Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang sinag ng araw na tumatagos sa loob ng tent namin, napatayo ako at tumingin sa paligid at napansing wala na si Lumiere sa tabi ko.
Napahawak ako sa aking ulo at naalala yung mga pangyayari kahapon, napahawak ako sa aking labi at uminit ang aking mukha.
Paano ako nakapunta dito? Teka paano yung nangyari kahapon? Panaginip lang ba yung lahat ng iyon??
Habang nagiisip ako ay bumukas ang pinto ng tent at nakita ko si Xamier na dumungaw na may hawak na inuminan, "Good Morning Morgan," simple niyang saad at pakusang uminit ang aking mukha.
"G-good morning den..." Nahihiya kong saad, not making any eye contact to him.
"Halika na sa labas kumakain na yung iba doon, mamayang tanghali aalis na tayo dito," ani niya, tumungo naman ako at gumapang palabas sa tent. Pinaabot niya sa akin yung kanyang kamay at inabot ko ito para madali akong makatayo.
Hinila niya ako pero hindi ko parin magalaw ng maayos yung aking mga binti kaya sinalo niya ako, "You okay?" mahina niyang tanong sa akin.
"Para kasing nanghihina yung paa ko dahil doon sa panaginip ko kagabi...." Biglang naginit ang aking mukha, "Anong panaginip?" mahinhin niyang tanong.
"...N-na h-hinalikan kita ganon." I tried to say it as natural as I can because it's kinda awkward. Napahalakhak naman siya ng mahina dahil dito, "G-ganon ba nakakatawa iyon? A-ang weird ba ng panaginip ko?" tanong ko.
Huminto siya sa paglakad at bigla niya akong hinawakan sa baba at pisngi tsaka dahan-dahang hinalikan sa labi.
My eyes gleamed in realization.
This feels exactly like in my dream...
Naramdaman ko namang pinapasok niya yung dila niya at nanghihina ulit yung binti ko kaya tinulak ko agad siya papalayo.
I saw the trail of saliva inbetween our lips and I saw his shock face, "N-naalala ko na, hindi nga iyon panaginip. Pero wag mo naman akong bigla-biglang hahalikan... R-tapos p-pinapasok mo pa yang d-dila mo... B-baka may makakita sa atin, no!" pasigaw kong saad pero hinila lang niya ako papunta sa kanya.
"I'm sorry I just got carried away, ayaw ko kasi na sasabihin mong panaginip lang iyon kahit na totoong nangyari iyon..." Saad niya at hinalikan yung likuran nung kamay ko, naginit ang aking mukha at napatingin ako sa ibang direksyon.
"B-basta halika na doon sa kanila, nagugutom na rin ako, eh," ani ko at hinatak na siya sa pulso papunta doon sa lamesa kung saan silang lahat kumakain.
MAGKATINGINAN SA AMIN iyong lahat nung nakita nila kaming pumunta ng sabay na magkahawak ang kamay. But we acted nothing at umupo nalang at kumain na parang walang nangyari. Pero sulyap kami ng sulyap sa isa't isa habang kumakain.
Nung natapos na ang pagkain namin, yung boys naman yung nagligpit nung mga basura mula sa pinagkainan namin ngayon. At lumapit nalang sa akin si Aishell at bumulong, "Did you confessed already?" tanong niya.
Napatingin ako sa iba't ibang direksyon bago ulit tumingin sakanya, "H-hindi.... Kasi siya yung unang nag-confess sa akin," ani ko, bigla naman siyang tumili ng malakas pero hindi kalakas na maririnig hanggang sa malayo.
"Anong sinabi niya sa iyo? Anong nangyari? Paano siya nag-confess?" sunod-sunod niyang tanong sa akin habang nakangiti, kaya tinulak ko siya ng mahina at napabuntong hininga.
"Shh kalang muna sa iba, ha?" sabi ko at tumungo siya.
"Sinabi ko na gusto kong maging photographer na lumilibot sa buong mundo, tapos pangarap niya daw maging pilot. Tapos sinabi niya na...mahal niya nga ako-" at narinig ko nanaman siyang kiligin na tumitili.
YOU ARE READING
That Game Of Promise
Teen FictionYou can't run away from your past, because someone will constantly remind you of it. Ang gusto lamang ni Morgan ay makalimutan at tumakbo papalayo sa isang aksidente na-- sa loob niya-- ay siya ang may kasalanan. Hindi ito mangyayari dahil sa kaniya...