⚖️ CHAPTER XII ⚖️

1.2K 44 1
                                    

Zoei's POV

Patuloy pa rin ang bangayan ng dalawa kong kaibigan. They always argue over everything. Minsan nga iniisip ko na baka sila ang magkatuluyan. Dahil infairness, bagay sila.

"Cookies n cream ang kunin natin" Crisza said.

Ibinalik naman ni Zamora ang kinuha ni Crizsa. "Nope. We're not picking that. Let's pick rocky road. Mas masarap un" he argued.

Crisza just rolled her eyes at kinuha ulit ang cookies n cream ice cream. "Kontrabida ka ng buhay ko. Ito ang kukunin natin. Upakan kita diyan ehh"

"Sige nga. Hanggang salita ka lang naman" hamon naman ng isa.

See? Pinagtatalunan nila kung anong flavor ng ice cream ang kukunin namin. Susme.  Pinapasakit talaga ng dalawang to ang ulo ko. It feels like I have three kids in total right now.

Markian whispered to my ears. "Mimi they are so childish" he giggled with the words he said.

I agree with my child.

At bago pa mauwi sa sapakan ang pagpili sa flavor ng ice cream, inawat ko na sila.

"Kukunin na natin yang dalawa. I think Markian won't mind the flavor. He simply just want an ice cream."

Natigilan naman silang dalawa at tuluyang natahimik.

Pero natuloy ang bangayan sa kung sinong mauunang magbayad.

Napailing na lang ako. Lord, please give me the patience on this one.


------------------------------------------

Hinawakan ko ng mahigpit ang papel na hawak ko-almost crumpling it. The prosecution has submitted new evidence regarding David's case. Dahil dito, mas lalong madidiin ang kliyente ko. Wala kaming mahanap na ebidensya at witnesses para mapawalang sala si David. The situation is very difficult right now. Defending my client's innocence in court is very challlenging. Naalala ko tuloy ang pag uusap namin nang muli ko siyang binisita.

FLASHBACK

"Base sa report, sinaksak mo siya ng limang beses David. Paano mo ginawa iyon?"

Hinawakan niya ang ulo niya at sinabunutan ang sarili. "A-Attor-ney, i-isa saksak lang ang gi-ginawa k-ko. Nanana-bitawan ko na a-ang ku-kutsilyo. Pra-pramis. I-isa lang"

Ikinagulat ko naman iyon.Based on the autopsy, hindi lang isang stab wound ang natamo ng biktima kundi lima at ang saksak sa puso niya ang ikinamatay nito.

"David, hindi mo kailangang magsinungaling sa akin" paalala ko sa kanya. You can't defend someone in court who is not honest with you- guilty man o hindi.

"Na-nasak-sak ko siya. Pe-pero i-isa lang ta-talaga"

What a case I have here then. "Wala tayong ebidensya na isang beses mo lang sinaksak ang biktima. Nakuha rin ang suot mong tshirt nang gabing iyon na may bahid na dugo. May naaalala ka ba na kakaiba?" tanong ko sa kanya

Umiling naman siya bilang tugon.

Okay, mahihirapan talaga ako nito.

---------------------------------

At dahil nagsumite ng bagong ebidensya ang prosecution, I need a counter to it. They submitted a cctv footage sa malapit na convenience store. Makikita sa footage na tumatakbo si David galing sa bahay nila Beth na nay bahid na dugo ang suot na damit.

Oo, possibleng hindi talaga napatay ni David ang asawa ni Beth pero napakahirap patuyan nito.

Kasalukuyan akong nandito sa crime scene dahil baka may makita akong mahalagang ebidensya na hindi lamang napansin ng nga imbestigador.

Be Mine, AttorneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon