It's another regular day at tapos na ang klase kaya dumeretso na kami ni Lumiere sa gym ng may biglang tumakbo sa tabi namin, at si Rafael pala iyon.
"P-pupunta na ba kayo doon sa gym??" tanong niya
"Oo..." ang tangi kong sagot at pinakita niya sa amin ang kanyang cellphone na may message mula kay coach.
"Sabi ni coach sa gym muna tayo ng basketball club kasi aayusin yung gym natin," ani niya and I sighed heavily.
"Oh brother....."
PUMASOK KAMI SA basketball gym at nakitang naglalaro na agad sila habang nagpapahinga ang boy's basketball team. Why do we always run into the boy's basketball team and not the girl's basketball team?
"Hoy! Morgan! Late na kayo! Magpapractice ulit tayo kaya magpalit na kayo doon!" biglang sigaw sa amin ni coach kaya dali-dali kaming sumunod at nagbihis agad.
Dumungaw ako sa basketball team at nakitang nasa bench si Xamier habang nakatitig sa naglalaro niyang mga kateammate. I sneak from his back and sat near the bench he's sitting without him noticing.
"So tanggap mona na bench warmer ka?" tanong ko at tumungo naman siya.
"Maybe it's for the best, since maraming bagong pumasok sa club namin. And coach needed to see their potential," sabi niya habang ngumingiti.
"Sana lahat nakakapagkitang gilas sa papalapit na tournament," ani ko.
"Bench warner ka din?" may pangaasar sa kanyang tono.
"Wag mo akong itulad sa iyo, Pinch Server ang naitala sa akin,"
"Ah sorry naman, pero kahit na Pitch Server ang naging posisyon mo dapat maging handa ka. Kasi any time ilalabas ka ng coach mo sa court, hindi tulad ko," napatingin naman ako sa aming coach at naalala ko yung sinabi niya about sa akin at kung bakit wala ako sa starter lines.
"Oo, alam ko naman iyon eh. Pero alam kong kakabahan ako pagdating nung time nayun," saad ko at sumunod ang mahinang halakhak.
Nakita ko namang nakatitig sya sa akin habang nakangiti, namula naman ang mukha ko dahil dito. "B-bakit? May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko habang kinakapa ang aking mukha.
"Wala, namangha lang ako dahil parang seryoso ka dito sa club na pinili ko para sa iyo," saad niya ng may mainit na ngiti, at mas lalong namula ang aking mukha.
"S-syempre, may plus points kaya ito sa MAPEH natin lalo na kapag sumama ka sa mga tournament na iyan," sabi ko at tumingin papalayo sa kanya.
"Morgan! Magsisimula na halika kana!" sigaw sa akin ni coach at nagmadaling lumapit papunta sa kanya.
"Wag mong kakalimutan na may ipapakita ako sa iyo mamaya, ha." Rinig kong bulong sa akin ni Xamier, but I didn't look back at him but I am curious on what he'll show me.
TUMAKBO AKO PARA habulin iyong bola at mataas akong tumalos, "Rafael!" sigaw ko at tinoss sa kanya yung bola, na hampas niya ito pero nablock siya nila Anne at Samantha from the opposing team.
"A-ah!" sigaw niya at dali-dali kong ni-receive ang bola pero hindi na ako umabot dahil maliit yung aking palad.
Damn!
Narinig ko namang humiyaw sila Anne dito, kaya tumayo nalang ako at hinampas ng mahina sa likuran si Rafael. "Wag monang alalahanin, masyadong mababa yung toss ko, eh," ani ko at napatungo siya sa akin.
*PPPRRRRTTTTTTTTT!*
Napatingin naman kaming lahat kay coach at sinignalan kami na lumapit sakanya. "Nakikita kong nagiimprove na kayong lahat, lalo kana Morgan nagiimprove narin ang pagto-toss mo. Maganda rin iyong quick decision making at observations mo,"
"T-thank you po coach!" ani ko, I never thought I'll get complimented. Well nagpa-practice naman akong mag toss from day one kasi ayun lang ang hindi ko magawa ng maayos.
"Kayong mga third years! Umayos kayo at naa-outshine kayo ng mga first years!"
"Sorry po coach!" sabay-sabay nilang saad, prinactice ba nila yon? O palagi lang talaga silang napapagalitan?
"Sige magpahinga na kayo, at bukas na ang last na practice natin at sa sunod na bukas na ang magiging tournament natin! Make sure na kakain kayo ng maayos at magpahinga ng maayos!" saad ni coach at sabay-sabay kaming yumuko.
"Maraming salamat po!"
NAGSIALISAN NA ANG basketball team at volleyball team sa gym, tinapik naman ako bigla ni Lumiere mula sa likuran at ikinagulat ko ito.
"Lumiere! Wag ka namang manggulat dyan! Muntikan nakong mahimatay sa iyo!" saad ko.
"H-hindi naman kita balak na gulatin, tsaka kanina pa kita tinatapik no!" sagot niya, teka kanina pa niya ako tinatapik?
"Ang hina naman nung tapik mo," ani ko sakanya.
"Yeah whatever, mauuna na ako sa iyo ha may gagawin kasi ako, eh," ani niya at umalis agad. Hindi ko pa nakikita yung sundo niya na andyan, at napansin ko rin na hindi kami nagsasabay umuwi simula nung nagannounce na may tournament kaming pagsasalihan. I wonder what's wrong.
May humawak naman sa pulso ko at nung pagtingin ko ay si Xamier pala ito. "Xamier!....Saan nga pala yung ipapakita mo sa akin?" tanong ko.
"Naalala mo dati nung kumain tayo sa carenderia tapos sabi ko may pupuntahan ako?"
"Oo...bakit?"
"Well, doon tayo pupunta at may papakilala rin ako sa iyo," saad niya at naglakad kaming parehas papunta sa dating direksyon.
Narinig ko namang may hina-hum siyang melody na parang pamilyar ako, pero I just shrugged the thought at nagpokus ulit sa daan.
DUMAAN KAMI SA isang kalye na maraming batang squater ang naglalaro at may mga lalaking nakahubad na nagbabasketball. Nung nakita naman nila kami ni Xamier nagsilapitan naman sila sa amin at bigla naman akong kinilabutan dito.
"Kuya Mier! Good evening sayo!" greet nila kay Xamier habang sinalubong naman silang lahat ni Xamier ng may ngiti.
"Good evening din senyo, ano nagawa niyo naba yung naturo ko sa inyong tricks?" tanong niya sakanila.
"Oo no! Nagimbento rin ako ng sarili kong move gamit yung move mo!" sabi nung batang madumi ang tshirt at mukha.
"Oi! Wag mong agawin yung style ko!" sigaw niya ag humalakhak.
"Kuya, sino yung magandang babae na iyon? Kaibigan mo?" biglang turo sa akin nung maliit na bata at nagulat naman ako dito.
"Ah, siya ba....Pano ko ba sasabihin to....Fiancee ko sya," sabi niya ng may ngiti at namula naman ang mukha ko dahil dito.
"Hoy Xamier! Wag mo namang sabihin sa iba yung about doon!" sigaw ko sakanya at napahalakhak siya doon.
"Wag kang magalala, di naman nila alam iyon, eh,"
"Ano yun Kuya Mier?" tanong nila at napahinga naman ako ng maluwag. Buti hindi alam iyon ng mga bata.
"Bleh! Bakit ko naman sasabihin sa inyo iyon? Search nyo nalang sa pisonet no!"
-"HAAA?!"
-"Un fair naman Kuya!"
-"Inglish-inglish ka pa kasi, eh!"Nakatingin lamang ako kay Xamier habang nakikipagusap siya sa ibang bata, nakangiti siya hindi magkatulad yung aura niya dito doon sa aura niya sa bahay nila.
"Morgan! Halika na!" ani niya at sumunod naman ako at naglakad ulit kami.
"Malapit ka pala sa mga bata dito," saad ko at napangiti siya dito.
"Nung sinabi kong laki ako sa hirap, dito talaga ako nagsimula noon. Hindi alam nila mom and dad na pumupunta ako dito since alam kong pagbabawalan nila ako kapag sinabi ko sa kanila," ani niya, kapag talaga pinaguusapan ang pamilya niya....Sobrang dilim nung mga mata niya.
NAPUNTA KAMI SA isang maliit na bahay, na mukhang pinagtagpi-tagpi lang. Nakita ko namang binuksan ito ni Xamier at tumingin sa akin. "Halika, pasok ka na Morgan," mahinhin niyang saad at sumunod ako sa sinabi niya.
What is this place anyway?
YOU ARE READING
That Game Of Promise
Teen FictionYou can't run away from your past, because someone will constantly remind you of it. Ang gusto lamang ni Morgan ay makalimutan at tumakbo papalayo sa isang aksidente na-- sa loob niya-- ay siya ang may kasalanan. Hindi ito mangyayari dahil sa kaniya...