Pagkatapos ng aming maikling panahong pagpunta sa Mount Pico De Loro ay nagbalik na ang lahat sa dati at isang linggo nalang ang aming pasukan pagkatapos ay winter break na at sa pagtungtong ng December ay pupunta na kami nila daddy at mommy sa Japan and I can't wait to go to the Old Wisteria Tree there.
Naguusap naman kami ni Xamier even at class, which we don't do in the past at mas tumatag pa ang relationship namin dahil dito, it's a great step for us. Sabay-sabay na kaming tatlo ni Lumiere, ako at siya papunta sa mga klase namib, at dahil alam na ni Lumiere ang tungkol sa amin ay kadalasan niya kaming asar-asarin kahit na nasa labas na ng kwarto, we both don't mind it though.
Pumunta na kami sa Mapeh subject namin at nagulat kami nung nakita naming hindi naka-p.e uniform yung iba naming kaklase, "What the hell is going on here?" pabulong na saad sa akin ni Lumiere.
Pero umupo nalang kami dahil wala pa naman yung teacher namin at sure ako na ie-explain niya sa amin kung bakit.
Pumasok na yung teacher namin sa klase and we greeted her happily, since these is the last week we'll be doing physical works.
"Okay students, ngayong last week natin ay hindi na tayo magpe-perform ng physical works," ani sa amin at naghiyawan pa yung iba dahil dito.
Nagtaas ako ng kamay at tinanong , "Bakit naman po ma'am?"
"Oh! Hindi nyo pa rin ba alam ang magaganap bago kayo mag-winter break?" lahat kami ay nalilito at napataas ng kilay dito.
"Oh my... Makakalimutin talaga yung adviser ninyo. Sa Saturday night, 6pm ay magkakaroon ng annual prom para sa lahat ng estudyante sa buong paaralan, ito ay ayon sa ating Head Master. At gagamitin as venue yung field natin," ani niya, now that's a surprise hindi ko alam na may annual prom pala itong school na ito.
Halatang nagiingay na ang lahat dahil sa balitang ito kaya pinatahimik na sila ng aming Mapeh Teacher, "Okay students quiet down na, pagkatapos ng klase niyo na i-discuss iyong event na iyon with your jowas and syotas," ani niya kaya napatawa ang iba sa amin, napasulyap naman ako kay Xamier at napansin kong sinusulyapan niya rin ako.
I look away for a second and decided to take a peek at him again, "Don't worry ikaw lang naman ang naiisip kong i-date sa prom night," bigla niyang saad at naramdaman kong nagapoy ang aking mukha.
"A-anong--W-wala panga akong sinasabi sa iyo, eh!" ani ko, lumapit siya sa akin at ginulo yung buhok ko, "Because I know what you're gonna ask, no need to speak it out," ani niya ng may ngiti kaya mas lalong nagapoy ang aking mukha, "O-...oo na," saad ko habang tumitingin sa ibang direksyon.
Umayos na siya sa kanyang pagupo at nakinig na kami sa aming teacher, buti nalang at walang physical performance ngayon I'm so glad.
NATAPOS NA ANG Mapeh namin kaya pupunta na kami sa canteen, "I feel like a freaking third wheel here..." bigla nalang saad ni Lumiere sa akin kaya napahalakhak ako dito ng mahina, "I'm sorry if you feel that way." Natatawa kong saad sakanya.
"You know what? Di-distansya muna ako sa inyong dalawa, para hindi ko maramdaman na third wheel ako," ani niya at umalis na, "Hoy Lumiere! Teka lan-" hahabulin kona sana siya ng hatakin ako pabalik ni Xamier.
"Don't mind her, she can take care of herself kaya tayong dalawa nalang yung kakain ngayon," ani niya kaya pumayag nalang akong kaming dalawa nalang.
May ibang tumititig sa aming dalawa, it's a bit irritating and embarrassing too. Pero sinusulyap-sulyapan ako ni Xamier para kumalma ako mula sa mga titig, nakaupo na kami sa usual na spot namin nila Lumiere and it's actually my first time not seating with her.
"Kumain kana Morgan, just don't mind the stares," ani niya sa akin habang kinakagatan yung kanyang pagkain, "Yeah..." Simple kong saad at kumain na kaming dalawa ng tahimik.
I can still feel the stares at my back, but I'm fighting it nang bigla akong tutukan ni Xamier nung kanyang kutsara, "Ahhh~" ani niya, natawa ako dito.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko ng may tawa, "Isn't it obvious? I want to spoon feed you," saad niya habang nakasandal yung kanyang baba sa likod ng kanyang kamay at nakangiti sa akin, I blushed.
"W-what are you saying?! Maraming tao dito sa cafeteria!" pabulong kong saad sa kanya, "So? I don't care, I want to spoon feed you kaya 'Ahhh~' kana," ani niya.
"H-hindi mo ba alam na may rumor sa buong school about both of us?!"
"Why? Hindi ba totoo?" I was stunned for a bit.
"Alam ko yung about sa rumor tungkol sa ating dalawa, kaya nga ginagawa ko ito para hindi na maging rumor yun, eh," ani niya.
"Also, this is what our parents wants in the first place right?" dagdag pa niya, he does have a point pero natatakot ako sa mga titig sa amin, I've never got used to the stares even when it's still September.
"Come on, just say 'Ahhh~'" saad niya I furrowed my eyebrows at him but decided to do it anyways.
"Ahhh~" ani ko at sinubo niya sa akin yung kutsara.
"Hmm...Adobo yung ulam niya~"
"Nagustuhan mo ba yung adobo?" tanong niya ng nakangiti sa akin.
"Ang sarap nga, sinong maid ninyo yung nagluto para sa iyo? She's doing a great job I bet,"
"Huh? Maid? Pfftt, ako mismo yung nagluluto ng mga kinakain ko, ayokong may ibang taong humahawak nang pagkain ko," ani niya ng may pagmamalaki.
"Ooh! Talaga? I didn't know that! Yung kayang lutuin kolang kasi is scrambled egg tapos wala pang mantika..." Narinig ko naman siyang tumawa dahil sa sinabi ko.
"Marunong ka sa mga survival basics pero hindi ka marunong magluto? How can you be a proper wife that way?" natatawa niyang saad at namula naman yung mukha ko dahil sa kahihiyan.
"I-I never even considered to be a wife on the first place anyways..." Saad ko ng nakatingin sa aking kaliwa ng nakababa ang aking ulo, inabot niya yung baba ko at itinaas gamit yung index finger niya para diretso ang tingin ko sa kanya.
"Wag ka magalala, kapag naging magasawa tayo ako nalang ang magluluto para sa iyo," saad niya ng may namamalat na boses at naginit ang aking pisngi dahil dito.
Kumain nalang kami ng matiwasay pagkatapos noong maikling usapan na iyon. And boy do I get to see his soft but intoxicating kind of flirtation, at first I thought he's like an ordinary gangster with no such thing to wield now I got to see that he's more than that.
NAGLALAKAD-LAKAD KAMI sa corridor at napansing maraming tao ang nagsasabit ng mga posters tungkol sa up-coming prom night para sa buong school, and they have so much money to put posters in the entire school I say.
"Hey Morgan...kahit na alam mong ikaw yung magiging partner ko sa prom, gusto lang ulit kitang tanungin-" hinawakan niya yung aking mga kamay at hinalikan ito, my heart jump when he did that.
"Can you be my date for the prom, Miss Morgan Vanessa Melric?" tanong niya.
"Of course, Mister Xamier Grey Avallion," ang aking tanging saad sa kanya, nakita ko siyang ngumit sa akin.
"Good girl..." rinig kong bulong niya at hinawakan niya ako sa pulso at dahan-dahan akong hinila.
"Halika na, magsisimula na yung Math subject natin," saad niya. Kahit na nakatalikod siya mula sa akin ay nakikita ko pa rin yung ngiti sa kanyang mukha, I'm glad that he's happy to spend time with me to the prom night and I'm excited to see what more precious memories I can obtain in that event.
YOU ARE READING
That Game Of Promise
Teen FictionYou can't run away from your past, because someone will constantly remind you of it. Ang gusto lamang ni Morgan ay makalimutan at tumakbo papalayo sa isang aksidente na-- sa loob niya-- ay siya ang may kasalanan. Hindi ito mangyayari dahil sa kaniya...