Morgan's POV
"Andito ka na naman?!" sigaw sa akin ni Lynn, ang minsang kumukumpronta sa akin at nagsasabi ng kung ano-anong walang katuturang bagay. She's rich just like me but more influential than I am, she can spread rumors like they're virus. And she spreads false rumors about me and my family. I hate her.
Nanahimik na nga lang ako sa gilid ng Cafeteria namin dito tapos kinukulit niya pa rin ako? Ganun ba talaga siya kaselos sa business ng pamilya ko?
"Bakit ka pa nga pala andito? Diba wala ka namang kaibigan?" sabi niya at tumawa sila ng mahina ng mga henchewomen niyang sila Kim at Olivia. Hindi ako makalaban o sumagot man lang sa kanila dahil baka mas lumaki pa ang gulo at magkaroon nang pangmalawakang riot.
"Hoy! Anong ginagawa nyo sa bestfriend ko?!" biglang sigaw ni Lumiere habang tumatakbo at upumupo sa tabi ko.
"Hayst, Ayan na naman ang saviour mo. Bakit ba hindi mo madepensahan ang sarili mo? You're rich but you're very fragile and weak, makakawawa ang pamilya mo kung ikaw ang magmamana ng malaki at successful nilang kumpanya," wika niya ng may pandidiri sa kaniyang tono.
"Hindi kasi nasusukat sa yaman ang tapang at halaga ng isang tao, ikaw nga walang utak," ang mga salitang gusto kong sabihin kaso baka magalit siya at magresulta pa sa mas malaking away.
Ako yung type nung taong ayaw ng gulo at pinagiisipan muna ang mga gagawin ko bago ko kilusin.
Kaya hindi ako sumagot at umalis nalang sila ng tuluyan.
"Morgan, tama naman si Lynn. Mayaman ka, marami kang pera, tsaka matataas na tao ang mga magulang mo, ang liit nga ng family business namin kumpara sa inyo! Pero hindi mo ginagamit ito para lumaban. Bakit naman?" tanong niya sa akin at napabuntong hininga nalang ako dito.
"It's because I don't want anymore fighting, there's enough fighting in the world already, I don't want to cause another one for such a childish reason!" ani ko at kinain ang pastang baon ko.
"You only say that because you have no courage and confidence to yourself." Napatigil naman ako dito, she's right but I prefer to fight things logically to prove myself and why self-esteem isn't everything.
"Don't try to defend yourself because I'm right, a right is always a right, right?" putol niya sa akin, she can read me.
"Ugh! With that again!" reklamo ko at ininom ang tubig na nasa baso ko.
"But trust me Morgan, someday you'll need to have courage and confidence to yourself when the day comes,"
"And that day will never come," sabi ko sa kanya, tumayo na ako sa upuan at lumakad paalis.
"By the way, thanks for saving me awhile ago," kaway ko at umalis na ng tuluyan.
THE SCHOOL IS finally over and I came out of the gate and stretches my hands up, "Another day!" I said as I look up the orange sky, nag-vibrate ang aking cellphone mula sa aking bulsa at tinignan ko ito.
I have a message from mom.
May bigla namang yumakap sa akin sa likod at muntikan na akong ma-out of balance. "Happy end of the day sayo, Morgan!" si Lumiere lang pala ito.
"Muntikan na ako ma-out of balance doon!" reklamo ko sa kanya pero tumawa lang siya dito.
"You want to grab an ice cream? My treat," alok niya sa akin nang may ngiti.
"I'll pass, my mom just texted me sorry,"
"It's okay, I'll re-schedule it another time. Take care!" she said, she wave goodbye and entered her service car and left. Now I'm all alone here.
YOU ARE READING
That Game Of Promise
Fiksi RemajaYou can't run away from your past, because someone will constantly remind you of it. Ang gusto lamang ni Morgan ay makalimutan at tumakbo papalayo sa isang aksidente na-- sa loob niya-- ay siya ang may kasalanan. Hindi ito mangyayari dahil sa kaniya...