"Rikko Miguel V. Aguirre."Agaran kong naimulat ang mga mata sa pagbanggit ng pangalan. Luminga-linga ako sa paligid. Madilim, halos wala na akong makita. Ang tanging naaaninag ko lamang ay ang kaliwanagan ng ginintuang pitong pintong nasa harap ko.
Ginintuang pitong pinto. Parang Tongue-twister ah.
"Pumili ka ng pinto," pagsalita muli ng sinumang tumawag sa'kin.
Nakipagtitigan ako sa kaniya. Madilim ang paligid kaya't 'di ko masiyadong makita ang kaniyang mukha. Ang alam ko lang ay nakakapa siya ng kulay itim, may hawak na mahabang patalim sa isang kamay at makapal na libro sa kabila.
Kamatayan.
"Para saan 'to?" usisa ko.
"Basta, pumili ka lang," sagot niya.
"Kapag nakapili na ako, anong gagawin ko?"
"Pumili ka muna."
"Tapos na."
"Alin?"
"Yung pagpili ko ng pinto."
"Pumili ka nga muna."
"Tapos na nga."
"Pili ka lang."
Potek na, ano ba itong kausap ko?
"Tapos na?" tanong ulit ng timang sa harap ko.
"Oo."
"Pumili ka."
"..."
Naghintay ako ng kaunting segundo. "Nakapili ka-"
"Oo nga!"
"Ramdam kong hindi pa."
Ah, kaya pala paulit-ulit 'to. "Ay, sorry boss. Ako lang 'to."
Pinagmasdan ko muli ang mga pinto. Doon ko na lang napansin na naliliwanagan pala ito ng mga ringlight sa itaas. Sosyal naman.
Pipili lang ako ng isa rito? Eight kasi lucky number ko eh, pero hindi pwede lumagpas.
"Eeny, meeny, miny, moe, pwet ng kabayo–"
"Oy, bawal yan," sabat ni Kamatayan.
Ow. Sige, ibang istratehiya na lang. Sa isang linggo... ano ba paborito kong araw? Sabado. Ika-anim na araw ang sabado, so...
Narining kong tumawa si Kamatayan. "Hindi ko yan pipiliin kung ako ikaw." Luh, may ganon? Sige, iba na lang, nakakapanghinala.
Paano kaya kung 'yung una na lang? Hindi, 'yung pangalawa na lang. Sanay naman akong pangalawa lang lagi.
"Tsk tsk. Kabataan talaga. Sinabi ko na nga kay Rizal na wala na pag-asa 'tong henerasyon, eh."
'Wag na nga! Sabatero 'tong isa masyado! Unang numero pumasok sa utak ko ay... sixteen. Square root no'n ay four! Ah, ang talino ko talaga shet.

BINABASA MO ANG
Wishing For A Happy Life
Teen Fiction━━ Ano ba talaga mangyayari kung namatay ka mula sa sarili mong mga kamay? Ikaw ba'y mapapaangat patungo sa mapayapaang kalangitan o maitutulak pababa sa mga apoy ng mga makakasalanan? Ah, basta. Patay ka na. Ano ba nangayayari pagkatapos no'n? H...