Prologue

7.1K 144 11
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a crime.

Prologue

 Akala ko noon, sa Math lang ako mas-stress. Kasi naman diba, ang daming formulas na dapat mong ma-memorize para lang hindi ka nganganga pag solving time na.

Pero, ang akala ay akala. Napapapalitan, nababago at nadadagdagan. Parang noong bata ka pa, ang dami mong mga bagay na naiisip na akala mo tama pero nang ma-realized mo kalaunan sa paglaki mo, mali pala.

Hindi ko din naman kasi inakala na magiging babysitter pala ako, na siyang mas makakapagbigay pa sa akin ng more stress.

Akala ko sa Math lang ako masstress. Pero hindi pala, sakaniya din.

Sino ba namang hindi mas-stress kung may binabantayan kang...

"Haley, itimpla moko ng milk." utos ni Raven, ang Mr. Childish ng taon.

As in!

Akala ko noong una, nagpapanggap lang siya, siyempre wala ka namang mai-ecnounter na ganiyan ka isip bata, diba?

Napailing ako pero tinimplahan ko parin naman agad siya. At nang maibigay ko sakaniya ang mahiwagang inumin niya ay pumunta muna ako sa sala kasi maglilinis pa ako ng kalat niya.

Oo, makalat siya. Taliwas sa mukha niyang nasubrahan sa biyaya. Minsan nagtataka nga ako kung bakit ang tanda tanda niya na pero ganiyan parin siya mag-isip.

Ilang segundo lang ang lumipas at...

"Haley!!!"

Tawag niya naman sa akin na siyang kinatakbo ko sa kinaroroonan niya. At nang madatnan ko siya sa kusina ay, natapon lang naman ang gatas niya.

Napasapo ako sa noo ko. Grabe, hinga ng maluwag huwag maging hype---

"Raven! Bakit na naman natapon 'yang gatas mo?"

Na naman, because halos everyday nalang nagsasayang siya ng gatas. Wala ba siyang awa sa gatas? Or kahit e consider niya man lang masama iyang ginagawa niya.

"Eh natapon e, diko naman sinasadya." sagot niya na nakanguso pa.

"Ano bang bago? E palagi mo naman tinatapon ang inumin mo. Utang na loob, magpahinga ka sa kakakalat!" naiinis na bulyaw ko. "Doon ka nga sa sala."

Pumapadyak-padyak siyang pumunta sa sala at nakanguso parin. Grabe, kailan ba siya titino? Mas matanda pa siya sa akin, pero yung utak pinantayan ng five years old!

Gigil na tumungo ako sa kusina para kumuha ng panlinis sa kalat niya.

 Pero alam niyo ba?

Akala ko purong pagpapasaway lang ang alam niya sa buong buhay niya. Na hindi siya marunong mag-alaga o mag-aalala man lang.

Pero mali, ang isang katulad niya, ay isang pa-fall na childish!

Ano kaya ang mangyayari sa puso ko kung mahuhulog ang loob ko sakaniya? Sa katulad niyang mukhang walang alam sa love kahit na pa-fall.

 Happy ending ba? O baka ako ang mag end sa sobrang pagka-isip bata niya?

----------

Reminder: Ang istoryang ito ay mga errors, typographical, grammatical and chemical choss, at marami pang iba kaya pagpasensyahan niyo na po.

Nevertheless, happy reading!

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon