TS: 21 - Day 5

1K 65 38
                                    

Gulf's POV

I'm smiling from ear to ear knowing that Mew still holding my hand habang papasok kami ng bahay nila. Kakauwi lang namin galing sa paglalaro ng soccer.

Matagal tagal na din akong hindi nakapaglaro kaya ang saya sa pakiramdam na muli kong natikman ang maglaro sa soccer field. Nakasama ko pa si Mew sa paglalaro kahit pa kalaban kami.

Sa pagpasok namin sa loob, isang katulong naman ang sumalubong sa amin.

"Señorito, may bisita po kayo!" salubong niyang sabi kay Mew.

"Sino po manang?" tanong ni Mew sa katulong nila.

She's about to say something ng may magsalita sa likuran ni manang and there, I saw a beautiful lady standing not so far from us. She's smiling. She looks stunning.

Who is this girl? I only knew Lemon. Based on my observation, she's not just an ordinary woman.

She's directly staring at Mew, only to Mew at parang hindi ako nag eexist. Narinig kong nagsalita si Mew at nagbanggit ng pangalan.

"Ayesha?"

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa. Naramdaman ko ang pagbitaw ng kamay ni Mew sa akin ng lapitan siya ng babae ay yakapin. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ng halikan niya si Mew sa pisngi.

Para naman akong tuod na nakatayo at nakamasid lamang sa dalawa. Actually they're look good together.

Nabalik ako sa realidad ng kausapin ako ni Mew.

"Gulf, akyat ka na muna sa kwarto. I'll just need to talk to her!" he said.

Ewan ko ba pero parang may tumarak na kutsilyo sa dibdib ko. Ito na naman yung pakiramdam na magseselos ka. Wala naman ako nagawa kundi sundin sinabi niya.

Bago ako makaakyat ng hagdan ay nakita ko ang isang katulong na patungong kusina kaya tinawag ko ito. Lumingon naman siya.

"Ano po yun young master? May kailangan po ba kayo?" tanong niya sabay lapit sa akin.

Sumilip muna ako sa direksyon nila Mew na ngayon ay masayang nag uusap silang dalawa sa sala.

Dala ng kuryusidad, nagtanong ako sa katulong tungkol sa babaeng bisita ni Mew. "Ya, kilala niyo ba yung babae?"

Tumingin pa muna siya sa babae bago sinagot tanong ko.

"Ah si señorita Ayesha po? Apo kilala ko po. Kasintahan siya dati ni señorito. Ang alam ko po siya ang first love ni señorito!"

Parang bombang sumabog nalang bigla sa harapan ko ang nalaman mula sa kanya.

First love?

Ibig sabihin, ang magandang babaeng yun ang first love na sinasabi din sakin kanina ni Mew?

Hindi ko maiwasan ang hindi mapadako ang tingin sa dalawa na ngayon ay masayang masaya pang nagkukwentuhan.

"Young master, okay lang po ba kayo? Bakit po kayo umiiyak?"

Sa gulat ko sa sinabi niya agad agad ko dinama ang pisngi ko na basa na pala ng luha ko.

Shit! Di ko na pala namamalayan na umiiyak na ako. Marahan kong pinahid mga pisngi ko at mapait na ngumiti sa katulong.

"I'm fine! Thank you! Akyat na ako sa taas!" paalam ko sa kanya.

Hindi ko na hinintay na magsalita oa siya. Agad ko siya tinalikuran dahil nagbabadya na namang tumulo mga luha ko.

Dumeretso ako sa kama at padapang nahiga. Kinuha ko ang unan at ibinaon ang mukha ko. Doon ay binuhos ko na mga luha ko.

After a minute of crying, tumihaya ako ng higa. I spread my arms in both sides and staring at the ceiling.

The Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon