Gulf's POV
"Hey! Wake up!" yugyog sakin ng isang asungot.
"Hmm~!" ungol ko. Tinatamad pa ako bumangon.
Habang tumatagal palakas ng palakas ang pagyugyog nito sakin.
Bwisit naman oh!
"Bakit ba? Ang aga aga pa eh!" maktol ko kahit nakapikit pa ko.
"Wake up na kasi! Pagluto mo ko ng breakfast!" hinila hila pa nito ang kumot ko.
Putek naman oh! Ayoko sa lahat yung ginigising ako ng pagka-aga aga!
"Pagluto kita? Ano ka prinsipe na dapat pagsilbihan?" inis kong saad sa kanya. Hinila ko pabalik ang kumot.
"Sige na! I don't know how to cook Gulfie! I'm hungry na!"
Ang pisti at hinatak na niya talaga ng tuluyan ang kumot at walang tigil na niyugyog ako ng niyugyog. Makakatulog ka pa kaya kung may kasama kang kulugong napakakulit?
"Putek!" mura ko sabay tayo.
Padabog akong nagligpit ng hinigaan ko. Kakatapos ko lang magsalansan ng higaan ko sa aparador ng bigla niya ako hatakin palabas ng kwarto.
Hawak hawak niya ako sa kamay patungong kusina.
Hinila ko kamay kong hawak niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Pwede bang paghilamusin mo muna ako? Ha pwede ba yun?" naiirita ako sa pagmumukha niya.
Ang aga aga badtrip na kagad ako.
"Sure! Sabay na din ako. I haven't wash my face yet!" saad nito.
Muli na naman niya ako hinatak. Sabay kaming pumunta ng cr at naghilamos.
Hinayaan ko nalang siya sa trip niya. Nauna na akong lumabas sa banyo at nagtungo sa kusina. Ayokong hatakin na naman niya ako.
Napakamot pa ako ng ulo.
"Ano ngayon lulutuin ko? Lintik na Jax yun?" bulong ko.
"Ano kamo yun?"
Halos mapatalon ako ng bigla ito magsalita malapit sa tenga ko. Ramdam ko din nagsitayuan balahibo ko sa batok ko Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko.
"Ano ka ba naman? Bakit bigla bigla ka dyan sumusulpot?" nakasimangot kong sabi sa kanya.
Nakangisi lang ito sabay kibit ng balikat.
Ang damuho at makaasta kala mo prinsipe. Chill na chill na nakaupo na sa may mesa.
"So what's our breakfast?" nakangiti nitong sabi sakin.
Inirapan ko lang siya at dumeretso sa ref para tignan kung ano pwede kong lutuin.
"Lason nalang kaya ipakain ko sayo no?" kausap ko sa kanya habang inilalabas ang mga sangkap para sa sopas.
Sopas nalang papalamon ko sa kanya.
"Ay huwag naman! Mawawalan ng gwapo sa mundo kapag nilason mo ko!" sabi nito na ginawa pang drum ang mesa.
Napailing nalang ako. Ang kapal talaga ng mukha!
Hindi ko nalang siya inimik at nagfocus sa paghiwa ng nga sangkap.
Matapos makapaghiwa , sinalang ko na ang kasirola para doon magluto.
"Ano lulutuin mo?" tanong nito.
"Lason nga!" pagbibiro ko.
"Wala sa hitsura mo ang manlason Gulfie!"
Ayan na naman yang tawag niya sakin.
BINABASA MO ANG
The Stranger (Completed)
FanfictionTitle: The Stranger Language: Tagalog English again (So sorry guys if all of my stories are written in TagLish, mas comfortable kasi ako pagganito) Mas feel ko kapag ganun eh lalo kapag NC BWAHAHAHA 😂 Hope you'll gonna give this a shot! --- Calex...