Chapter 30:
TODAY is Sunday nagyaya ang anak namin na pumunta sa simbahan. Pero parang wala siya sa kanyang sarili, tulala lang siya sa kanyang silid minsan lumalabas siya para tingnan lang si Nanna, parang bumabalik siya sa kanyang unang sakit.
Mas lalo akong kinakabahan ngayon sa aking anak, palagay ko parang pasan niya ang buong mundo. Hindi siya nakikipag-usap tanging si Nanna lang rin ang kinakausap niya. Pero hindi naman ito gising. Minsan nakikita ko siyang umiiyak pero kapag nararamdaman niya na nandyan kami agad niya naman itong pinunasan at ngumiti sa amin ng mapait.
Minsan sinubukan namin siyang kausapin pero umiwas kaagad siya. Hindi namin alam kong anong nangyayari sa kanya. Nagsimula lang naman iyo ng kausapin kami ng Doctor niya ayon sa kanyang resulta. Pero sinabi naman ng Doctor na okay lang naman siya. Stress lang daw iyon at napapagod lang siya kaya laking pasalamat namin na okay siya. Pero hindi papala.
Kaya naman ngayon ay masaya kami dahil sinabi niya sa amin na gusto niya daw na pumunta ng simbahan, hindi niya talaga makakalimutan na kapag araw ng linggo simbahan kaagad. Kaya naman sobrang saya ko at ng aking asawa na rin.
Pumasok na kami ng kanyang room, pero hindi siya namin na datnan doon, kaya medyo nag-alala kami at dali-dali kaming oumasok sa kabilang room kung saan nandoon si Nanna. Nadatnan siya namin doon na hawak ang kamay ni Nanna habang tumutulo ang kanyang luha. Nakahawak lang siya sa kamay nito at kunakausap kahit alam naming hindi naman si Nanna makakasagot man lang sa kanya. Sobrang awa na kami sa aming anak.
“My Denise?”tawag ko sa kanya para makuha ang atensyon niya.
Hindi man lang siya tumingin sa amin pero maingat niyang pinunasan ang kanyang mga luha para siguro hindi namin mahalata. She looked at us while wearing her bitter smile but we smile sweetly and proudly back.
Nakasuot siya ng black dress and then black doll shoes. Hindi ko alam bakit ganito ang kanyang suot ngayon black. Pati na rin ang kanyang hair clip black rin, pero hinayaan na lang namin ganito kasi ang gusto nitang suotin.
“Mah Luna. Let’s go?”makangiting sabi ng mom niya tumango lang siya bilang sagot.
Pinagbuksan ko siya ng pintuan at inilalayan sa loob. Pero tinapik niya ang aking kamay. Sobrang nagulat ako sa kanyang ginawa hindi ko akalain na ganito ang gagawin ng anak ko. Pero binalewala ko lang iyon. Pati ang kanyang ina ay nakahalata na rin. Tiningnan niya lang ako at nginitian. Na parang sinasabi na ‘intindihin na lang natin siya'so I smile at her back.
Nang makarating kami ng simbahan ay hindi na niya akong hinayaan na pagbuksan siya kundi nauna na siyang lumabas sa sasakyan at deretsong pumasok sa loob ng simbahan ni hindi man lang kami nilingon. Hinawakan na lang ng kanyang ina ang aking kamay. Umiling na lang ako sa kanyang ginawa.
“Ano ba talaga ang problema ng anak natin?”tanong ko sa kanya. Pero napakibit balikat lang siya kasi hindi niya rin alam.
“Baka pagod lang ‘yon”sabi niya sabay halik sa aking pisngi. Kaya napangiti na lang ako.
“Oo tama pagod lang siya!”pagkombinse ko sa aking sarili.
Nakangiting pumasok kami sa loob ng simbahan at hinanap kaagad ang anak namin. Nandoon siya sa isang sulok at nakatingin lang sa harap ng simbahan.
Dati-rati lang ay hindi niya gustong umupo sa pinakadulo pero ngayon ibang-iba na talaga siya. Lumapit kami papalapit sa kanya pero hindi man lang siya tumingin sa amin.
“Mah Luna, okay ka lang ba, sabihin mo lang kung hindi ka okay—“but she cut her mother by saying.
“I’M OKAY!”matigas na sabi niya sa mama niya at nakita ko rin kubg gaano kalamig ang titig niya sa mga tao na dumadaan at ganoon na rin sa amin ng aking asawa.
Natahimik na lang kami hanggang sa matapos ang misa. Pagkalingon namin sa kanya ay nandoon na siya sa labas ng simbahan at naglalakad lang. Kaya naman dali-dali kami oara maabutan lang siya pero nakakuha kaagad siya ng taxi at nakasakay. Wala man lang siya nagpaalam sa amin at tsaka hindi man lang niya kami hinintay. This is not our daughter. This is different.
‘I’M SORRY MOM AND DAD' I whispered to my self as I watch my parents looking at me differently in front of the church. I can’t stop my self. I was so stress thinking about Nanna and Nanna and ofcourse my disease.
Sabi ko sa sarili ko na hindi ko na muna iisipin kung ano ang mangyayari sa akin. Ang gusto kong isipin ngayon ay kung paano ko mapaghahandaan kung sakaling magivising na si Nanna. Parang hindi ko makakaya na hindi na niya ako maalala.
Dapat ko nang ihanda ang aking sarili sa pwedeng mangyari sa kahit ano mang oras. Kaya gusto ko kahit ngagon lang mabawas-bawasan ang sakit na aking naramdaman.
“Manung sa Healing Sanctuary po”walang emosyon na sabi ko sa taxi driver, pero pinipigilan ko kasi na hindi tumulo ang mga luha na namumuo sa aking mga mata. Kapag kasi naisip ko at nakita ko si Nanna, unti-unting dinudurog ang puso ko.
Pagdating ko doon agad akong nagbayad at tumakbo ng tumakbo sa gilid ng dagat habang umiiyak, tumigil na lang ako nong hindi na ako makalakad man lang dahil nanghihina na ang aking mga tuhod. Kaya namn ay umupo na lang ako sa buhangin at tumingin sa langit.
Patuloy sa pagtulo ang aking mga luha at hindi ko ito pinipigilan. Hindi ko alam ang aking gagawin. Gusto kong sumigaw. Tama kailangan kong sumigaw sabi kasi ni Nanna kapag mabigat ang iyong pakiramdam isigaw mo lang.
Tumingin-tingin muna ako sa paligid, may nakita akong mga tao pero malayo mabuti na lang at linggo ngayon hindi marami ang mga tao.
Huminga ako ng mahalim at sumigaw ng napakalakas.
“Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh! Angggg saakkiiiiiitttttt!”ilang ulit ko pa itong sinigaw. Hanggang sa mapagod ako at mawalan ng boses napaupo na lang ako sa gilid ng dagat.
I never dare to question GOD for giving this heartbreak because I never questioned HIM why I am happy. I know that GOD has plan and planned everything that’s happening now, I know HE guided me and Nanna all the way.
Halos kalahating oras ako nakaupo lang iniisip ko lang ang mabuti kong gawin at kung paaano malalampasan ang pagsubok na ito. Alam ko na kapag nalampasan ko na ito this is worth to fight.
I have to fight for myself, for my family and of course for Nanna. I want to fight as long as it is worth fighting for.
Naglakad-lakad ako pabalik at pumara agad ako ng taxi para magpahatid sa hospital pero dumaan muna ako ng flower shop para ipagbili si Nanna ng bulaklak. What I love, he love it also. Kaya bumili ako ng red roses and then sunflower. At nagpahatid na ako sa hospital.
Pagdating ko doon dumeretso kaagad ako sa silid ni Nanna wearing a no emotion face. They greeted me but I walked passed away to them as I sit beside Nanna. I silently saying sorry to him because of what I act this passed few days.
I was holding his hand always as I tell what I do today. How much I missed him. How much I want to hear his I love you to me. How I missed everything about him.
Pinipigilan ko ang aking mga luha na hindi pumatak. Nakakahiya kina tita at tito na iniiyakan ko ang siya. Kaya I make my self strong but deep inside I was dying.
“Aalis muna ako. ‘Wag niyo siyang pabayaan ha? Maraming Salamat”hindi ko na sila tiningnan pa at hinalikan ko na lang si Nanna sa noo at umalis na sa kanyang silid.
As I entered my own room, I took a deep breath and then I open the door. I saw my parents look at me with love. Ngumiti sila sa akin na parang wala lang nangyari. I gave them a kiss and then I went to my bed and sleep.
“Mah Luna? Hindi kaba kakain?”mahinahon na tanong ni mom sa akin habang hinahaplos ang aking likod.
“Hindi po”walang emosyon na sabi ko sa kanya.
“Hindi ka kanina kumain ei.”alam kong nag-aalala rin siya.
“Busog ako!”and then tinalikuran ko siya. Hindi ko kakayanin na makitang nasasaktan ang aking ina. Pero hindi ko rin kaya na kapag nawala ako hindi ako nila makakalimutan. Kaya ngayon pa lang gumagawa na ako nga mga bagay na hindi nila magugustuhan. Ito lang ang pwede kong gawin kahit labag sa aking kalooban.
“Hi tita, Hi tito”kilalang-kilala ko ang boses na ‘yan. It was Coolleen my bestfriend. Nagpanggap ako na natutulog para marinig ang kanilang pinag-uusapan. “Tita, kamusta na po ang bestfriend ko?”nag-aalalang tanong niya habang nararamdaman ko na lumalapit siya sa akin.
“Alam kong hindi siya okay, Iha. Kasi matapos siyang kausapin ng Doctor, kinaumagahan hindi na niya kami kinakausap hindi na niya kami pinapakinggan, hindi na rin siya kumakain sobrang layo na sa Luna Neoma Denise na nakilala natin.”unti-unti na si mom umiiyak kaya lumapit sa kanya si Coolleen at niyakap si mom dahil pati siya naiyak na rin.
“Tita dapat siguro ngayon kailangan lang natin habaan ang pasensya natin para sa kanya, alam naman natin ang kanyang sitwasyon. Kailangan lang siya natin intindihin dahil ‘yan ang kailangan niya ngayon”sabi ni Coolleen kaya unti-unting tumulo ang luha ko sa kanyang sinabi.
“Oo nga ‘yon ang makakabuti sa kanya. At alam naman niyang kahit anong gawin niya mahal na mahal natin siya”sabi ni mom sa kanya.
“Oo nga tita. Mahal na mahal natin siya”sabi niya. Naramdaman ko na umupo si Coolleen sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay. “Besshhiyyy. Kahit anong mangyari tatndaan mo na naintindihan ka namin kahit anong mangyari nandito lang kami sumusuporta sa iyo. Kahit anong mangyari mahal na mahal ka namin. Tatandaan mo ‘yan”hinalikan niya ako sa noo and then nagpaalam siya kina mom at dad na uuwi na raw muna siya at babalik na lang siya mamayang gabi.
After na umalis siya ay natulohmg na lang ako sa kaiiyak. I slept with a heavy heart.
ILANG araw na rin hindi na gigising ang aking anak matapos siyang maaksidente. Hindi namin alam kung kailan siya magigising pero sabi ng Doctor okay naman siya daw. Pero hindi pa rin siya nagigising at mas kinakatakutan ko ay paggising niya hindi niya kami maalala. Lalong-lalo na si Neoma. Ibang-iba na ang batang ‘yon ngayon, pati ang kanyang mga magulang ay nag-aalala na. Hindi nila alam kong bakit nagkakaganyan siya. Pero alam ko na may dahilan din siya.
“Mommy, is Ate Neoma okay?”tanong sa akin ni Selene. Alam kong pati siya ay nag-aalala na rin.
“Yes anak. You’re Ate Neoma is okay”sambit ko sa kanya at inayos ang kanyang buhok.
“How about Kuya mommy. I really missed him”doon na tumulo ang kanyang luha. “I missed having fun with him. Running in our garden, his swetness and everything about him mommy”niyakap na niya ako ng sobrang higpit kaya pati ako ay naiyak na rin pero pilit kong nilakasan ang loob ko para sa mga anak ko.
“You’re kuya will be fine anak. He’s string right?”pilit kong hindi maiyak habang kinakausap ko ang aking anak. Pati ako na miss na rin si Nanna.
“Yes kuya is strong.”sabi niya lang at nakatulog na sa aking balikat. Inayos ko siya sandali at pinahiga ng maayos. Lumapit ako sa bed ni Nanna at hinawakan ang kanyang kamay.
“Anak gumising ka naman oh!”pakiusap ko sa kanya. “Nahihirapan na kami at nag-aalala sa’yo lalong-lalo na ang babaeng mahal mo. Alam mo ba na hindi na siya namin makakausap ng matino. Palaging ikaw na lang ang kinakausap niya. Alam kong sobrang nasaktan na siya sa mga nangyayari sa’yo. Kaya sana ay gumising ka na kailangan ka niya ei”pagkwento ko habang hinahaplos ang kanyang kamay.
Matapos ko siya kausapin dumating na rin ang kanyang ama. May dala siyang pagkain at mga ibang damit na rin. Parang tahanan na namin itong hospital nitong mga nakaraan na araw.
“Kamusta na siya hon?”tanong niya sa akin sabay halik sa aking noo.
“Ayon hindi pa rin nagigising kani-kanina lang iniyakan nanaman siya ng kanyang kapatid pero wala siyang nagawa kaya ayon nakatulog”turu ko sa kanya si Selene na nakatulog sa sofa.
“Magigising din ‘yan. Magtiwala lang tayo sa kanya at sa Diyos hindi niya tayo pababayaan. At siyempre alam naman nating kakayanin niyan ng anak nayin diba? Ang lakas kaya noon”nagpatawa pa siya pero alam ko sa loob niya ay subrang nag-aalala na siya.
Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. Binigyan niya ako ng pagkain may dala din siyang prutas para raw kay Neoma. Kaya sinabihan ko siya na ihatid na lang ito sa silid ni Neoma.
HINATID ko ang mga prutas sa silid ni Neoma pero nadatnan kong natutulog siya habang nakabantay sa kanya ang kanyang kaibigan.
“Magandang tanghali po tito”magalang na bati niya sa akin.
“Magandang tanghali din iha. Kamusta na siya? Ito pala may dala akong prutas para sa kanya.”sabi ko sabay lapag ng mga prutas sa lamesa nila.
“Ayon hindi pa rin daw kinakausap ang kanyang mga magulang. Nag-aalala na nga sina tita at tito baka magka-depression na man itong kaibigan ko.”nag-aalalang sabi niya sa akin.
“Hindi naman siguro. Alam kong malakas silang dalawa ng anak ko. Hindi nila hahayaan na ganoon ganoon na lang.”lumapit ako kay Neoma, hinaplos ang kanyang buhok at hinalikan siya sa noo. “Neoma anak, magpagaling kana ha? Kahit hindi namin alam ang mga nararamdaman mo, pangako hindi ka namin tatalikuran, susuportahan ka namin. Mahal na mahal ka namin ei”halos maiyak na ako sa aking pinagsasabi kaya mabilis ko itong pinahid. Agad naman akong nagpaalam kay Coolleen para bumalik sa silid ng anak ko.
Buong araw lang kaming nakabantay sa kanila na palagi naming ginagawa sa mga nitong nakaraang araw. Ramdam na ng katawan namin ang pagod pero walang susuko.
IT WAS SO noisy when I wake up, even mom and dad. I didn’t know why but my heart beats so fast na para bang may nangyayari na hindi ko naman alam kong ano. Sobrang kinakabahan ako.
“Mom, dad ano po ang nangyayari?”walang emosyon na tanong ko sa kanila. Pero ni isa sa kanila ay walang sumagot ganoon na rin ang aking kaibigan na nakaupo lang sa sofa.
“Ano ba talaga ang nangyayari!!?”halos na pasigaw na tanong ko. Pero hindi pa rin sila sumagot. Pero ang aking puso parang lalabas na sa aking katawan.
“Ano ba talagaaaaaa!!!!!!”paiyak na ako pero pilit ko paring sinigawan sila.
“Annoooo? Hindiiii ba kayooooo magsasalita?”tanong ko sa kanila. Pero wala pa rin. Hindi parin sila nagsalita. Tumutulo na ang luha ko sa aking mga mata. Bindi ko alam kung anong nangyayari. Nag-isip-isip ako pumasok si Nanna.
“Nanna?!”dali-dali akong lumabas sa aking silid pero agad din akong pinigilan ni Coolleen.
“Besshiyyyy kalma ka muna okay!”mahinahon na sabi niya.
“Pano ako kakalma? Ni hindi niyo nga sinasabi kong anong nagyayari ei?”sinigawan ko siya talaga, doon ko lang na realize na sa tagal nang aming pagkakaibigan ngayon ko lang siya sinigawan nakita ko kung paano tumulo ang luha niya na kaagad niya namang pinunasan.
“Sorry beshiiyyy”sabi ko sa kanya. Pero yumuko lang siya.
“Anoo ba talaga ang nangyayari?!”may halong inis at kaba na sabi ko para akong sasabog rin sa galit.
Umiling lang sina mom at dad. Ano?
“Si Nanna—“sabi nila hindi ko na sila pinatapos at agad akong tumakbo sa kabilang silid.
“NANNA?!”halos pasigaw na tanong ko. Nakita ko na lang siya nanakalatay sa kanyang bed. Wala nang mga aparatus na nakasaksak sa kanya. Agad ako g niyakap ni Selene.
“Ate—“she tried not to break her voice but she end up crying.
“What happened?”tanong ko sa kanya.
“Ate—“pero hindi pa rin niya masabi ang gusto niyang sabihin. Dahil hindi na niya mapigilan ang umiyak.
“Ano?”tiningnan ko sila tita at tito na tahimik sa gilid at umiiyak. Kinalas ko ang pagkayakap ni Selene sa akin at lumapit sa kanila ni tita at tito.
“Tita, tito. Sabihin niyo nga anong nangyari? Okay lang naman si Nanna diba?”tanong ko sa kanila. Iling lang ang sagot ni tita sa akin.
“Anong hindi?”medyo sumigaw na ako.
“Wala na si Nanna, Neoma”parang hindi siya mag-process sa utak ko.
Wala na?
Si Nanna?
“Ano?!”hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila. Unti-unti akong nanghihina sa aking narinig.
Unti-unti akong lumakad palapit sa bed ni Nanna, halos hindi ko malakad ang aking paa. Parang hindi ko matanggap ang mga nangyayari.
“Nanna?”
“NANNA?!”
“NANNAAAAAAAA!”
Bigla akong nagising.
Nagising sa isang masamang panaginip. Nanaginip ako na namatay si Nanna. Hindi ko mapigilan ang aking mga luha isa’t-isa itong nagsibagsakan mula sa aking mga mata.
Dali-dali kong pinahid ang aking mga luha at lumabas ng aking silid hindi ko naman pinansin ang tawag ng aking mga magulang sa akin.
“Sorry mom, dad”bulong ko sa sarili ko.
Pumasok ako sa silid ni Nanna. And then, dumeretso kaagad ako sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at tinitigan siya ng mabuti.
“Hindi ko po kayang mawala ka sa akin, Mi Cabllero. You know that you are my strength and also you are my weakness. Nananaginip ako na nawala ka na sa akin aya nga dumeretso ako dito sa’yo. Alam kong isang masamang panaginip lang ito. Pero prosime ha? Hindi mo ako iiwan. Kahit anong mangyari. Dahil pangako ko rin sa’yo na hindi kita iiwanan kahit kailan. Kaya nga hinahanda ko na ang sarili ko sa kung anong mangyari pagakagising mo.”pagkwento ko sa kanya. “Kaya magising ka na pleasee. I miss you so damn much! I love you Mi Caballero!”sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.
Kinagabihan ay natulog na ako. Pero matapos ang halos kalahating oras nagising ako ng sobrang sakit na naman ng aking ulo. Oarang binibiyak ito at tinatadtad sa sobrang sakit.
“Aaaahhhhhhhh!”mahina akong sumigaw para hindi marining ng mga magulang ko. Parang hindi ko na kaya ang sakit, hindi ko na alam ang aking gagawin. Pinagpapawisan na rin ako ng sobra.
Ito ba talaga kapag ganoon ang sakit mo? Binaliwala ko na lang ang tanong ko. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na muna aalahanin ang sakit ko mas uunahin ko muna si Nanna at kailangan ko siyang paghandaan.
Paghandaan ko kung kailan siya magising at kung ano ang mangyayari sa paggising niya.
In so much pain, everything went black.
YOU ARE READING
Lifetime Series #1: The Abiding Amor (COMPLETE)
Teen FictionNanna Gabriel McAnthony, a protective, understanding, supportive and loving brother to his only sister. He will do everything to make her sister laugh and smile. All his time is just for his family and books. Not until he met this nerdy girl named L...