CHAPTER 8

234 14 0
                                    

Natapos na kami sa pagkain at tinignan ko ang aking orasan, at ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase.

"Lumiere halika na, magi-istart na yung klase," sabi ko sakanya as I hold her wrist and get up.

"Are you not coming, Xamier?" tanong ko kasi nakaupo lang siya doon.

"Oo nga pala, sige bye sa inyo," sabi niya habang lumakad palayo samin sa ibang direksyon. "Teka, saan ka pupunta? Magii-skip ka ng klase?" tanong ko.

"I can do whatever I want. And like what I said I'm not in the mood to see Almer, kaya bumalik na kayong dalawa at may dadalawin pa ako," sabi niya at lumakad palayo. Sino naman ang dadalawin niya sa isang squater area?

My eyebrows furrowed, siguro mapapaaway siya with his gang, I didn't even know na may gang siya eh! Pero since diko pa naririnig na nakikipagaway sya or nababalitaang napapaaway I just shrugged that thought at pumunta na kaming dalawa sa aming klase.

And just a thought, I don't even care of what he does anyways.

IT'S OUR LAST subject na, and I'm itching to leave and lay at my bed already. Pero parang mag-announce si ma'am about something.

"Okay class, I encourage you to pick your choosen clubs right now," biglang sabi ng teacher namin, si Ma'am nga pala ang presidente ng mga clubs, siguro nawawalan na sila ng mga club members kaya siya nag-propose nang ganito.

Tumabi naman si Lumiere sa akin, "Ikaw Morgan, anong club papasukan mo?" excited na tanong sakin ni Lumiere.

"Diko alam, I've never been interested in joining a club since day one," ani ko sakanya.

"Then it's your time para magpick ng sarili mong club ngayon," nanliit naman ang aking mga mata dahil dito.

"Sige ba, pipili nalang ako pagdating sa bahay," sabi ko at tumingin sa loob ng bag ko at hinanap ang cellphone ko, kinapa ko pero wala talaga sa bag ko.

"Hala! Nawawala yung cellphone ko!" kinakabahan kong sabi habang nagulat naman si Lumiere.

"Hala, baka naiwan mo doon sa carenderia,"

"Hindi, diko naman nilabas kanina yun, eh," sabi ko habang inaalala ang mga nangyari simula noong maga. At naalala kong naiwan ko pala sa higaan ko yung cellphone ko.

I sighed at kumalma ako, "Nasa bahay ko lang pala naiwan..." sabi ko napabuntong hininga ng malalim si Lumiere.

"Bakit ba kasi makakalimutin kana? Ambata-bata mo palang, eh,"

"Well, I'm sorry? Makakalimutin kasi yung lahi ko," sarkasmo kong saad at tumahimik nalang kami.

NATAPOS NA ANG klase at lumabas na kami ng gate, nagpaalam na sakin si Lumiere at umalis na kasama sundo niya. Habang hinihintay ko naman si manong Jeff para sunduin ako.

At bigla kong nakita ang black van nila Xamier at lumabas sya mula dito at lumapit papunta sakin.

"Wow naman, ang lakas ng kokote mo na magpakita pagkatapos kang mag-skip class at susunduin mo pa ako dito, sa front gate pa talaga nang school," ani ko nang may sarkasmong tono.

"Magaaral din naman ako dito, which means I can cross here whenever I like," sabi niya na kinainis ko.

"Pumasok kana sa van, di dadating ang sundo mo," sabi niya habang tinuturo yung van.

"Oo na, kakabanas ka talaga no?" bulong ko habang pumasok sa loob ng van at sinara ito.

NAKASAKAY NA KAMI sa van, nang bigla akong napatanong, "Sino nga pala binisita mo doon?" para masira ang nakakabinging katahimikan sa loob ng van.

"I think that's none of your business..." ani niya as I just shrugged at sumandal sa upuan.

"Yeah, for a second thought I didn't care anyway" I said and I heard him hissed. And I chuckled.

I got quick retorts for people who answers like that, pero I'm being honest about not caring about it at all.

BINABA NA NIYA ako sa harapan ng mansyon namin like usual. "Sige, magiingat ka na lang," ani ko habang binuksan ang pintuan at sumulpot si mommy.

"Ah! Morgan sweetie come in we have a guest," maligalig na saad ni mommy.

We have a guest? Again? What's wrong with the passing days this week?

Tumingin ako sa likuran pero umalis na pala iyong van ni Xamier. Ayoko pa naman sa mga bumibisita sa bahay namin lalo na mga business partners ni mommy tsaka daddy.

Sayang! Di ako makakatakbo mula sa guest ngayon!

"Halika na para makita mo sila! Matagal narin nung huli kayong nagkita," ani ni mommy at hinatak ako papuntang kusina at nakita kong may kinakausap si daddy sa hapag kainan.

Hinatak ako ni mommy papuntang kusina at nasulayapan ang dalawang lalaking magkamukha, they're twins. Parehas silang may malalaking kayumangging mata, brownish na buhok at medyo mapulang labi at mukhang namumukaan ko sila parehas.

Tumingin sila sakin at sinabing "Morgan!" sigaw nila at niyakap ako, hindi ko naman alam ang irereact dahil hindi ko sila masyadong mamukaan.

"Bakit parang hindi mo sila makilala Morgan, sila yung kambal mong pinsan mula kila Aunt Rhine mo," paliwanag ni mama at sinubukan kong alalahanin kung sino sila.

Teka, Aunt Rhine? Twins? Iisang twins lang ang kilala ko kila Aunty....Teka sila ba si-

"Teka, Adrian?! Tsaka Andrew?!" gulat kong saad habang nginitian nila akong dalawa.

"Buti na-recognize mo na rin kami," ani ni Adrian habang kunwaring ngumunguso.

"Kala ko nakalimutan mo na kami, eh," mahinhing saad naman ni Andrew.

Tumingin ako kay mama at tinitigan siya na parang sinasabing 'Ma, what the fuck is this? What's happening?' face.

"Ah! Nga pala, ang Cassius family pala ay magii-stay muna dito sa Pilipinas para matapos ang year nila Adrian at Andrew," nanlaki naman ang aking mga mata.

"And also, magaaral din sila sa school mo, sweetie. Isn't that fun? Magca-catch up narin kayo for all the moments that they're away!" maligalig na saad ni mommy na parang siya iyong sobrang saya sa sitwasyon ko.

Oh my god woman! I wish na minsan may hint ka sa nangyayari!

Mas lalo akong nagulat sa news na ito, sila iyong type nang pinsan na sobrang kulit at possessive sa akin. Plus, magkakagulo kapag nagkita sila nila Xamier! Why is this kind of day keep going?!

That Game Of Promise Where stories live. Discover now