Zoei's POV
After the kiss, nagmadali akong umalis sa lap ni Tatcher at bumalik sa upuan ko. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. I don't know what happened to me back there. I just responded to his kisses unconsciously. And I'm feeling really disappointed to myself. Hindi ko akalaing magagawa ko iyon. What the hell am I thinking? There's no logical reason to respond to his kisses because first of all, we're not even in a relationship.
"Just forget what happened. It should never happen between us. It will never happen again. Sorry, it's my mistake" I apologized to break the silence. Gusto ko ng umuwi dahil hiyang hiya na ako sa sarili ko. Baka akalain niyang isa ako sa mga babaeng madaling makuha at kayang kaya niyang paglaruan.
He did not speak for a long time. Ito ang ayaw na ayaw ko. Ang awkward ng sitwasyon namin.
"So, did you consider my offer to you to become one of my company's lawyer?" he asked me sounding so pissed off.
"I'm still thinking about it. That will be a big decision if I'll accept it. May mga cases akong kailangang bitawan. I don't want to cause disappointment to my clients" sagot ko naman sa kanya. Ni hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.
He just sighed. "Just tell me how much you want to consider it. I can give you anything. I just need your answer as soon as possible because I need your services sa ipapatayong hotel sa Cebu"
Why we are suddenly talking about business matters now? "I'll just contact you if I come up with my final decision" I answered.
"Magpahatid ka na sa driver ko after you're done" Tumayo siya at naglakad paalis.
I put my hands over my face due to the frustration. Of course Zoei, he'll give you a cold shoulder. What did you expect? Susuyuin ka? You're nothing to him. Sumama sama ka pa kasi.
This is such a huge mistake.
--------------------------------
"Kuya diyan na lang po sa tabi" sabi ko sa driver. After kong mag ayos ay nagpahatid agad ako sa driver ni Tatcher. Ayaw ko ng magstay pa sa bahay niya ng matagal at baka maloka lang ako.
Bago ako bumaba ay nagpasalamat ako sa driver "Salamat po kuya". Ngumiti lang siya bilang tugon.
Finally, it's good to be home.
Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kusina. Amoy na amoy ko ang niluluto ni Manang Tess. As usual, ang aga talaga niyang magluto ng dinner.
"Manang Tess" sabi ko habang nakatalikod siya.
Nagulat naman siya "Ayy bata ka! Sabi ng wag mo akong ginugulat ehh. Aba buti naman at nagkaroon ka ng oras umuwi. Halika nga at kukurutin ko yang singit mo. Isang buwan na ata kitang hindi nakikita" saad niya habang hawak ang dibdib niya sa gulat.
I smiled sadly. "Pasensya na manang. Alam mo naman nang kailangan kong kumita ng pera kaya medyo busy ako." sagot ko sa kanya.
Bigla naman siyang sumeryoso. "Zoei, alam ko iyon. Pero kailangan mo rin namang magkaroon ng oras kay Markian. Naaawa ako sa bata dahil isang beses sa isang buwan ka lang ata nakikita. Lagi kang hinahanap. Hindi lang yan nagsasabi sa iyo pero miss na miss ka na niyan. Aba'y pati sa pagtulog ay laging sambit ang pangalan mo." pangaral niya sa akin.
Nag iwas naman ako ng tingin. My heart feels heavy to what she said. "Am I being a bad mother manang?" Hindi ko na napigilang umiyak. "Minsan kasi hindi ko na rin alam ang gagawin. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Kung pwede lang gusto ko lagi ko siyang kasama at nababantayan pero hindi ko magawa. You know that I'm not ready for this. Tatlong taon na siya pero parang nangangapa pa rin ako sa pagpapalaki sa kanya. Hindi ko inakalang hahantong kami sa ganitong sitwasyon. Nahihirapan ako. Siya na lang ang meron ako manang. Ayaw ko na pati siya mawala pa sa akin" hagulhol ko.
Niyakap naman niya ako. "Shh. Tahan na. Hindi ka masamang ina. Bigla siyang dumating sa buhay mo pero tinanggap mo pa rin siya ng buong buo. Proud ako sayo dahil doon. Nahihirapan ka oo, pero kailangan mong lumaban para sa inyong dalawa. Nandito ako para tulungan at gabayan ka" alo niya sa akin.
"Thank you manang Tess. Hulog ka ng langit sa amin". Si manang Tess ang tumulong sa akin sa pagpapalaki kay Markian. Nagtratrabaho na siya sa amin simula bata pa ako. And since my parents died, hindi siya umalis. Matanda na siya pero nandito pa rin siya para tulungan ako. Itinuring niya akong parang anak and I'm really happy and thankful to have her.
Humiwalay siya sa yakap sa akin at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. "Tama na ang iyak. Tignan mo yang ilong mo ang pula pula na. Para ka tuloy reindeer". Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Aba'y puntahanan mo na ung anak mo sa taas at gustong gusto ka na nung makita. Tatapusin ko pa tong niluluto ko at baka masunog pa. Natutulog iyon dahil napagod ata kakalaro." utos niya sa akin.
Sinunod ko naman siya at tuluyang umakyat papuntang second floor. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto namin ni Markian. Lahat ng pagod at frustration ko ay nawala ng makita ko siya. My son is peacefully sleeping on our bed.
Unti unti ko siyang nilapitan at umupo sa tabi niya. I slowly caress his face. "Baby ko, sorry at ngayon lang nakauwi si mommy. I promise na babawi ako. I want the best for you kaya ginagawa ko lahat ng makakaya ko." I whispered.
Naalimpungatan ata siya sa haplos ko. Kinusot niya ang kanyang mga mata at nang makita niya ako ay sumilay ang napakalaking ngiti sa kayang labi. "Mimi! You're here!" he joyfully exclaimed.
Binuhat ko naman siya to hug him tight. "Mimi is here baby" sabi ko habang pinupuno ng halik ang kanyang mukha.
He giggled to what I did- music to my ears. "I love you Mimi" he cutely said then kissed my cheek. Tila ba may humaplos sa puso ko. Oh God, salamat at ibinigay mo siya sa akin. He is the greatest blessing I ever had.
"Love na love na love na love ka rin ni mimi baby" I responded.
Seeing my son is enough to lift up my spirits. I want to give all my time for him kung pwede lang. I suddenly remembered Tatcher's offer to me.
Should I accept his offer for my son?
-----------------------------------
I spent three days with my son. We
went to all the places he wanted to go kasama si manang Tess. Pumunta kaming ocean park at masaya ako dahil nakita kong super nag enjoy siya. May agent from a modeling agency na nilapitan kami when we are buying stuffs sa isang mall and gave me his calling card because he wanted my son para maging model daw sa isang photoshoot. Mariin ko namang tinanggihan. He's too young for those things and also, mapapagod lang siya doon. Bimili rin kami ng maraming books niya dahil gustong gusto niyang magbasa. My baby surely is a bright kid. And of course, pumunta kaming hospital for his monthly check up."Behave okay? Wag matigas ang ulo kay Nay Tess. And also, wag kang masyadong magpagod" bilin ko sa anak ko. Kailangan ko na kasing bumalik sa office ngayon dahil marami akong naiwang trabaho.
Tumango naman siya. "Mimi basta balik ka agad" sabi niya habang hawak hawak ang libro na binili ko sa kanya.
"I promise. Matiis ko ba naman ang baby ko?" I kissed his reddish cheek. Mestiso ang anak ko. Halata mong may lahi.
Bumaling ako kay Manang Tess. "Nay, alis na po ako. Tawagan niyo lang po ako kung may problema. Bumili na po ako lahat ng kailangan dito sa bahay pati na rin po ung mga gamot ni Markian. Wag niyo po sana siyang hahayaang mapagod ng sobra"
Manang Tess give a reassuring smile. "Wag kang mag-alala at babantayan ko ng maigi ang poging bulinggit na ito. Pumanhik ka na habang maaga pa at wala pang masyadong traffic"
After I bid my goodbye ay sumakay na ako ng taxi papuntang office. I will be meeting my witnesses this day sa kaso ni David. I will win this one. Because after all, my client is imnocent and I will prove that in court.
--------------------------------
A/N: Pasensya na po sa mga errors. Please keep on supporting this story. I'm trying my best to write kahit medyo busy sa work. Writing is my stress reliever right now.
Don't forget to Vote, Comment and Share ♥️
Attorney Zoei will be a lawyer in action next chapter
BINABASA MO ANG
Be Mine, Attorney
RomanceAttorney Zoie Seraphine Tan is the queen of the court. She won every case she handled. Everything is under her control until she met the great Marcus Tatcher Williams. She never lose in court but will she lose in love?