Gulf's POV
Magtatatlong araw na simula ng matagpuan ko sa kagubatan ang lalaking hindi ko alam kung magigising pa ba.
Gustuhin man namin siyang dalhin sa hospital ay hindi namin magawa gawa ni Tatang sa kadahilanang wala kaming ipangbabayad kapag pinaconfine namin siya doon.
Sapat lang sa pang-araw araw na pangangailangan namin ni tatang ang kinikita niya sa paglalako ng kakanin.
Simple lang ang buhay naming dalawa ni Tatang dito sa barrio Makapili.
At simula ng matagpuan ko ang lalaking yun ay hindi ko na natutulungan si Tatang sa paglalako ng kakanin sa palengke.
Wala kasi ibang pwedeng magbantay sa kanya.
Abala ako sa pagsasampay ng mga nilabhan ng dumating si Tatang Robin. Sakto huling damit nalang isasampay ko kaya agad ko itong sinalubong at kinuha ang dala dala nitong bilao na siyang pinaglalagyan ng mga kakanin.
Base sa nakikita ko ubos lahat ng paninda niya. Mukhang maganda ang benta niya sa araw na ito.
"Ang aga po yatang naubos ng paninda niyo ngayon tatang?" tanong ko sa kanya habang papasok sa loob ng bahay.
"Oo! May pumakyaw kasi ng paninda ko!" masaya nitong balita sakin.
Madalas pasado alas dose na ito umuuwi, ngayon wala pang 11:30 andito na siya.
Dumeretso ako ng kusina para kumuha ng plato at baso at nilagay mga ito sa mesa. Sunod kong kinuha ang kanin at ulam namin.
"Kain na po muna tayo tang!"
Lumapit naman ito sa mesa at humila ng upuan.
"Hindi pa ba siya gising?" tukoy nito sa lalaking natagpuan ko.
Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Wala ni isa sa amin ang makapagsasabi kung kailan magigising ang lalaki.
Hindi pa man ako nakakarami ng kinain ng magulantang kami ni tatang sa sigaw na nagmumula sa kwarto ko.
"Aaaahhh!" rinig kong sigaw mula sa kwarto.
Napatakbo kaming pareho ni tatang sa kwarto at nadatnan namin ang lalaking hawak hawak ang kanyang ulo.
Nilapitan namin ito. Kitang kita ko kung gaano ito nasasaktan. Pinagpapawisan narin ang noo nito.
"Iho!" tawag sa kanya ni tatang. Hawak hawak parin nito ang ulo nito at namimilipit sa sakin.
"Ang sakit!" daing nito.
"Tatang ano gagawin natin?" natataranta kong tanong sa kanya. Hindi ako sanay makakita ng taong nahihirapan.
"Kumuha ka ng gamot. Nandun sa kabinet bilisan mo!"
Agad ko naman sinunod utos nito at patakbong kinuha ang gamot sa kabinet. Kinuha ko na lahat ng uri ng gamot dahil sa taranta.
Inabot ko iyon kay tatang.
Isang tableta ang kinuha ni tatang at pilit iyong pinainom sa lalaking dumadaing parin sa sakit.
Hindi naman naglaon at kumalma din ito. Maayos na rin ang paghinga nito kaysa kanina.
Napasinghap ako ng magmulat ito ng mata at deretsong nakatitig sakin. Yung mga mata niya may kung ano ang humahatak sayo para titigan din ito. Para pang tumatagos hanggang kaluluwa ko ang titig niya.
May something sa lalaking ito na hindi ko naman mawari kung ano.
"W-Who are you? Where am I? Who am I?" sunud sunod nitong tanong samin ni tatang.

BINABASA MO ANG
The Stranger (Completed)
ФанфикTitle: The Stranger Language: Tagalog English again (So sorry guys if all of my stories are written in TagLish, mas comfortable kasi ako pagganito) Mas feel ko kapag ganun eh lalo kapag NC BWAHAHAHA 😂 Hope you'll gonna give this a shot! --- Calex...