Gulf's POV
"Iho sigurado ka ba dyan sa plano mong yan? You know I don't want you to get hurt lalo na to!" saad ni lolo sa akin sabay turo sa kaliwa kong dibdib.
I was busy packing my things at habang nag e-empake ng mga damit ko sa maleta, hindi ko maiwasan na hindi mapangiti.
"Lo, we already talked about this yesterday right with Lolo Felip? Both of you agree on it!"
I'm talking about staying at Don Felip's mansion with ofcourse my darling Jax na Mew pala ang totoong pangalan.
Ito ang magiging unang araw ko sa pagstay sa bahay na yun na kasama siya bilang isang Calex Mew Suppasit hindi bilang Jax.
Medyo kinakabahan ako sa pinaplano kong ito na manatili sa kanila ng isang linggo para lang ipaalala kay Mew ang tungkol sa relasyon namin.
Ayokong itapon nalang ng basta basta ang naging relasyon namin. Kung hindi niya ako maalala, pwes ako na mismo ang gagawa ng paraan.
50/50 ang magiging chance ko kung sakali. Maaring bumalik alaala niya sakin, maari din namang hindi.
"Gusto ko lang naman apo na makasigurado na hindi ka masasaktan sa plano mong pagtira sa kanila. Ito naman kasing Felip na to pumayag payag pa sa gusto mo!" reklamo nito.
Natawa naman ako sa inaasta niya. Parang dati lang, he's so eager na ipakasal ako sa taong gusto nila sa akin. Tapos ngayon gumaganito pa siya.
"Lo, I know what I'm doing. Don't worry about me okay! Isa pa, di ba ito naman gusto niyo? Once na maalala na ako ni Mew, pwede niyo na kami ipakasal!"
Isipin ko palang naikakasal ako sa taong mahal ko, kinikilig na ako. Ngayon pang kay Mew pala ako gusto ipakasal ng mga lolo namin.
Alam na ni Lolo at ng Lolo ni Mew ang nangyari sa kanya ng mga panahong nawala ito ng ilang buwan.
Naikwento ko sa kanila na sa amin ni Tatang Robin nanatili si Mew ng mga panahong wala itong maalala sa pamilya niya, sa pagkatao niya.
Maging ang relasyon namin naikwento ko sa kanila. Gulat na gulat pa nga mga ito sa kinuwento ko. Para bang ayaw pa nilang maniwala.
"Okay! Okay! Seems like hindi ka na papapigil. Basta, kapag nagkaproblema ka, tawagan mo lang ako!" tinapik tapik pa nito braso ko.
Tumango naman ako kay lolo na may kasama pang ngiti.
"Kayo na po bahala mag explain kay dad and mom!"
Wala kasi parents ko, out of town sila.
Alam ko naman na hindi rin nila ako mapipigilan. Ako ata ang tipo ng taong kapag ginusto ko, makukuha ko.
Gaya ngayon, kailangan ihanda na ni Mew sarili niya dahil simula na ng totoong laban. Gagawin ko lahat maibalik lang ulit siya sa buhay ko.
Inihatid pa ako ni Lolo hanggang sa labas ng bahay.
"Please take care of yourself there iho!" muli niyang paalala sa akin.
"I will Lolo!" sagot ko sabay yakap sa kanya.
Personal na driver ni lolo maghahatid sakin sa bahay nila Mew.
Sakay at lulan ng sasakyan ni lolo, hindi ko maiwasan ang kabahan. Kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon.
"Kaya mo yan Gulf! Fighting!" pagchecheer ko sa akin sarili.
Habang binabaybay namin ang daan patungong Fuertego Mansion, nag iisip naman ako ng paraan kung ano ang gagawin ko sa araw na ito.
BINABASA MO ANG
The Stranger (Completed)
FanfictionTitle: The Stranger Language: Tagalog English again (So sorry guys if all of my stories are written in TagLish, mas comfortable kasi ako pagganito) Mas feel ko kapag ganun eh lalo kapag NC BWAHAHAHA 😂 Hope you'll gonna give this a shot! --- Calex...