TS: 5

919 75 31
                                    

Gul's POV

"Gulf ready na ako!" dungaw sakin ni Jax.

Sino si Jax? Siya lang naman ang lalaking may amnesia. Ako mismo ang nagbigay sa kanya ng pangalan na yun.

Saan ko nga ba nakuha ang pangalan na yun?

Sa isang magazine na nabasa ko. Isa ang pangalan na "Jax" ang nakita kong napabilang sa "Most Attractive Handsome and Sexiest Man."

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi ito pagmasdan ngayon.

Nakasuot ito ng kulay asul na sando at maong short na may punit pa sa may bandang hita.

Nakasumbrero din ito ng puti. Kahit pa siguro pasuotin mo siya ng basahan o punit punit na damit lalabas at lalabas parin ang kagwapuhan niya.

Handa na itong sumama sa palengke para tumulong sa amin ni Tatang magbenta ng pinagkikitaan namin.

Kung tutuusin hindi naman niya kailangan pang sumama sa amin pero ito mismo ang nag insist na sumama dahil mabobored lang daw siya dito sa bahay.

Iniabot ko sa kanya ang dalawang bilao na may lamang kakanin. Nagdagdag na rin si Tatang sa kakanin niya ng puto at kutsinta.

First time ni Jax ang magbenta ngayon.

"Tara na!" saad ko sa kanya.

Sabay na kaming lumabas ng bahay. Nauna na kasi sa amin si Tatang. Good thing dahil may pwesto kami doon sa palengke para sa maliit na negosyo ni Tatang.

Matapos maipodlock ang bahay ay dumeretso na kaming dalawa sa palengke.

Sumakay kami kaagad ng tricycle. Sa loob ito pumwesto habang ako sa likod ng driver. Isang sakay lang mula dito ginagawa namin patungong palengke.

Pagkarating na pagkarating namin sa palengke, Bumungad sa amin ang maraming tao na bumibili kay tatang.

"Excuse me po! Makikiraan lang po!" kausap ko sa mga taong nakaharang sa daraanan namin.

Nagsilingunan naman mga ito sa amin. Yung mga babae para pang kumikinang ang mga mata. Sinundan ko mga tingin nila kung kanino sila nakatingin. Ayun kay Jax lang naman silang nakatingin.

"Hi pogi!" pagbati ng babae kay Jax na labas pa ang cleavage sa suot nito.

"Hi ganda!" todo ngiti naman nitong pagbati pabalik sa babae.

Napapailing nalang ako habang nilalapag ang mga bilaong dala namin.

Sumunod din si Jax sakin na naglapag din ng kanyang dalang bilao.

Nagulat pa ako ng bigla nalang kami dagsain ng mga tao, karamihan mga kababaehan pa.

"Pogi pabili ng 20 pirasong puto!" Sabi ng babae sa kanya na kulay green pa ang buhok.

"Ako pogi mga 30 pieces ng kutsinta!" Saad naman ng babaeng halos kita na kaluluwa dahil sa suot nito.

Nanlaki nalang mga mata ko ng may nagtatalo pa sa harapan niya.

"Teka ako nauna sayo miss. Tumabi ka nga dyan!"

"Hindi ako na una dito. Sumingit ka lang eh!"

Naihilamos ko nalang ang mukha ko ng kamay ko dahil sa eksena. Ibang klase din mga to.

Nagkakagugulo dahil lang sa kulugo na to. Hindi ko nga alam kung ang kakanin pa ba namin dinadagsa ng mga to o si Jax.

Si Jax naman pakamot kamot pa sa ulo. Hindi ata niya inaasahan may ganitong eksenang mangyayari.

The Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon