⚖️ Chapter IV ⚖️

1.7K 45 1
                                    

Zoei's POV

Nandito ako ngayon sa kulungan at kasalukuyang hinihintay ang kliyente ko na si David Sarmiento. He is a 23 years old man. Napatay niya (sa saksak) ang kapitbahay nila. Nangyari ang krimen alas dies ng gabi. Ayon sa impormasyon ng mga pulis, nakita itong naglalakad ng may bahid ng dugo ang suot na damit. Umamin din ito sa pananaksak.

Isang lalake ang umupo sa harapan ko. Nakayuko siya na tila ba nahihiya at balisa. Matangkad ito ngunit payat. Magulo rin ang buhok niya na halatang gulong gulo ang isipan.

Tuluyan akong nagsalita. "Ako si Attorney Tan, David- ang hahawak sa kaso mo at tutulong sa iyo. Okay lang ba kung ilahad mo sa akin ang nangyari nung araw na iyon?"

Tuluyan niya akong tinignan. "A-attorn-ney, hi-hindi ko si-nasad-ya. Hi-hindi tala-ga" pautal utal niyang sabi. My client has a psychological condition. "Na-nasak-sak ko yu-yung ha-halimaw. Ni-nilig-tas ko si si Beth. Si Beth" maluha maluha siyang nagsasalita. Pansin ko rin na medyo nanginginig siya.

Hinawakan ko ang kamay niya na nakaposas at nginitian siya para malaman niya na nandito ako para tulungan siya. "David, bakit nandon ka sa bahay ni Beth nung gabing iyon?" tanong ko.

"Sa-sabi kas-si ni Beth ma-may ibibigay si-siya sa sa akin. Pu-punta ako ba-bahay ni-nila ki-kita ko si-sinasaktan si-siya ng hali-maw. A-ayaw ti-tigil hali-maw sa-saktan si Beth ka-kahit sa-sabi ko hin-di. Ta-tapo-s a-attor-ney hi-hindi ko tala-ga sa-sadya" sagot niya habang humahagulhol.

Pinatahan ko siya. "Shhhh. Wag kang umiyak, okay? Tahan na"

"A-attor-ney si-si mama. Si ma-ma mag-mag isa la-lang siya. Sa-sabihin mo ma-mahal ko si-siya. Wa-wala mag magbibiga-gay gamot ni-ya" sabi niya na siyang humaplos sa puso ko. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. This man right here is an only child. Matanda na ang nanay niya at may sakit. Siya ang nag aalaga dito. Nagtratrabaho siya bilang tagahugas ng pinggan sa isang karinderya para matustusan ang pangangailangan nilang mag ina.

"Hayaan mo, pagkatapos nating mag-usap ay bibisitahin ko ang mama mo, okay ba yon? Sigurado akong hindi gusto ng nanay mo na umiiyak ka ngayon. Tulungan mo ako na matulungan ka, okay? Gusto ko sabihin mo sa akin ang totoo at ang lahat ng nangyari" sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya. Pinagpatuloy ko ang pagtatanong. Tinanong ko ang lahat ng gusto kong malaman tungkol sa nangyari sa gabing iyon. What I need right now are information that will help my client. I know that there is something wrong about this case.

---------------------------

Binisita ko ang nanay ni David. Barong barong ang kanilang tirahan. Maraming butas ang kanilang bubong at tanging kandila lamang ang nagsisilbing ilaw nila. Naggrocery ako para sa kanya at binilhan siya ng mga gamot. Buti na lang at meron ang pinsan ni David para bantayan at alalayan siya.

"Attorney, kahit ganon ang anak ko alam kong hindi siya mamamatay tao.
Parang awa mo na, tulungan mo siya. Siya na lang ang meron ako" sabi niya habang umiiyak.

Niyakap ko naman siya para mapatahan. "Gagawin ko po ang makakaya ko para matulungan ang anak niyo, nay. Tatagan niyo po ang loob niyo para sa kanya."

Matapos kong makausap ang nanay ni David ay naglibot ako dito sa lugar nila. Maraming bata ang naglalaro sa kalsada. Meron ding mga tambay na nagiinuman at nagyoyosi sa katabing tindahan. I decided to interview some people about David. Baka may makalap akong mahalagang impormasyon.

"Ahh ung may saltik sa ulo na anak ni aling Sabel. Mabait naman na bata un. Nagulat nga ako nung dinampot siya ng mga pulis at siya daw ang pumatay dun sa asawa ni Beth. Pero di na ako nagtaka, chismis na dito sa amin noon pa na may gusto si David dun kay Beth. Kahit ano atang sabihin ni Beth ay ginagawa. Tsk tsk tsk." ani ng isa sa mga kapitbahay nila.

"Tungkol po doon sa asawa ni Beth, talaga po bang sinasaktan siya nito?" tanong ko naman.

"Ayy oo. Wala atang araw na di sinaktan nun si Beth. Aba'y buti na lang at walang anak ang dalawa kundi kawawa ang bata. " sagot naman niya sa akin.

"Sige po salamat" saad ko sa kanya at ngumiti.

"Walang anuman iha" sabi naman niya.

Guess I have no luck today. Akmang aalis na ako nang bigla ulit siyang nagsalita. "Ayy iha, sandali. Hindi ko alam kung makakatulong ito. Pero alam mo nung gabing iyon, nakita ko ung boypren ni Beth na naglalakad dito sa amin."

Kumunot ang noo ko."Boyfriend po?" I said just to clarify what she said. Thay woman has a husband and a boyfriend?

"Oo. Mga dakilang chismosa lang na tulad ko ang may alam na may boyfriend siya" sabi niya. Wow, may title pa pala na dakilanh chismosa? May isinulat siya sa papel at nilahad ito sa akin. "Yan ang pangalan nung lalake. Taga kabilang barangay lang yan" .

Napangiti ako. In the end, worth it ang pagpunta ko rito. "Maraming salamat po. Malaking tulong po ito sa akin"

-----------------------------

"Come on mylabs you need to eat. Swerte mo nga at nililibre pa kita. " Zamora said. Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Ang tukmol na to, kinaladkad ako mula sa office ko.

I rolled my eyes. "Nahiya ako sayo Zamora. Kulang pa tong libre mo sa akin sa lahat ng nakain mo sa office ko."

Natawa naman siya saglit pero sumeryoso ulit ang mukha niya. "Zoei, I know that this case is important to you at alam ko rin na marami ka pang inaasikaso but you need to eat. Kung hindi pa ako pumunta sa office mo ay hindi ko pa malalaman na coffee at one pack of biscuit lang ang laman niyang tiyan mo for the last three days. The heck is that? Payat ka na. Di mo kailangang magdiet. You're too focused on your work at nakakalimutan mo na yang sarili mo." sabi niya sa akin with crossed arms.

Pag tinawag na ako niyang si Zamora sa pangalan ko, alam kong seryoso na siya.

"Oo na po tatay" sabi ko habang tumatawa. Minsan may pagka ano rin ang isang to.

Napapikit ako. Ngayon ko lang ata naramdaman ang pagod at gutom ko. Sumasakit rin ang ulo ko. Maybe because I don't have enough sleep. Two hours lang ata tulog ko ngayon. Medyo marami kasi akong hawak na kaso ngayon but my main focus is David's case.

Binigay ng waiter sa amin ang menu. Habang namimili ako ng kakainin ay biglang may tinawag ang tukmol.

"Mr. Williams, nice to see you here!" sabi niya. I freeze. What?

Inangat ko ang tingin ko para makumpirma kung sino ang tinutukoy niya. Siya nga. Tatcher Williams is here.

God, help me.

Lumapit naman siya sa amin."Mr. Zamora" he said habang nakikipagkamay sa kaibigan ko. Tinitigan niya naman ako. Inis pa rin ako sa kanya. Pag naaalala ko ung ginawa niya sa akin last time ay umiinit ang ulo ko.

Pero nawala sa kanya ang focus ko nang makita ko ang kasama niya. He is with a very gorgeous lady. Napakaeleganteng tignan ng babae- doe like eyes, pointed nose and a very thin lips. Artista ba to? Bat ang ganda? Bumagay rin sa super puti niyang balat ang suot niyang red sexy dress. Those curves are highlighted with that dress. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila.

Nanliliit ako sa sarili ko. I'm nothing compared to that girl. Bat ba kasi ngayon ko pa sila nakita? Ni hindi man lang ako nakapag ayos. I'm just wearing my usual polo and slacks outfit. Ang laki pa ata ng eyebags ko dahil sa puyat at stress. Ni hindi man lang ako nakapaglagay ng konting make up.

"Why don't you join us?" narining kong tanong ni Zamora sa kanila. Tinignan ko naman ng masama ang kaibigan ko. Bwisit ka Zven Zamora, kung nakakapatay lang ang tingin,dead on the spot ka na. Humanda ka sa akin mamaya.

Zven just plastered his playful smile at me.

"It's our pleasure Mr. Zamora right, Cher?" sabi nung magandang babae.

Wow. Cher pala ha. I-Cher Cher ko kaya mukha ng lalakeng kasama mo? Hudas yan.

Wala na akong nagawa nang tuluyan na silang umupo sa table namin. This is definitely a bad day to me.

-----------------

A/N: Please comment and vote for this chapter my dear readers. Follow me na rin for updates. Pasensya na medyo busy sa work kaya ngayon lang ako nakaupdate. I'll try my best to update as much as I can. Love you all and thanks for the support.

Be Mine, AttorneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon