Mew's POV
"Calex, can we talk for a moment! I have an important matter to discuss with you!" bungad na sabi sa akin ni Lolo.
I was busy playing with my phone here in my room ng pumasok at lapitan ako ni lolo. Sandali ko lang siya tinapunan ng tingin tsaka ibinalik ang tingin ko sa nilalaro ko. He sat beside me. We're sitting in my couch sofa na pa L-shape.
"Are you even listening to me apo?"
"Yes I am lo. What is it about ba lo?" tanong ko without looking at him.
Muntik na akong mapamura ng bigla niya agawin sa akin ang phone ko.
Naman oh!
"Lo naman!" reklamo ko sa kanya na may kasama pang pagpadyak.
Naisangga ko naman bigla mga kamay ko dahil sa pagpalo niya sa akin ng tungkod niya.
"Bastos ka din talagang bata ka! Kinakausap kita pero di mo man lang ako tinitignan!" panenermon nitos a akin.
"Lo masakit! Oo na po heto na titingin na po sa gwapo niyong mukha!" ang arte arte talaga ng matandang to.
Tumigil naman siya sa kakahataw ng tungkod niya sa akin.
"So, what is it about you want us to talk?" tanong ko and this time, I'm looking at him, directly into his eyes.
"There's someone, a very special someone na gusto kang makita." he said while his two eyes are smiling and sparkling.
Napakakunot noo naman mga noo ko sa sinabi nito.
"And who's this special someone you are talking Lo?"
Lumawak naman pagkakangiti nito sa akin.
"My friend kasama ang apo niya! Gusto ka daw makita at makilala ng apo niya!"
Mas lalo pa ata kumunot noo ko. Lolo is really weird today. His friend with his apo? Sino naman kaya?
"Yang bang apo na sinasabi mo lo eh maganda at sexy ba?"
"You will know later! For now prepare yourself sa pagkikita niyo!" makahulugan pa nitong saad sa akin.
He's really a weird person! Umayos ako ng upo at pinatong mga palad ko sa ulo ko.
"Lo, I'm not in a mood para makipagmeet sa mga friends mo or sa kahit sino. Can't you see? I'm enjoying my rest day!" sabi ko.
"Ouch! Lo naman! What was that for?" hiyaw ko ng paluin niya hita ko. Namumuro na talaga matandang to sa akin ah! Himas himas ko ang hita ko.
Pigilan niyo ko baka maflying kick ko to? Pero joke lang! Baka mapaaga ang pagtatakwil niya sa akin pag ginawa ko yun.
"Rest day mo mukha mo Calex! Whether you like it or not, haharapin mo sila today. Papunta na sila dito kaya ihanda mo na yang sarili mo!"
Itinukod nito ang tungkod tsaka siya tumayo at naglakad palayo sa akin. Naiwan naman akong nakanganga sa kawalan.
What the hell?
Bago ito tuluyang mawala, muli niya akong nilingon at may iniwan pang mensahe.
"Within 10 mins dapat nakababa ka na at lumabas dito sa lungga mo dahil kung hindi humanda ka sa akin!" banta niya sa akin tsaka tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Wala na akong nagawa. Padabog akong pumasok ng banyo at naligo.
Habang naliligo hindi ko maiwasan ang magmura at sisihin ang taong gusto daw makipagkita sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/242490884-288-k247965.jpg)
BINABASA MO ANG
The Stranger (Completed)
FanfictionTitle: The Stranger Language: Tagalog English again (So sorry guys if all of my stories are written in TagLish, mas comfortable kasi ako pagganito) Mas feel ko kapag ganun eh lalo kapag NC BWAHAHAHA 😂 Hope you'll gonna give this a shot! --- Calex...