"Okay guys, dahil mag-gagabi na ay kailangan na nating matulog at siguraduhin ninyong nakasarado ang inyong mga tent. Dahil maraming insekto dito sa bundok, kaya be careful nalang, ha," ani ng aming Tour guide.
"Pero Miss Tour guide, pwede pa rin bang lumabas sa tent namin?" tanong ni Anne, now that's a very selfish question.
"Sure you can, pero magiingat lang kayo," ang tanging sagot ng tour guide namin, I'm pretty sure that she's not getting paid enough to give a fuck about us.
Habang naglalakad-lakad yung iba sa paligid ng site namin, kami naman kasama sila Aishell at yung iba ay nagayos ng mga basura sa paligid ng site namin. Sumusulyap naman ako sa grupo nila Xamier kasama sina Adrian, Andrew, Cameron at yung iba pang lalaking kasama sa bus namin, and somehow they're having fun, I see.
"Uhm Miss Melric, dito napo itatapon yung plastic na hawak-hawak mo nayan" ani ni Aishell na nasa tabi ko, "A-ah, sige pasensya na," ani ko at nagmamadaling nilagay yung plastic sa trash bin namin.
Sumulyap ulit ako kay Xamier at nakitang tumatawa siya kasama nila Adrian, all these seems to be so fun for all of us. But I wanted to confess to him, how will I confess though?
"May problema po ba kayo sa grupong iyon, Miss Melric?" saad ni Aishell, hindi ko namalayan na nasa tabi ko parin siya, "W-wala naman, napansin kolang na mas marami pala yung girls kaysa sa boys sa bus natin..." Ani ko at napatunganga nanaman kay Xamier na tumatawa.
"If I assume it to be.... Are you gonna confess to Mister Avallion?" ani ni Aishell na nagpatalon sa akin at sa aking puso at naramdaman kong uminit ang aking mukha.
"H-ha? H-hindi, ha! P-paano mo naman nalaman yung about sa amin?" tanong ko habang tinatago ang aking mukha.
"Huh? You don't know? Both you and Mister Avallion are the biggest hidden rumors in the whole 1st year building maybe even the whole campus knows about the both of you!" ani niya sa akin, well hindi ko ine-expect na marami ang chismosa sa school namin.
"So? Magco-confess ba talaga kayo sakanya?" tanong niya ng nakatitig sa akin ng diretso, tumingin ako sa paligid at tinignan kung may tao ba tsaka ko siya sinandalan at binulungan ng, "I- Yes, I'm going to do it..." Ani ko at inikot-ikot na ang aking mga daliri.
Tinignan niya ako ng diretso, "How will you confess then?" tanong niya sa akin, I dunno actually I'm thinking it myself too.
"I...don't know, I've never confessed to someone before nor anyone had confessed to me," saad niya habang napasandal sa punong nasa likuran namin. That means she couldn't help anything to me at all.
"Pero..." I looked at her and she's smirking a bit, "-Wala naman kasi sa effort ng confession yung pagmamahal mo, eh, kundi doon sa message ng sasabihin mo. Kung mahal ka talaga ng isang tao, mapapansin niya yung mensahe mo kaysa doon sa naging effort mo," ani niya habang may mahinhin na tingin sa akin.
"I'm sorry if what I say is a bit cheesy, and I think it'll not make you feel better about your situation," ani niyang habang tumatawa ng nakapikit.
"I didn't say anything about it being cheesy, it actually helped me a lot. Thank you, Aishell," ani ko at nginitian ko siya, tumayo naman siya at tinapik ang aking balikat.
"Wish you luck for your confession then." Bulong niya sa akin at iniwan na akong nakatayo doon. I smirked, she's actually a great person I already convinced myself that I made her the way she was now...and boy, did that made me glad.
Marami nang nagsibalikan sa site namin at isa-isa na kaming pumasok sa aming tent at sinabi sa amin ng aming tour guide na ilang oras nalang ay dapat na kaming matulog sa aming mga tent, kaya pumunta kami sa clip para makita yung magandang langit.
YOU ARE READING
That Game Of Promise
Teen FictionYou can't run away from your past, because someone will constantly remind you of it. Ang gusto lamang ni Morgan ay makalimutan at tumakbo papalayo sa isang aksidente na-- sa loob niya-- ay siya ang may kasalanan. Hindi ito mangyayari dahil sa kaniya...