Gulf's POV
Maghapon lang akong andito sa bahay at maghapon ko ding di nakikita si Mew maging si Lolo Felip ay wala din. Mga abalang katulong lang ang nakikita ko dito.
I feel guilty about last night dahil sa mga nasabi ko kay Mew. Dala ng pagod at frustration hindi ko na napigilan ang sumabog kagabi at makapagbitaw ng masasakit na salita.
Andito ako sa hardin nakaupo sa damuhan at nag iisip kung ano ba talaga dapat kong gawin.
Napalingon ako ng kumahol si Chopper. Tinawag ko ito para lumapit sakin. Tumakbo naman ito palapit sakin. Kinuha ko siya at kinandong sa lap ko. Hinimas himas ang kanyang ulo.
"What should I do now Chopper? No chance for me to find the necklace. Suko na ako!" kausap ko sa kanya na animo'y naiintindihan ako.
Ngayon ko lang ulit napansin si Chopper.
"Total naman hindi ko na mahanap yun, aalis nalang ako at huwag ng umasa na maalala pa ako ng amo mo!" muli kong pagkausap sa kanya sabay pinanggigilan ang katawan niya.
Inalis ko siya sa pagkakahiga niya sa lap ko at tumayo. Pinagpagan ko ang pwetan ko at naglakad patungong kwarto para mag empake. Pero bago ang lahat, kinontak ko muna si Lolo para sunduin ako dito.
Kaso, nakailang ulit na ako sa kakatawag walang sumasagot hanggang sa mag out of reach na siya.
Nangyari naman kaya kay lolo?
Sunod kong tinawagan ay si Top just like lolo, out of reach din siya. Nakakapagtaka naman. Minsan isang tawag ko lang sasagot na agad siya.
"Young master!"
Halos mapalundag ako sa gulat ng tawagin ako ng isang katulong. Nilingon ko ito. Makalimutan ko palang isara ang pinto
Salubong naman ang mga kilay kong napatingin sa kanya at sa hawak nitong malaking kahon.
Lumapit ito sa akin at inabot ang malaking kahon. Nagtataka parin akong nagpalipat lipat ng tingin sa kanya at sa hawak ko ngayon.
"Ano po ito?" takang tanong ko sa kanya.
"Pinapabibigay po ni señorito!" sagot niya sabay talikod sa akin at iniwan akong walang ka idei-ideya sa nangyayari.
Bakit naman niya ako bibigyan ng ganitong kalaking kahon?
May napansin akong maliit na card na nakasiksik sa ribbon. Kinuha ko iyon at binuksan.
"Please open me!" yun ang nakasulat sa maliit na card with smiley pa.
Nilapag ko sa ibabaw ng kama ang kahon at maingat na binuksan ito. Mas lalo naman kumunot noo ko ng makita ang nasa loob ng kahon.
It's a black tuxedo with a white vest and a stripe necktie. Sa ibabaw ng damit ay may maliit na card ulit. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.
"Please wear me!" saad sa nakasulat with matching emoji na nakanguso.
Naguguluhan naman ako. Anong pakulo to? Hindi ko alam kung dapat ko ba sundin ang nakasulat.
Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan. Pinagbuksan ko naman ito agad sa pag aakalang si Mew ang kumakatok pero nadismaya lang ako dahil ibang katulong naman ang nasa harapan ko.
This time, may hawak itong kulay sunflower na may maliit na card ulit na nakaattached sa stem.
Inabot niya ito sa akin na kinuha ko naman. Again, iniwan din niya akong nalilito at naguguluhan sa nagaganap ngayon.
BINABASA MO ANG
The Stranger (Completed)
Fiksi PenggemarTitle: The Stranger Language: Tagalog English again (So sorry guys if all of my stories are written in TagLish, mas comfortable kasi ako pagganito) Mas feel ko kapag ganun eh lalo kapag NC BWAHAHAHA 😂 Hope you'll gonna give this a shot! --- Calex...