TS: 12

782 71 53
                                    

Gulf's POV

Ilang oras na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon wala paring Jax ang dumarating.

Kanina pa ito nakaalis. Dapat sa mga sandaling ito andito na siya.

Natapos ko na lahat ng ginagawa ko pero wala parin siya.

Napatakbo ako palabas ng narinig ang pagbukas ng gate namin at sa pag-aakalang si Jax na ang dumating ngunit si Tatang Robin lang pala.

Sinalubong ko ito at kinuha mga bitbit niyang nga plastic bag.

Nagpalinga linga ako sa labas, nagbabasakaling makita si Jax.

"Nasaan na kaya ang kulugong yun?" mahina kong kausap sa sarili na narinig naman ni tatang.

"Sino ba hinahanap mo?" tanong nito sa akin.

"Si Jax po. Kanina pa po siya umalis para ihatid yung order sa kabilang barrio pero hanggang ngayon wala parin po siya!" sagot ko sa kanya ng mailapag mga dala nito.

"Baka naman may dinaanan lang nak!"

Pero hindi talaga ako mapakali.

Magdadapit hapon na at wala paring Jax ang umuuwi. Ang kaninang kaba na nararamdaman ko mas dumoble pa ata. Kanina pa talaga ako hindi mapakali.

Maging si tatang ay nag-aalala na rin sa kanya.

"Iho, hanapin na natin siya!" suhestiyon ni tatang sa akin.

Sumang-ayon naman ako kaagad sa sinabi niya. Kinuha ko ang itim na hoodie jacket ko at sinuot iyon.

Nagsimula na kaming hanapin siya. Una naming pinuntahan ay ang bahay ng pinaghatiran niya ng order.

"Pasensya na, walang sinabi si Jax kung saan ang punta niya matapos maghatid ng inorder ko sa inyo. Ang alam ko, matapos niya nahatid ang mga kakanin dumeretso na siya ng uwi!" paliwanag sa amin ni Mrs. Reyes.

Regular na naming customer si Mrs. Reyes.

"Ganoon ba mare? Sige salamat. Pasensya na sa abala!" sabi ni Tatang sa kanya na humingi pa ng paumanhin.

"Wala yun! Sana mahanap nyo kaagad siya!" concern niyang sabi sa amin. Nagpaalam na kami sa kanya.

Kung saan saan na kami naghanap ni tatang.

Nasaan na ba siya? Grabe na yung kaba ko.

Paano kung may nangyari ng masama doon?

Kahit pa sabihing matagal na siya sa lugar nato, pwede parin siyang mapahamak.

Kahit sa police station pumunta na kami para humingi ng tulong.

Halos mawalan na ako ng pag-asa sa paghahanap sa kanya. Biglang nagflashback sa akin ang napag usapan namin sa ilog kahapon.

Pano kung bumalik na alala nito? Kaya siguro hindi na siya nakauwi sa amin dahil bumalik na alala niya? Baka nakauwi na ito sa kanila.

Ayoko mang isipin ang bagay na yun pero hindi ko maiwasan. Maari at posibleng ganoon nga ang mangyari.

Ngunit umaasa parin akong uuwi at babalik siya sa amin.

Niyaya na ako ni Tatang na umuwi. Ayoko pa sanang umuwi at hanapin pa si Jax pero pinilit na ako ni Tatang na umuwi at magpahinga.

Bukas nalang daw ulit namin siya hanapin kapag walang Jax ang talagang uuwi ng bahay.

Walang buhay at walang gana akong pumasok sa bahay. Ang kaninang nagbabadyang luhang kumawala sa mga mata ko ay kusa ng nagsilandasan sa mga mata at pisngi ko.

The Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon