CHAPTER 39

108 5 0
                                    

Ilang araw nalang at magkakaroon na ng prom night ang school namin at sobrang obvious na nito dahil sa dami ng posters at tarpaulin sa buong school namin. Minsang pupunta kami sa cafeteria ay maraming pairings ang kasamang kumain sa paligid, and maybe it's all because of the 'prom night dates' thing.

"Everyone is getting their dates I see..." Ani ni Xamier habang kinakain yung kanyang pagkain habang nakatingin sa mga naglalakad na estudyante doon, "They must be excited for the prom night like me," ani ko at ngumisi.

"Yeah me too, I can't wait to see what you'll wear," saad niya ng may mahinhin na mata at matatamis na ngiti, tumingin ako sa kanan habang umiinit ang aking mukha.

"I....can't wait to see what you'll wear too," saad ko ng biglang nagvibrate ang aking cellphone, tinignan ko ito at may natanggap akong message mula kay Lumiere:

Morgan, nasa akin na
yung ticket papunta doon
sa Japan trip natin!
I'm so excited!
by: Lumiere

Ang nakalagay sa mensahe, kaya napangisi naman ako dito ng kaunti. Excited narin naman ako para doon, eh.

"What's so funny?" tanong sa akin ni Xamier, pinakita at pinabasa ko sakanya yung message ni Lumiere sa cellphone ko.

"Pupunta kayo sa Japan?" tanong niya at tumungo ako.

Bigla naman siyang napabuntong hininga dito, "Sana makasama kita sa trip na iyan," pabulong niyang saad.

"Pwede ka naman sumama, ah, hindi kaba papayagan ng mom mo?"

"I mean pagsasabihan muna ako noon bago ako payagan eh, but my family face problems these days..."

"What kind of problems?" tanong ko, at nung narealize ko na sinabi ko ito ay tinakpan ko ang aking bibig, "I-I mean-- I'm sorry I suddenly said that! Hindi ko naman balak na-"

"May tinatago sa amin si Yvell," simple lang niyang saad habang nakatitig sa akin mula sa kanan.

"Sasabihin kona sa iyo, since magiging parte ka na rin ng pamilya namin." ngumisi siya sa gilid ng kanyang bibig at uminit ang aking mukha dahil dito.

"Yung si Yvell kasi may tinatago sa amin...Hindi naman namin malaman kung ano ito pero alam kong inaalam na ito nila dad," ani niya.

Naudlot naman ang aming usapan ng biglang tumunog yung bell na nagsasabing kailangan na naming pumunta sa susunod na subject, "Halika na," saad ni Xamier at tumayo na, kaya tumayo narin ako at magkasabay na kaming pumunta sa klase.

Bigla tuloy dumaan sa isip ko na wala pa pala akong susuot damit para sa prom night.

Goddammit!

GUSTO KONG BUMILI nang bagong dress para ma-impress ko si Xamier, kaya humingi ako nang tulong kay Lumiere.

"Ha? Samahan kita para bumili ng dress?" ani ni Lumiere at tumungo ako.

"Pretty please? Gusto ko kasi talagang ma-impress si Xamier, eh! Pretty pleaseee~" ani ko para ipilit siya, huminto siya ng saglit at tumungo.

"Guess I could help you with it,"

"Ohmygod, Thank you so much Lumiere," saad ko ng may kumikinang na mga mata.

"Pero I never really thought na magpapa-impress ka sa isang tao lalo na kay Xamier since arrange marriage ang meron kayo," ani niya.

"Hindi ko nga rin alam na mapupunta kami hanggang dito sa stage na ito eh....I've never planned about getting married pero, bigla ko nalang sakanya nakita yung kinabukasan ko..." Saad ko habang may nananaginting na ngiti sa aking mukha.

"Kelan nyo sasabihin kay Tita Melric yan?" tanong niya, which reminds me hindi panga pala nila alam na may ibang klaseng relasyon na kami ni Xamier.

"Hindi ko pa alam, eh, I'll talk to Xamier about it soon," ani ko.

Oo, kaming dalawa ang mismong magsasabi sakanilang dalawa.

"Hayst naman! Siguro masarap nga ma inlove no? Minsan nakakapagod ding maging single, eh!" pasigaw niyang saad at natawa na lamang ako dito.

"Anyways, may nakausap kana ba na magiging date mo?" tanong ko, avoiding the last topic.

"Ah oo, sila Adrian at Andrew." Nagulat at nanigas naman ako sa sinabi niya.

"Adrian and Andrew... Teka yung twins ba?" tanong ko at tumungo naman siya, oh my god! Bakit naman kaya nilang dalawa naisipan na tanungin si Lumiere as date nila.

"S-sure ka dyan?"

"Oo, tinanong pa nga nila ako ng sabay, eh." Damn it! Sana wag nilang gawan ng galaw itong bestfriend ko tapos sasaktan lang nila, makakatay ko talaga yung dalawang iyon!

"Uhm, may problema ba sa kanila?"

"U-uh...wala naman, basta kapag bwinisit ka nila hindi ako magdadalawang isip na bugbugin yung dalawang iyon, okay?" saad ko at natawa naman siya sa sinabi ko.

"Anyways, usap nalang ulit tayo paguwi ha?"

"Sige," ani niya at sabay kaming pumunta sa next subject namin.

BIYERNES NA AT katatapos palang ng klase namin at agad kaming dumeretso sa mall ni Lumiere para bumili ng masusuot namin sa prom night.

"What about this?" tanong niya habang tinuturo yung malaking puting ball gown na may kinokoberan ng glitters at may kasama pa siyang maliit na korona.

Napabuntong hininga ako at hinilot ang aking sentido, "Uh no, sabi ko simple lang diba? It's been the fourth time since we got here, I don't wanna attract too many stares you know?"

"Pero gusto mong ma-attract yung stare ni Xamier." Napatawa naman ako dito at patuloy paring naghanap ng simple pero magandang dress.

"Ay eto na talaga Morgan, baka gusto mo," rinig kong ani sa akin ni Lumiere sa likod.

"Baka malaki na naman ya-" noong pagkalingon ko ay nakita ko yung cyan colored empress-type of gown na abot sa aking tuhod with matching dalawang ribbons sa magkabilang ulo, kuminang yung aking mata dito at napahinto ako ng saglit.

"B-bakit ka napahinto? Hindi ba ok? Bagay naman ito doon sa highlighting sa buhok mo-" nagaalangan niyang tanong.

"Hindi panga ako nagkokomento ganyan agad iniisip mo, ang cute kaya I'll buy that," ani ko at kinuha ito.

"So...ayan na yung sa iyo?"

"Yes! Ikaw nakahanap kana ba ng susuotin mo?" tanong ko at ipinakita niya sa akin yung black halter-type of dress na hawak-hawak niya.

"Ito yung napili ko, what do you think?" tanong niya.

I got to be honest but those outfits are meant to like, destroy a wedding day, am I right?

"Para kang mangsisira ng wedding," matapat kong saad ng may ngisi.

"Ayun nga yung gusto ko, eh, so many disgusting couples are swarming our schools lalo na yung sa mga playboys doon, yuck! Kaya gusto kong mangepal sa mga couples doon. Uhm, pero hindi kayo kasama ni Xamier doon sa sinasabi ko," ani niya at natawa lamang ako.

"Well have fun, anyways maganda naman sa iyo yan, eh," ani ko at narinig ko siyang humalakhak ng mahina.

Kumuha narin ako ng green ribbon at makeup pallet, in case of emergency kahit na ni minsan hindi ako nag makeup. Binayaran na namin ito at umuwi na agad.

Pagkauwi ko ay inayos ko ang aking biniling dress at inayos narin ang aking mukha para bukas, I wish it'll went really well.

That Game Of Promise Where stories live. Discover now