Gulf's POV
"Welcome back po young master!" bungad na bati sa akin ng mga kasambahay.
Mga nakauniform pa ang mga ito na pangkatulong. Nagbow pa ang mga ito sa harapan ko. Nginitan ko naman sila.
It's been a long months since I runaway from this home. Ibang iba buhay ko dito kaysa sa buhay ko ng nasa poder pa ako ni Tatang Robin.
"My God Riley! Finally you're home! Welcome back anak!" masayang bulalas at salubong sa akin ni mama.
Niyakap niya ako ng mahigpit and I did the same way too.
"I missed you mom!"
Hinaplos haplos niya mukha ko tsaka ngumiti ng matamis sa akin. God knows how much I missed them.
"I missed you too son!"
Napansin ko lang na wala si papa.
"Where's dad?" tanong ko kay mama.
"Bukas pa siya makakauwi apo. Nasa businesse trip pa daddy mo!" paliwang naman sa akin ni Lolo na nasa likuran ko lang.
"Nagpahanda ako ng pagkain. Tara at ng makakain ka na. Naghihintay na rin si Tatang Robin mo sayo sa kusina!"
Ipinilupot naman ni mama ang kamay niya sa braso ko tsaka ako iginiya sa kusina.
Nadatnan ko nga si Tatang Robin sa kusina na nakikipagkwentuhan sa mga katulong.
Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkaing inihanda nila para sa pagbabalik ko. Matapos makakain, ay nakwentuhan muna kami sa living room.
Kung anu ano lang naman ang napag usapan namin. Mostly, mga kaganapan sa akin ng mga panahong nawala ako sa poder nila. Kung ano ba mga pinaggagawa ko.
Nang makaramdam ako ng antok, nagpaalam na ako sa kanila na gusto ko na magpahinga.
Si tatang naman babalikan daw ng maaga bukas sa bahay niya. Hindi naman kasi nito pwedeng iwanan ang kanyang negosyo.
Umakyat na ako sa kwarto at iniwan sila doon sa sala na nagkukwentuhan pa. Wala na rin naman ako sa mood para makipagkwentuhan pa.
Wala naman ibang laman utak ko kundi si Jax. Kung papaano ko pa siya makikita?
I decided to go the bathroom to take a bath before sleeping. Dami gumigulo at sumasagi sa isipan ko ngayon.
Una, kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang paghahanap kay Jax. Pangalawa, kung papaano ko maipapaala sa kanya ang tungkol sa amin. Kung paano ko ipapaalala na may isang Gulf ang nagmamahal sa kanya?
Binuksan ko ang shower at hinayaang mabasa ng tubig ang buhok at buo kong katawan.
"What should I do now?" kausap ko sa sarili ko habang hawak hawak ang kwentas na bigay pa sa akin ni Jax.
Ito nalang ang natitirang bagay na nagpapaalala sakin sa kanya.
"Susuko na ba ako sa paghahanap sayo? Bibitawan na ba kita?" muli kong pagkausap sa sarili ko.
Muling nagflashback sa akin ang nasaksihan ko sa mall kung saan nakita ko si Jax na may kasamang babae. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong magkasintahan silang dalawa.
Napahigpit naman hawak ko sa kwentas. Isipin ko palang na maaring ganoon nga ang status ng dalawa para ng binibiyak ang puso ko.
Ako dapat ang kasama niya at hindi ang babaeng yun. Ako dapat ang nginingitian niya at hindi ang babaeng kasama niya. Ako dapat. Ako lang.
BINABASA MO ANG
The Stranger (Completed)
FanfictionTitle: The Stranger Language: Tagalog English again (So sorry guys if all of my stories are written in TagLish, mas comfortable kasi ako pagganito) Mas feel ko kapag ganun eh lalo kapag NC BWAHAHAHA 😂 Hope you'll gonna give this a shot! --- Calex...