TS: Prologue

2.9K 96 15
                                    

"Halughugin niyo buong kagubatan! Huwag na huwag kayo titigil hanggat di niyo napapatay ang lalaking yun!" saad ni Don Franco sa mga tauhan niya.

Sa mga oras na ito pinapahanap niya sa mga tauhan niya si Calex.

Gusto nitong tapusin ang buhay ng nag iisang taga pagmana ni Don Felip sa kadahilanang gusto nitong makamkam ang lahat ng kayaman na mayroon ang familia Fuertego.

At hindi niya magagawa ang bagay na yun kung hindi niya mapapatay ang apo nito.

"Hala at maghiwa-hiwalay tayo! Siguradong di pa yun nakakalayo dahil sa natamong sugat niya!" utos nito sa mga tauhan niya.

Samantalang duguang tumatakbo palayo si Calex sa mga tauhan ni Don Franco. Hawak nito ang kaliwang tagiliran niya. Kung hindi siya magmamadali maabutan siya ng mga tauhan ni Don Franco.

Lakad takbo ginagawan ng binata. Iniinda ang hapdi na sugat niya.

Pano nga ba umabot sa ganito ang lahat?

"Hayun mga pre!" rinig na sigaw ni Calex.

"Fuck!" daing nito.

He run as fast as he could.

"Hoy! Tigil!" sigaw ng isang lalaki.

Nagpaputok pa ito ng baril.

Napahinto sa pagtakbo ang binata ng dulo na at bangin ang nabungaran niya.

"Shit! Katapusan ko na!" daing nito.

Napapangiwi pa ang binata sa sobrang sakit ng natamong sugat.

"Wala ka ng takas Calex at huwag mo ng tangkain ang tumakbo. Pinapalibutan ka na namin oh!" sabi ni Don Franco.

Palipat lipat ng tingin si Calex sa mga gustong pumatay sa kanya at bangin. Sa mga oras na ito iisa lang na iisip na paraan ni Calex.


Paunti unti itong umaatras patungong bangin.

Pareho parehong nagulat ang mga tauhan ni Don Franco ngahulog si Calex sa bangin, maging ang don ay nagulat.

Deret-deretso itong nagpagulong gulong sa ibaba.

"Don Franco mas pinili pa niyang magpakamatay kaysa ang patayin mo!" saad ng tauhan nito.

Mala demonyong halakhak naman ang pinakawalan ng don.

"It's better this way. Siya na mismo ang tumapos sa sarili niyang buhay. Sa lalim ng bangin na yan imposibleng mabuhay pa ang apo ni Felip!" himas himas pa ng Don ang hawak na baril habang nakadungaw sa bangin.

Mula sa kinatatayuan nila, hindi na nila makita ang katawan ng binata.

"Wala mga magagawa ang pobreng matanda kundi ang ipasa ang kayamanan niya sa anak ko!" dagdag nitong saad. Humalakhak itong muli.

"Tayo na!"

***

"Hugo! Hugo!" sigaw ng binatilyo.

Hinahanap nito ang pinakamamahal na aso niya.

"Saan naman kaya nagpunta ang asong yun?" bulong ng binata.

Palayo na ng palayo ang lakad nito hanggang makarating siya sa masukal na kagubatan. Sa paglalakad niya narinig niya ang kahol ng aso.

"Hugo!" sigaw niya ng matagpuan na nakaupo sa tabi ng malaking puno.

"Andito ka lang pala! Anong giangawa mo diyan?" lapit nito sa aso niya.

Nang tuluyan na siyang makalapit laking gulat niya ng mapansin ang lalaking duguan.

Agad niya ito nilapitan at tinignan kung buhay pa ito.

"Mister, gumising ka!" tugon nito sa walang malay na lalaki.

Dinikit ng binata ang tenga niya sa dibdib ng walang malay na lalaki. Pinapakinggan niya kung tumitibok puso nito.

"Hugo. Buhay ang lalaking to!" kausap niya sa aso nito.

Kumahol naman ang aso.

Sinubukan niyang niyang buhatin ang lalaki. Sinaklay niya ang isang braso nito sa balikat niya habang hawak niya ito sa bewang.

Muntik pa siyang matumba dahil sa bigat ng estrangherong natagpuan niya. Mabuti nalang at naisandig niya likod niya sa may puno.

"Ang bigat mo naman!" reklamo nito sa lalaki.

Dinala niya ito hanggang sa bahay nila ng tatang niya.

"Diyos ko iho. Sino yan? Bakit duguan at sugatan yan? Saan mo naman yan natagpuan?" sunod sunod na tanong ng lalaking matanda sa binata.

"Tang dami mo namang tanong. Alin ba uunahin ko dun?"

Tinulungan siya ng tatang niya dalhin ito sa higaan.

"Kumuha ka ng maliit na planggana na maligamgam na tubig. Lagyan mo na din ng alcohol at bimpo. Kumuha ka na din ng dahon na pinanggagamot ko sa mga taong may sugat!" mahaba nitong utos sa binata.

"Opo tatang!"

Bumalik siya dala dala ang mga iniutos ng kanyang tatang.

Tinulungan narin ng binata ang tatang niya sa binatang hanggang ngayon ay walang malay.

Siya ang nagpupunas ng duguan nitong mukha at katawan. Napansin din niya ang malaking sugat nito sa may bandang itaas ng noo niya.

Habang ang tatang naman niya ang naghahanda ng gamot nito. Dinidikdik nito ang halamang gamot.


"Ano kayang nangyari sa lalaking to?'




Yan ang katanungan sa utak ng binata sa mga sandaling ito.



Ano kaya ang buhay ang nahihintay kay Calex?





A/N: HEHEHE HI GUYS I TRY TO UPDATE PROLOGUE.. DITO KO MALALAMAN KUNG MAGUGUSTUHAN NIYO BA ITONG STORY KO. WATCHA THINK?? 😂😂

The Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon