CHAPTER 27

136 4 0
                                    

We arrived at the Volleyball Sports Center, where every volleyball matches will be held. Everyone was in awe about the whole place, while my reaction is neutral since I've seen this building many times 'cause mommy and daddy invests in this building.

Bigla-bigla namang sumigaw si Anne, "HOY OH! ANDAMING IBANG VOLLEYBALL PLAYERS DITO SA LO-" at hinila siya ni Marlie sa bibig.

"Hoy! Sumisigaw kap, eh, naririnig ka rin naman namin!" sabi ni Marlie habang sinisiko ang ulo ni Anne, habang kami naman ay awkward na tinititigan sila.

"Hoy, tignan mo yung brazers na iyon oh-" rinig kong bulong ng isa sa mga tao na nasa lobby.

"Oo nga iyon yung Jose Vien Team,"

"Totoo bang papasok pa sila sa tournament na ito?"

"Baka hindi na naman sila makaabot sa Nationals, masasayang lang effort nila." Tapos nagtawanan ang mga ito.

Agad ko namang kinuyom ang kamao ko habang tinititigan ang mga nagchi-chismisan tungkol sa team namin, ng biglang hawakan ni Lumiere ang akong kamao. Tinignan ko siya at siya ay napailing, tumayo naman sa gilid ko si coach.

"Wag mo na silang abalahin Morgan, alam kong dahil sa iyo magiging possible ang mga hindi ko nakaya dati," sabi ni coach at kumalma na ako ng tuluyan, umikot ako sa likuran para harapin silang lahat.

"Guys, ang kailangan niyo lang gawin ay umatake at panatiliin na nasa ere ang bola-" nilagay ko ang kamay ko sa strap ng aking bag, "-ako na ang magdedesisyon ng magiging galaw ninyo, p-...pagkatiwalaan niyo ako", saad ko habang nakatunganga silang lahat.

Nilagay naman ni Lumiere sa balikat ko ang kanyang kamay at sinabing, "Oi! Oi! Ang cool naman nung sinabi mo! Iba kana talaga Morgan!"

"Eh?"

At hinawakan naman ako ni Anne mula sa ulo, "OO NGA MORGAN! SOBRANG COOL NUNG SINABI MO HA! SANA GANUN DIN KATAAS CONFIDENCE KO PARA SABIHIN YUN," sabi niya at tumawa.

Napatingin naman ako kay Marlie at tumungo naman siya sa akin, "Kayong lahat! Pagkatiwalaan natin si Morgan sa magiging ganap ngayon, ok?" sabi niya.

"Oo na wag na kayong magdrama dyan, halika na!" sabi ni coach at tumungo kaming lahat at tumungo sa aming venue.

NAPAKALAWAK NANG AMING venue at nakita namin yung team na makakalaban namin na nagwa-warm-up na ng kanilang spiking.

"Dali-dalian! Late na tayo!" ani ni coach kaya nagmamadali kaming magayos sa aming uniform at nagwarm-up na kami sa receiving habang tinititigan ko kung paano gumalaw ang kalaban.

"Morgan!" napatingin ako kay coach at inilagay niya naman ang kanyang kamay sa aking balikat, "Ikaw ang pag-asa ng team, sa iyo ako sasandal." Bigla niyang sinabi na hindi ko inaakala at naramdaman kong gumaan ang aking dibdib dahil dito.

"Opo coach!" saad ko at ngumiti, I will surely handle everyone and everything in my team.

NAGSIMULA NA ANG match and it's obvious that we got the upper hand, ang posisyon na inassign ko sa team ay effective sa kabilang team. At after 19 scores ng aming team ay nagtime-out na ang kabilang side.

Akong magisa lamang sa gilid ng bench ay pinaupo na ni coach sa upuan, "May objections kaba sa kalaban, Morgan?" biglang tanong ni coach at naramdaman ko ang mga tingin nila sa akin.

"A-ah!...R-rafael, may problema ba? Para kasing mabagal masyado ang play mo kanina, eh," tanong ko.

"Ah, wala ito may dumi lang kasi sa paa ko kaya naiirita ako. Pero naalis kona yung dumi," sagot niya.

"Ganun ba? Iyon lang naman yung masasabi ko, keep up niyo lang yung ginagawa ninyo from the start," sabi ko at saktong pumito ang referee kaya tumayo nanaman ako sa isang gilid.

That Game Of Promise Where stories live. Discover now