TS: 18

901 87 71
                                    

Mew's POV

"Tara doon sa may puno!" turo ni Gulf sa nag iisang punong nakatayo sa may gitna.

Nauna pa itong maglakad patungo doon.

Sa bawat paghakbang ko, bumibigat ang pakiramdam ko. I felt so strange. Para bang pakiramdam ko nakapunta na ako sa lugar na ito hindi nga lang ako sigurado kung kailan at pano nangyari.

This is so weird!

Nang tuluyan na akong makalapit sa puno, tumabi ako sa may gilid ni Gulf.

Tahimik lamang nitong pinagmamasdan ang puno. Iniangat nito ang kanang kamay niya at dahan dahang hinahaplos ang katawan ng puno.

Napansin ko ang nakaukit doon. Nakaukit ang salitang "boo at bii" na kung saan ay pinapagitnaan pa ng hugis puso ang dalawang salitang nakaukit.

"Alam mo bang ikaw ang mismong umukit nito?" biglang salita ni Gulf.

Salubong naman ang mga kilay ko sa sinabi niya.

"Wala ka ba talagang maalala?" tanong niya sabay tingin sakin ng malungkot.

His eyes are full of sadness at kahit nakangiti siya, hindi makakaila sa mga mata niya ang kalungkutan.

Iniiwas ko naman tingin ko sa kanya at ibinaling ang aking tingin sa nakaukit na mga salita.

Pinakatitigan ko iyon ng husto.

Simula ng makabalik ako sa pamilya ko ng araw na may gustong pumatay sakin, gabi gabi ko nalang napapanaginipan na I'm in a middle of nowhere, and dilim dilim. Takbo ako ng takbo.

At sa panaginip ko, someone always keep on calling me "boo". Hindi ko alam kung bakit ko napapanaginipan yun.

Muli kong tinignan si Gulf. Nakatitig lang ito sa nakaukit. Nakangiti maliban sa mga mata niyang ang lungkot lungkot.

I'm not so sure if si Gulf ba ang nasa panaginip ko. Halos parehong pareho sila ng boses ng lalaking tumatawag sakin ng boo sa panaginip.

Nang first time ko siya makita na muntik ko na siyang masagasan, he called me as Jax.

Ako ba talaga ang Jax na hinahanap niya? Nagkaroon ba talaga kami ng relasyon?

Kung oo bakit wala man lang akong maalala?

Napapitlag ako ng humarap sakin si Gulf at hawakan mga kamay ko. Napatingin naman ako sa mga kamay namin na magkahawak.

Bakit ganoon? Bakit nagrereact ang katawan ko maging puso ko sa kahit simpleng bagay na kagaya nito.

Napapalunok akong napatitig sa mukha niya. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano siya kagwapo.

Shit! Bakit ako nagagwapuhan sa kapwa ko lalaki?

"B-Bakit?" utal kong tanong. Hindi ko alam kung anong eksaktong sasabihin sa kanya kaya katanungan nalang lumabas sa bibig ko.

"Did you remembered? Sa harap ng punong to nangako tayo sa isa't isa. Saksi ang punong to kung gaano natin kamahal ang isa't isa."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Dama ko na sa bawat salitang binibitawan niya, nasasaktan siya.

Napansin ko din ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata niya.

"We promised not to leave each other's side. You even told me na once your memories back, I will look for you no matter what!" medyo pumiyok ang boses niya sa sinabi niya.

Naitikom ko ang bibig ko. There's something in me that I want to hug him para maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

The Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon