A/N: Just to make it clear, hindi po talaga ako volleyball player so wala po akong masyadong alam kung tama ba ang nilalagay ko sa chapter na ito. >_< ^_^
___________________________________"MOVE! MOVE! MOVEE! Tournament is coming and y'all still move like withered plants!" sigaw sa amin ng coach habang pinapatakbo kami sa buong football field ng school for 7 laps with no break. Everyone is visibly exhausted and so am I, but I lodged my knees and ran faster since it's my last lap while everyone needed another lap to finish.
Nakadaan na ako sa linya at tapos na ang aking lap, pero hindi ako tumigil sa pagtakbo at tumakbo papunta sa bench. I pant and swallow the lump of my throat, then I saw Sarah handing me a bottle.
I gladly accept it, "Thank you," I said and chugged my mouth with the whole bottle until it becomes empty.
"U-uhm..." Narinig kong sabi ni Sarah kaya napatingin ako sakanya, may sasabihin ba siya sa akin?
"Gusto mo ba ang larong volleyball?" bigla niyang tanong at napatingin lang ako sakanya with visible confusion in written all over my face.
"What I mean is....Noong unang pumasok ka dito sa club wala kang masyadong gana sa laro na ito at nalaman kopa na pinilit kalang na pumasok dito sa club nato. Then when I started observing you, nakita ko na unti-unti karing naging determinado dito sa laro, gusto mo ba talaga itong larong ito?" tanong niya habang nakatitig lamang ako sa kanya ng may blankong ekspresyon.
I looked straight the field, "Oo gusto kotong larong ito, pero hindi naman ako ganun ka-althetic sa sports. Pero noong nakita ko yung mga determinadong mata nila....Napagisipan ko narin na tulungan sila, lalo na yung mga third years kasi last match na nila to," sabi ko at nung pagtingin ko sakanya nakatitig lang siya sa akin.
"M-masyado bang marami yung nasabi ko? P-pasensya-"
"Alam mo, akala ko dati sayo- isa kang babaeng walang gana sa paglalaro at walang pake sa ibang manlalaro, except nalang kay Lumiere. Pero hindi ko alam na ganito ka pala ka-passionate sa larong ito," saad niya habang nakikita kong kumikinang ang kanyang mga mata.
Ganon ba talaga first impression nyo sa akin? Though I'm really used to it, since I'm an introvert anyway.
"Brynn! Sarah! Bigyan nyo na yung mga tumakbo ng tubig" sigaw ni Coach at nakita ko na papunta na sila Lumiere papunta sa bench na inuupuan ko.
"Ang....bilis mo talaga!...Mor-gan!" saad ni Lumiere at napaupo nalang sa lupa, "H-hoy okay ka lang ba?!" taranta kong tanong at dali-dali siyang inabutan ng tubig.
ILANG MINUTO DIN kaming nagpahinga sa bench dahil sa sobrang hingal ng ibang tumakbo, lalo na si Marlie, Rafael at si Lumiere. "Hindi ko alam na malakas pala ang stamina mo!" biglang sumigaw si Anne sa gilid ko at napatalon ako dahil dito.
"Mas malakas naman ang stamina mo kaysa sa akin, Anne. Biruin mo nakakasigaw ka pa after 7 laps," pabiro kong saad.
Ngumisi naman siya dito, "Syempre naman, ako ang ace ninyo eh!" proud niyang sinigaw.
"Kung marami kapang stamina, tumakbo kapa ng isang lap sa buong field," rinig naming saad ni Marlie habang umiinom ng tubig.
"Hoy! Wag ka namang masyadong downer dyan Marlie!"
"Ah sorry naman, coach gusto daw ng 5 laps ni Anne!" she lazily said.
"POTRAGIS KA TALAGA NO?!" sigaw ni Anne, alam kong magbestfriends sila pero ang hindi ko gets ay kung bakit may dark history sa kanilang dalawa...
"Makinig kayong lahat." Biglang sulpot ni coach sa gilid namin at nagsitayuan kami sa paligid niya. "Hindi ko panga pala nabibigyan ng brazer at uniforms yung tatlong newbies no? Sorry," ani ni coach at naliwanagan naman kami dito.
YOU ARE READING
That Game Of Promise
Teen FictionYou can't run away from your past, because someone will constantly remind you of it. Ang gusto lamang ni Morgan ay makalimutan at tumakbo papalayo sa isang aksidente na-- sa loob niya-- ay siya ang may kasalanan. Hindi ito mangyayari dahil sa kaniya...