TS: 9

934 72 74
                                    

Gulf's POV

Simula ng araw na umamin sakin si Jax sa nararamdaman niya para sa akin, ayaw na ako patahimikin ng sistema ko.

Masyado akong naapektuhan sa pag amin niyang yun to the point na kahit kasama ko si Top, sumisingit sa isipan ko si Jax.

Gaya ngayon, dinala ako ni Top sa park at nakaupo kami ngayon dito sa pabilog na fountain.

"Gulf! Hey!" tawag pansin sa akin ni Top.

"Huh? May sinasabi ka ba?"

Wala ako sa sarili ko. Lumilipad ang isipan ko at kasalanan to ng Jax na yun.

Nakita ko ang pilit na pagngiti niya. Nakaramdaman ako ng guilt dahil siya ang kasama ko pero lumilipad sa iba isipan ko.

Inamin na rin sa akin ni Top na gusto niya ako. Dapat maging masaya ako dahil gusto niya rin ako pero bakit ganoon?

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Kasama mo nga ako pero parang yung isip mo nasa iba!" malungkot nitong saad sa akin.

Muli na naman akong inusig ng aking konsensya. Bakit ba kasi ganito nararamdaman ko?

Ni hindi ako makatingin ng deretso sa kanya.

"Be honest with me Gulf. Do you have feelings with that guy?" tukoy niya kay Jax.

Napaangat ako ng mukha at sunud sunod na umiling sa kanya.

"Wala. Wala akong nararamdaman sa kanya!" sabi ko sa kanya.

Pero bakit parang salungat ang puso ko sa sinabi ng isip ko?

Pisti!

Ano bang nangyayari sa akin?

Titig na titig lang sa akin si Top. Tipong binabasa niya isipan ko kung nagsasabi ako ng totoo sa kanya.

Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa mga kamay ko. Nagulat nalang ako ng hatakin niya ako at halikan sa labi.

Namilog mga mata ko at nanigas ang katawan. Halos di ako makagalaw. Ni hindi rin halos humihinga dahil sa pagkabigla.

Tinulak ko kaagad siya.

"S-Sorry!" hinging paumanhin niya.

Nakuyuko ito sa akin. Marahil maging siya man ay nagulat sa kanyang ginawa.

Ang pinagtataka ko lang, bakit wala epekto sa akin ang halik na yun. Hindi katulad ng kay Jax, halos lumuwa na puso ko sa sobrang bilis ng kabog.

Jax na naman?

"Sorry! I should asked for your permission first before kissing you!" kakamot kamot sa batok niyang sabi sa akin. Nahihiya sa kanyang ginawa.

"A-Ayos lang. Huwag mo na isipin yun!" nakangiti kong sabi sa kanya.

Isang ngisi naman pinakawalan niya na ipinagtaka ko.

"So, it means, I can kiss you anytime I want?" nagniningning pa mga mata niyang sabi sa akin.

Sinapak ko naman braso niya.

"Hindi porket ayos lang sa akin ginawa mo eh papayag na ako na magpahalik ulit sayo!" natatawa kong sabi sa kanya.

Natawa na rin ito.

"Let's go! Sulitin na natin pamamasyal sa araw na to!" sabi niya sabay lahad ng kamay niya.

Napatitig ako sa nakalahad niyang palad. Nagdadalawang isip ako kung hahawakan ba ito o hindi.

Ito na mismo ang kumuha ng isa kong kamay. Hawak hawak niya kamay ko hanggang sa makarating kami ng sasakyan niya.

The Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon