TS: 17 - Day 2

849 73 72
                                    

Gulf's POV

"Hmmm!" impit kong ungol. Tinatamad pa akong bumangon sa pagkakahiga.

Sino ba kasi tong sumisipa sa tagiliran ko at iniistorbo tulog ko?

"Hoy gising asungot!" rinig kong sabi ng isang lalaki. Minulat ko mga mata ko at isang nakabusangot na mukha ni Mew ang bumungad sakin.

Napangiti naman ako ng makita siya. Bumangon ako sa pagkakahiga at tumayo.

"Good morning my handsome boo!" akmang yayakapin ko na sana siya ng umatras ito.

"Don't you dare!" banta niya sa akin.

Ang choosy ng mahal ko! Aga aga nagpapakipot!

"Why? I just want to hug you my boo!" ngiting ngiti kong sabi sa kanya.

"Hindi porket pumayag akong dito ka matulog sa kwarto ko eh papayagan din kitang halayin ako!" asik nito sa akin.

"Halayin? Wow naman! Yakap lang gagawin ko pero yung nasa isip mo halay agad! Sabagay pwede din. Ano game?" pinipigilan kong matawa sa kanya.

Hindi na kasi maipinta mukha niya sa inis sa sakin. Habang ako naaaliw at nag eenjoy sa kasungitan niya.

Ibang ibang siya ng si Jax pa ito dati. Si Jax kasi mabait, paangiti, maalaga higit sa lahat mahal na mahal ako.

Pero itong kaharap ko, although same lang naman sila, ugali lang nagbago. Ito yung totoong siya.

Masungit, mainitin ang ulo. I wonder if pati ulo nito sa baba mainitin din.

Muntik na ako matawa ng malakas sa kahalayan ng utak ko.

"Stop smiling. Nagmumukha kang baliw!" nakaingos na sabi nito sa akin.

"Baliw? Ah oo baliw ako. Baliw na baliw sayo!" saad ko sabay kindat pa sa akin.

"Kadiri ka! Hindi ka ba nandidiri sa pinagsasabi mo?"

"Hindi! Bakit ako mandidiri? Lalo na at nasa harap ko pa ang pinakamasarap!"

Napahagikhik na ako.

"Tss! Baliw ka na talaga! Mag hilamos ka na dahil gusto tayo makausap ni lolo!"

"Oh okay!"

Tatalikod na sana siya sa akin ng hilahin ko braso niya.

"Ano na naman ba?" naiirita nitong tanong sakin.

"Hehe! Wala man lang bang good morning kiss mula sayo?" hirit ko pa sa kanya.

Marahas naman niyang hinila braso niya na halos ikasubsob ko sa dibdib niya.

"Sapak gusto mo?" galit nitong sabi.

Napangisi naman ako. Ang sungit talaga! Talo pa nirereglang babae.

"Sabi ko nga maghihilamos na ako! Ang damot!" bubulong bulong kung sabi habang naglalakad papuntang banyo para maghilamos.

Matapos makapag hilamos at ayos ng sarili bumababa na ako. Naabutan ko ang maglolo na nag uusap.

Si Mew halatang iritado. Busangot ang mukha. Si lolo Felip naman kalmado habang ineenjoy ang kape niya.

Nilapitan ko na sila at magalang na bumati sa matanda.

"Good morning po Lolo Felip!" nakangiti kong bati sa kanya. Nginitian ko din si Mew ng magtama mga mata namin pero inirapan niya lang ako.

Napailing at ngiti nalang ako sa inaasata niya.

The Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon