TS: 20 - Day 4

1K 73 44
                                    

Perth's POV

Andito kami ngayon sa bahay nila Mew. Dito na kasi kami nakapag overnight ng sunduin niya kami kahapon sa mall.

Hindi ko naman mapigilan ang matawa sa kanya kahapon dahil halatang halata ang pagseselos at pagiging possessive kay Gulf. Hahawakan ko palang nga si Gulf nanlilisik na mga mata niya.

Anyway, nasa guest room kami natulog na magkasama nitong si Saint. I can't help myself from smiling while observing Saint.

He's sleeping like a baby. Hinaploas haplos ko pa buhok niya habang nakangiting pinagmamasdan ang maamong mukha niya.

Saint is my everything. Siya nalang ang mayroon ako. Siya ang dahilan kung bakit lumalaban ako sa buhay.

Huwag kayo mag alala wala akong sakit. Ang ibig ko lang sabihin ay siya nalang ang tanging pinagkukunan ko ng lakas para ipagpatuloy ang buhay.

Simula ng palayasin at pagtabuyan ako ng mga umampon sakin, naging palaboy ako sa kalsada. Namamalimos kung kani kanino hanggang sa matagpuan ako ng mga magulang ni Saint.

Sila ang kumupkop sakin. Sila ang nagbihis, nagpakain, nagpa-aral at nagbigay pagkakataon sakin para muling bumangon.

Lumaki ako kasama si Saint. Ako ang tumayong kuya at tagapagprotekta sa kanya. Kaya malaki ang naging utang ko sa kanila.

Ngayon, hindi ko aakalain na ang taong nagbibigay lakas sa akin, ay siya ding mamahalin ko.

I've been in a relationship before, papalit palit pa nga ako ng karelasyon dati eh. Kung baga sa damit, kakabihis mo lang, papalitan mo kaagad ng panibago.

But, everything changed ng minsang malaman kong may nagkakagusto kay Saint. Simula noon binakuran ko na siya ng hindi niya nahahalata. Lahat ng lakad ni Saint, andoon ako. Naging buntot niya ako.

Ayokong may ibang taong binibigyan niya ng atensyon niya, lalo na sa mga nagpahiwatig sa kanya.

Kahapon, ng tanungin ako ni Mew kung nililigawan ko ba si Saint, I said "no" to him which is totoo naman. Ayoko munang manligaw hanggat hindi ko pa nakakausap mga magulang niya, mga magulang bi Saint na tumayo rin bilang mga magulang ko.

Gusto ko ipaalam muna sa mga magulang niya na I wanted their son to be my partner, my lover  and my forever.

"Perth?"

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko boses ni Saint na tinatawag ang pangalan ko. He's blankly staring at me.

"Good morning! How's your sleep?" I asked as I kissed his forehead.

I usually do that to him. Kissing his forehead at sanay na siya na lagi ko siya nahahalikan sa noo.

"Fine! Good morning too!" nakangiti niyang bati sa akin. Umunat unat pa siya ng kamay.

"Perth, gising na ba kayo?" Rinig kong sigaw ni Mew.

"Oo dude gising na kami!" sagot ko sa kanya. Naglakad ako patungong pintuan at pinakbukasan ito.

Halos matawa naman ako sa postura niya. Pano ba naman kasi, by judging his looks right now, para siyang kulto.

Nakabalabal ang kumot sa buong katawan niya halatang kakabangon lang din galing higaan. Ang nakaagaw pansin naman sa kanya ang pisngi niyang pulang pula.

"What happened to your left cheek dude? Parang nasampal ah!" natatawa kong tanong sa kanya.

Sumimangot naman ito. "Tch! Gulf slap me!" sabay nguso. Akala mo batang pinagalitan ng magulang dahil sa hitsura niya.

The Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon