⚖️ CHAPTER XV ⚖️

1.3K 50 2
                                    


Zoei's POV

"Mylabs she frickin kicked my balls! It hurts! What about my future now? I want to have kids! Amazona ang pangit na 'yon" maktol ni Zamora sa akin. May pa-acting pa siya na tila ba umiiyak. Madrama talaga to.

I just laughed at what he said. These two are hilarious. Pano ba naman kasi, sa lahat ng iistorbohin ng tukmol na to, date pa ni Crisza. Ayan tuloy ang napala.

"Come on Zamora. Buti nga at yan lang ang inabot mo. Black belter ang isang 'yon. Mawawalan ka ng mga chics kung sakaling nawasak yang mukha mo."

He just sulked. "Bat ba siya kinakampihan mo? Ako ang nasaktan at naagrabiyado dito."

"Kasalanan mo rin naman. Why would you ruin her date in the first place? She's not getting any younger. She needs to settle down. Labas ka na sa date niya. Wala ka dapat pakialam doon. Unless you are jealous." I teased him.

Natigilan naman siya sa sinabi ko-  which made me smirked.

"H-hindi sila bagay! Ma-masyadong pogi 'yong lalaki! Tama! Ang pangit kaya ng kaibigan mong 'yon! Bat naman ako magseselos? Di ko type 'yon. Pogi ako at pangit siya. Ang layo ng agwat namin."

Wow naman, kapani-paniwala ang rason ng tukmol na to. Napaka in denial.

"Okay. Sabi mo ehh. Dibale, may nahanap naman na ako for her next blind date. Feeling ko naman bagay sila."

Nagulat naman siya sa sinabi ko. "What?! May susunod pa?! Ilang lalaki ba ang idedate ng pangit na 'yon?! Kainis naman. Pakain na nga lang!"

I just laughed at his reaction. It's really great to tease Zamora. Hindi pala nagseselos ahh. Halata naman na may gusto kay Crisza pero ayaw aminin.

Ang ending, inubos ni Zamora ang pagkain dito sa office. Ni hindi man lang nagtira para sa akin. Hinayaan ko na lang dahil stress eating ata ang ginawa.

-------------------------------------------

Pag uwi ko ay dumiretso agad ako sa kwarto namin ni Markian. He's already asleep. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. His nose and cheeks looks so red. He has a natural pink cheeks pero mas lumala pa ang kulay nito dahil sa pag-iyak.

Manang told me that he cried so hard matapos ko siyang pinagalitan kanina. Kumirot ang puso ko dahil doon. I gently touch his cheek with the back of my hand.

Sorry baby at napagalitan ka kanina ni Mimi. I was just so worried. Losing you will be the death of me.

I kissed the top of his head at inayos ko ang kumot na bumabalot sa kanya. I just watch him while he sleeps.

Ang bilis lumaki ni Markian. Dati lang hindi niya kayang maglakad at magsalita ng maayos. He can now express himself. Kaya niya na ring magbasa. He is a bright kid. Sana lang at maging mabuting ina ako nang magabayan ko ng tama ang paglaki niya.



I took a shower and changed into my pajamas tsaka ko tinabihan ang anak ko sa kama. I hugged him tight. I really missed my baby.

Lord, please protect my baby always. I prayed before falling asleep.

Nagising ako dahil sa mga halik sa mukha ko. I opened my eyes and see Markian's face. I smiled at him. "Good morning baby."

He suddenly looked sad and guilty. Bumangon naman agad ako.

"What's wrong?" I asked as I hold him.

"Mimi, I'm sorry." Nagsimula na siyang umiyak. "Markian is so sorry. I know what I did was wrong. Sorry"

Tumayo ako at binuhat siya. "Shh. Markian is forgiven. Don't cry na. Mimi is sorry too dahil napagalitan ka niya. I'm just worried. Wag na uulitin, okay?" I caress his back para patahanin siya.

I felt him nod. "Mimi loves you baby" I kissed his cheek.

"I love you to mimi" he responded between his sobs. Pinunasan ko ang mga luha niya.

After that ay bumaba na kami para kumain. "Good morning manang" I greeted her as she arranged our food at the table.

Ngumiti naman siya. "Magandang umaga iha". Pumunta naman si Markian sa kanya to greet and kiss her on the cheek.

"Nga pala iha, may lalaking pumunta rito kanina hinahanap ka. Sinabi ko na tulog ka pa. Aba'y kay pogi parang artista. Super macho pa." saad ni manang habang kumakain kami.

Kumunot naman ang noo ko. Sino naman ang sasadya sa akin dito ng ganon kaaga. "Anong pangalan manang?"

"Marcus Williams daw" sagot niya.

Muntik ko nang mailuwa ang kinakain ko dahil sa pangalang sinabi niya.

Paano niya nalamang dito ako nakatira and why is he looking for me?  "Ano raw ang sadya niya manang?"

"Hindi sinabi. Umalis na lang bigla nung sinabi kong tulog ka pa" she answered. 

"Sino ba iyon iha? Nobyo mo ba?" manang whispered to me.

"Hindi manang boss ko" I answered.

I decided to text him after we eat. Baka may importante siyang sasabihin about sa trabaho ko.

To: MTW  (initials niya to)

Good morning sir. Itatanong ko lang po sana kung bakit niyo po ako pinuntahan sa bahay ko? May kailangan po ba kayo sa akin?

Hindi siya nagreply agad kaya hinayaan ko na lang. Naghugas ako ng pinagkainan at naligo. Pinaliguan ko na rin si Markian.

Pumunta kami ni Markian sa mall para bumili ng groceries. Hindi ko sana siya isasama pero nagpumilit siya. Pinayagan ko na lang din dahil bibili na rin kami ng damit niya. Medyo tumangkad na naman kasi siya. Ang bilis talaga lumaki ng bata.

While we are at the supermarket ay biglang nagvibrate ang phone ko. Chiceck ko namna agad dahil baka importanteng kliyente to.

From: MTW

Nothing. I just missed you and wanted to see you before I go to Davao. Enjoy your weekend love. Can't wait to see you on Monday.


Namula ako sa natanggap kong message galing sa kanya. Bwisit to, nagpapakilig na naman. Kalma Zoei, text lang yan.








-------------------------------------

Marcus Tatcher Williams at the multimedia above.

Please don't forget to VOTE, COMMENT AND SHARE THIS STORY ♥️











Be Mine, AttorneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon