Nandito ako ngayon sa hospital chapel. I just want to pray for Markian's successful surgery. I know that he is brave pero as a mother, I can't help myself to worry.
No one else is here. Nakakapanibago. All I could hear was the AC's sound. I walked towards the front seat and kneel.
Nagsimula na akong kausapin Siya. I never thought this day would come, magmamakaawa ulit ako sa kanya.
Lord, alam ko namang marami akong kasalanan. Kasalanan ko naman talaga lahat ng kamalasang nangyari sa buhay ko.
I actually stopped believing in you since that day. The day that you took everything from me. I can't even forgive myself. Is this your way of saying that I should come back to you? That I should believe in you again?
Tears come rolling in my cheeks as I pray.
Why would I believe in you when you turned your back at me when I needed you the most? Ilang beses akong nagmakaawa noon na wag mo siyang kunin sa akin pero hindi mo ginawa. You abandoned me.
Nandito ulit ako ngayon sa harap mo. Kung gusto mong maniwala ako sayo, then prove your love to me. Wag mo akong talikuran this time. Help me.
Wag niyo siyang kukunin sa akin. Hindi ko kaya. Bat mo pa siya binigay sa akin kung kukunin mo rin agad? Just leave him to me please. Ako na lang ang parusahan niyo please. Wag na ang anak ko. Mawala na ang lahat, wag lang siya. Minsan na nga lang akong humiling sayo. Just this once please.
Sino nang bubungad sa umaga ko ng may magandang ngiti? Sinong pagkukuhanan ko ng lakas tuwing napapagod ako at gusto ko nang sumuko? Sinong magpapasaya sa akin whenever I am haunted by my past? Sinong tatawag sa akin ng mimi? Sinong magiging dahilan para magpatuloy pa ako sa buhay? Sino?
Tama na please. I've suffered enough. Ayaw mo ba akong maging masaya? Di ko na kakayanin pag binigyan niyo pa ako ng sakit. Di ko kaya. Kaya please Lord, iligtas niyo si Markian.
Iligtas mo ang anak ko at babalik ako sayo. That's a promise.
I kept my eyes shut for a few minutes.
"Hey. "
Napadilat ako nung marinig ko ang boses ni Zven.
He smiled while wiping the tears on my cheeks.
"The surgery was a success. He's so brave. Mana talaga sayo. "
Para naman akong nabunutan ng tinik sa puso. Sa wakas ay nakahinga na ako ng maluwag.
Zven hugged me. "It's all okay now. Kaya stop crying. Ang pangit mo pang umiyak. Tulo uhog. Ewww. "
Napatawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Bwisit na tukmol to.
Tinignan ko ang crucifix na nasa altar.
Thank you for not taking him from me. Thank you for not abandoning me this time around.
Umupo si Zven sa tabi ko.
"Coffee?" Abot niya sa akin .
Tinaggap ko naman ang coffee na bigay niya at ininom. Iced americano- my favorite.
"Where’s manang?" Tanong niya habang iniinom ang kapeng nasa kamay niya.
"Pinauwi ko muna. Kailangan niya ring magpahinga. Alam mo naman na, may edad na si manang. Ayawko namang siya ang magbantay dito sa hospital at magpuyat. " Sagot ko at ipinagpatuloy ang pag-inom ng kapeng dala niya.
"What about you? Need mo rin naman ng rest. Ako muna ang magbabantay kay Markian. You need rest Zoei dahil for sure medyo magtatagal siya dito."
"I know. But no need to worry. I’ll stay. Gusto ko ako ang una niyang makita once na magising siya."
BINABASA MO ANG
Be Mine, Attorney
Roman d'amourAttorney Zoie Seraphine Tan is the queen of the court. She won every case she handled. Everything is under her control until she met the great Marcus Tatcher Williams. She never lose in court but will she lose in love?