Pumasok kaming dalawa sa maliit na bahay at nakita ko kung gaano kasikip ang loob ng bahay at kung gaano kainit sa loob.
"Lo, Andito na po ulit ako," mahinhing sigaw ni Xamier at may lalaking dumungaw mula sa maliit nilang kusina.
"Kuya Xamier!" sigaw nito at inapiran si Xamier.
"Buti andito ka, hindi kasi ako makalabas ng bahay, eh," sabi nung lalaking naka sando lamang.
"Bakit anung problema?"
"Bibili sana ako nung gamot ni lolo, kaso walang maiiwan para mabantayan si lolo, eh, wala rin si Natalia,"
"Ah sige, dahil andito na ako, ako na muna ang magbabantay kay lolo," ani niya ng may ngiti.
"Sige kuya- ah! Teka sino pala yung babaeng kasama mo?" tanong niya at napatingin sa akin.
"Ayan yung fiancee ko, si Morgan," simple niyang saad, bakit ba madali niyang sabihin na mag fiancee kami?
"Aahh sige, maiwan kona kayo, ha," ani niya at umalis ng bahay.
"Pasensya na Morgan kung mainit dito ha..." ani niya at pumunta sa loob nung bahay. Dali-dali ko namang hinatak yung damit niya at idinikit ang sarili ko sa likod niya.
"H-hoy! Dimo ba alam na ngayon lang ako pumunta sa mga bahay na tulad nito?!" reklamo ko sakanya.
"Ah! Oo nga pala, sorry, ha," hinawakan niya ang kamay ko at ginabayan ako papunta sa isang kuwarto na nasa dulo nung bahay. Nakita ko na may matandang lalaking nakahiga dito at parang nanghihina narin siya dahil nakahiga nalang siya sa kama.
"Andito na ako, Lo," saad ni Xamier at tumingin naman yung matandang lalaki sakanya, kala ko tulog! Muntikan na tuloy akong mapatalon.
"Ah...Xamier apo, nasan na si Jerry para mabati ka..." Mahinhin at mahina nitong saad.
"Ah, lo, si Jerry po bumili nung gamot ninyo sa butika," paliwanag ni Xamier.
"Ah! Sino naman itong magandang dilag na nasa tabi mo, apo?" unti-unti niya akong itinuro.
"Siya po si Morgan, yung sinabi kong naging fiancee ko,"
"Ah siya ba..... Ang ganda niyang babae, bagay talaga kayong dalawa." Namula naman yung mukha ko dahil dito.
"A-ah...sige po lolo, kakatulog niyo palang ba?" tanong ni Xamier.
"Hindi nga ako makatulog kanina pa eh....pwede mo ba akong kantahan?" kantahan? Sumunod naman dito si Xamier at nginitian ang kanyang lolo.
"Oh my sweet little weeper, beneath the dearest blue sky" I got shivers down my spine, his voice turns so soft but huskily deep....How can he do that? And this tone, it's familiar to the song he's humming earlier....And it's the song of my "supposedly not touched" memories
"I still long for you and I wish I can see you mine. To go home next you, to embrace you in my arms" I was still staring at him in awe, I can feel my legs shaking because of pure nostalgia so I decided to sit at the ground and hear him sing. I didn't know he has talents like this...
"Oh my sweet little weeper, I hope that you're fine without me. I hope that you'll stare at the sky, singing and wishing me goodbye"
"You can sing...." I said with a low voice.
He suddenly stop, at nasulyapan niya na tulog na ang kanyang lolo. Tumingin naman siya sa akin, "Dati pa akong kumakanta," simple niyang saad.
YOU ARE READING
That Game Of Promise
JugendliteraturYou can't run away from your past, because someone will constantly remind you of it. Ang gusto lamang ni Morgan ay makalimutan at tumakbo papalayo sa isang aksidente na-- sa loob niya-- ay siya ang may kasalanan. Hindi ito mangyayari dahil sa kaniya...