Mew's POV
Nagising ako ng may sumampal ng malakas sa mukha ko.
"Hoy bata gising!" saad ng lalaking humawak sa mukha ko.
Ramdam ko ang pamamanhid ng palapulsuhan ko sa kamay dahil parehong nakagapos ang mga ito sa may likuran ko.
Nakabusal din ang bibig ko.
What the hell am I doing here? Bakit ako nakagapos? Who did this to me?
Pilit akong nagsusumigaw kahit may nakabusal na panyo sa bibig ko.
Inalis ng lalaking mataba at may katangkaran na lalaki ang busal sa bibig ko.
"May sinasabi ka ba ha bata?" tanong nito.
"Anong kailangan nyo sakin? Kalagan nyo ko dito?" sigaw ko sa kanila.
Ngunit tumawa lamang ito kasama ang iba pa niyang mga kasamahan.
Halos mawalan ako ng malay ng bigla niya akong sampalin ng malakas. Napayuko ako at mariin napapikit. Fuck!
Nalalasahan ko na ang dugo na lumabas mula sa bibig ko. Pinilit ko parin angatin mukha ko at matalim na pinukulan ito ng tingin.
"Aba masama ka kung makatingin ah!" muli na naman sana niya ako susugurin ng may pumigil sa kanya.
"That's enough!" narinig kong saad ng boses matanda.
His voice sounds familiar. No! Baka kaboses lang niya.
Nasagot naman katanungan ko ng magpakita ito sakin mula sa madilim na bahagi ng abandunadong lugar nato kung saan nila ako dinala.
Namilog mga mata ko ng mapagsino ito.
"Lolo Franco?" gulat kong banggit sa pangalan niya.
I can't believe he can't do this!
"Surprised! Ano Calex kumusta ka?" He bend a little para magpantay mukha namin.
Nakangisi itong nakatitig sakin.
"Why are you doing this to me?"
"Why? Hmm.." tumayo ito na sinundan ko naman siya ng tingin.
"I'm doing this because I want you and your life to end!"
Nakakatakot ang mukha nito. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sakin. Ibang iba ito sa lolo Franco na nakagisnan ko simula pagkabata.
Hindi ko alam kung bakit niya gusto tapusin buhay ko.
"Ano kasalanan ko sayo? Why do you want to end my life?" pilit na nagpapakahinahon ako kahit ang totoo, binabalot na ako ng takot.
"Dahil yun lang ang paraan para mabawi ko ang lahat na dapat ay sa para akin." galit na galit itong humarap sakin.
Bawiin ang lahat? Ng ano? Ano sinasabi niya?
"What are you saying?" takang tanong ko sa kanya.
Lumapit ito sakin sabay hawak ng mariin sa magkabilang pisngi ko.
"Hindi ako makakapayag na mapunta sayo lahat ng pag-aari ng lolo mo Felip maging ang mga negosyo niyo!" galit na galit nitong sabi sakin.
Nararamdaman ko ang paghigpit ng kamay niya sa pisngi ko.
Damn this old man! I fucking hate him! Kaya ba ako pinadakip sa mga tauhan niya at dinala dito dahil gusto niya tapusin buhay ko ng sa ganun mapasakanya ang inaasam nitong kayaman ng pamilya namin.
BINABASA MO ANG
The Stranger (Completed)
Fiksi PenggemarTitle: The Stranger Language: Tagalog English again (So sorry guys if all of my stories are written in TagLish, mas comfortable kasi ako pagganito) Mas feel ko kapag ganun eh lalo kapag NC BWAHAHAHA 😂 Hope you'll gonna give this a shot! --- Calex...
