan ni David. Sinabihan niya ang asawa ko na itigil ang ginagawa niya pero hindi niya ito pinakinggan. Malabo na po sa akin ang mga sumunod na nangyari. Ang natatandaan ko na lang po may hawak si David na kutsilyo at duguan ang kamay nito."  hindi na niya napigilang humagulhol at tuluyang niyakap ang sarili.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. I don't want to see people crying this much. "Pero ikaw mismo ang nagpapunta kay David sa bahay niyo, tama ba?" I asked her.

Natigilan naman siya. "Opo."

I look at her with intensity. "Sa anong dahilan?"

"Pa-para po sana bigyan siya ng ulam. Lagi po kasi siyang bumibili ng ulam nila kaya naisip komg bigyan siya para makatipid siya" sagot niya.

Matagal na ako in this field. There are cues when someone is lying. And I definitely can tell that I can see those cues to Beth.

"Anong oras ka natapos magluto?"

"Mga alas 7 po" sagot niya sabay iwas ng tingin.

I smirked ang crossed my arms. "Alas 7 ka natapos magluto. Alas 8 dumating ang asawa mo. At bandang 8:15 mo naman itinext si David base sa cellphone records. Ang tagal naman ata noon. Pakay mo ba na makita ka ni David na sinasaktan ka ng asawa mo? "

"Objection your honor! Argumentative" the prosecution said. Matalino talaga ang mga kalaban ko.

The judge looked at me. "Sustained"

Fuck.

---------------------------------

Pagkatapos ng hearing ay agad akong dumiretso sa office ko. This day is so stressful. Hinawakan ko ang sentido ko. I nearly messed up.

As I sip my cup of coffee, my phone beeped because of the notification from my messenger account.

Zven Zamora sent a message:

  Mylabs guess where I am and who I am with?

Kumunot ang noo ko. Ano na namang trip nito?

Zven Zamora sent a video

I played the video that he sent and that's when I realized he is with my child. My child is so giggly talking to him.

"Say something to your Mimi" Zamora instructed while the camera is focused on Markian.

Markian leaped out of joy. His blue eyed are shining. "Mimi you look so cool on tv! And you're so beautiful. Mimi, Paps Pogi bought me a violin" ika niya habang masayang tinutok sa camera ang violin na hawak niya.

Zamora just laughed in the background ending the video.

Thank God I have my son as my happy pill. Pero itong si Zamora talaga, inispoil ang anak ko. Ano namang gagawin ni Markian sa violin na binigay niya? And it looks so expensive!

Zamora sent another video. When I played it, my mouth literally dropped.

MY THREE YEARS OLD SON IS RECITING THE PREAMBLE OF THE PHILIPPINES WITH MUCH CONFIDENCE AND PROPER PRONUNCIATION.

"How was that Mimi? Did I do it right?" he asked with a cute face.

My baby.

But what the heck!

Agad kong tinawagan si Zamora. Nang sinagot niya ay bigla akong nagsalita. "What was that? Anong tinuturo mo sa anak kong tukmol ka? How did he do it? Ikaw Zamora ha" I asked.

"Relax mylabs" he said while laughing." Hindi ko siya tinuruan promise! Nagulat nga ako when he said that he knows the Preamble. Your son is a freakin genius. Nakuha niya ata sa akin" mayabang niyang saad.

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya." At bat naman sayo niya nakuha aber? Ako ang nanay. Malamang sa akin niya nakuha. At bat mo siya binilhan ng violin? Nako sinasabi ko na Zamora, wag mong inispoil ang anak ko"

"Ehh mylabs hindi ko mahindian tong  batang to. Hayaan mo na at gusto niya un. Nanonood nga sa youtube ng violin videos. Sige bye na at tinatawag na kami ni Manag Tess para kumain. Buti na lang pumunta ako rito. Matitikman ko na naman ang supah delicious na luto ni Manang" sabi niya sabay patay sa tawag.

Bwisit na tukmol to. Pumupunta lang ata sa bahay para makikain. Nagmumukha siyang patay gutom. Ang dami niyang pera pero nakikikain sa amin.

But a smile plastered on my face when I remembered my son's cute face- he looks so proud when he finished reciting the preamble. He's a really bright kid. Super close siya kay Zamora. Paano ba naman kasi at lahat ng gusto niya ay binibigay naman ng tukmol and also Zamora became the father figure to him. And I'm happy that my friend loves and cherises Markian na para bang anak niya ito.

Natigil ang pag-iisip ko nang biglang magring ang phone ko. "This is Atty. Tan speaking, how may I help you?"

A deep, sexy, baritone voice answered me. "You looked fierce back there Attorney. I liked how you stand in court. So hot." he answered. Gosh, his voice alone send shivers on my spine.

"What can I do for you, Mr. Williams?" I asked.

"Well, I just want to remind you about my offer. I give you till next week to think about it. Come on, I badly need a lawyer. And also, can you stop calling me 'Mr. Williams'? We already kissed and nearly make out and you still call me that"

Namula naman ako sa sinabi niya. Wala talagang hiya ang isang to.

"I just need more time to think about it. I'll visit your company if I've already decided. Hindi mo na ako kailangang tawagan pa para ipaalala" sagot ko naman sa kanya. Isa rin tong makulit ehh.

He chuckled. Bat ang sexy?! Ang unfair! "Okay. Can't wait to see you again and taste those lips Attorney"


"Lawyer ang trabaho ko at hindi babae mo! Ingudngod mo na lang yang labi mo sa pader! Walang kiss na mangyayari! Aba, namihasa ka na! Kung wala ka nang ibang sasabihin, BYE!" inis na sabi ko at pinatay ang tawag. Bwisit talaga un. Anong akala niya, makakalusot ulit sa akin ang pang aakit niya? Dream on! Never again Zoei. Tandaan mo yan.


------------------------------------

VOTE. COMMENT AND SHARE ♥️

Be Mine, AttorneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon